TSW: Chapter 9

18.3K 376 19
                                    

No! Hindi yun pwedeng mangyari. Hindi totoo! Wala na siya! Nakita ko! Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano siya namatay. Hindi ito totoo.

"The day na nabaril ako at inilayo ka ni ate, akala ko katapusan ko na. Akala ko that was the last time, I would be able to witness great things.." he paused.

My eyes are focused on him. Waiting for him to continue.

"Dumating ang kuya mo. Siya ang nagligtas saken. Akala mo patay na ko, yun ang pinalabas ng pamilya ko at ng kuya mo. Dahil alam namin na manganganib ka. Puntirya ako nung mga taong kumidnap saten at kapag nanatili ako sa tabi mo, madadamay ka" pagpapaliwanag niya.

At doon nagsimulang tumulo ang luha ko. Paano? Paano nangyari yun?!

Bigla niya kong niyakap habang nakatulala ako sa kawalan. Pinipilit kong ipasok sa utak ko ang narinig ko.

"I'm sorry" bulong niya sa tenga ko.

"Gusto kitang balikan. Gustong gusto ko! Pero huli na...huli na...dahil kasal kana" he said na nagpahagulgol saken.

"Bakit? Bakit ngayon lang?" puno ng pagsisisi kong sabi at buti nalang nahanap ko na ang boses ko.

"I'm sorry! Di ko akalain na aabot tayo sa ganito. I'm sorry. Paano? Paano kita babawiin sa kanya?" sagot niya saken.

Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Di ko alam kung magiging masaya ba ko o malulungkot dahil andito na siya.

Wala sana ako sa sitwasyon kong ito, kung noon palang nagpakilala na siya. Kung noon palang binalikan niya na ako. Kung noon palang, nanindigan na siya. Kaya lang..malaking panghihinayang nalang ang nararamdaman ko, namin.  Puro panghihinayang dahil malabo ng mangyari ang gusto namin.

"Are you sure? Ayaw mo talaga na ihatid kita?" he asked habang nakahinto kami sa kanto ng bahay namin.

Hapon na ng makarating kami sa Manila at ngayon hinatid niya ko samen. Pero ayoko sa mismong bahay ko.

"Yeah. No need to worry. Ingat, Claude" I said and removed my seat belt.

But before I could get out of his car. He held my hand..

"Gagawin ko ang lahat para mabawi ka sa kanya" he uttered.

Nginitian ko na lamang siya at nagpatuloy na ko sa paglabas ng kotse. Inantay ko muna siya makaalis. Titig na titig ako sa sasakyan niyang mabilis na lumalayo saken.

I turned my back and started walking. Hay! Masaya nga ba ako? Okay lang ba ako? Kaya ko paba? Kasi sa tingin ko susuko na ko.

Naalala ko na naman ang asawa ko habang masaya sa dance floor. Walang problema, walang iniintindi. Ni walang bahid ng lungkot. Di katulad ko na halos di makapagsalita sa lungkot dahil malayo ako sa kanya.

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon