TSW:Chapter 16

16K 291 2
                                    

"Bakit di nalang natin unahin ang honeymoon?"

At halos maibuga ko na lahat ng kinain ko dahil sa sinabi ni Mommy.

"Ma! Ano ba yan? Binibigla niyo naman si Taliyah." suway ni Tyler sa mama niya sabay painom saken ng tubig. "Okay ka lang?" tanong niya saken at tumango nalang ako.

"Ano bang mali dun sa sinabi ko? Dalawang taon na kayong kasal at dapat may anak na kayo. Natanda kami, Tyler" sabi ng mommy ni Tyler.

"Oo nga, tama rin naman ang mommy niyo. Gusto pa namin masilayan ang magaganda at naggagwapuhang lahi natin" pagsang ayon naman ng tatay ni Tyler.

"Pa, nasa plano po namin yan. Wag po kayong mag-alala" sabi ko naman.

"May plano nga kayo, e kailan? Kapag 75 na kami"

"Excited masyado,Ma? Antay antay" sabi naman ni Tyler at kumain na.

Tahimik lang kaming nakain nang biglang magsalita na naman si Mommy.

"Ganito nalang. Umalis kayong dalawa bukas. Pumunta kayong boracay. Spent the week there."

At nagkatinginan nalang kami ni Tyler at pasimpleng natawa sa pagiging desperado ng mga magulang niya.

"Nakakatawa talaga sila. Di ko akalain na tototohanin nga nila yun" sabi ko habang inaayos ko ang mga gamit na dadalhin namin ni Tyler.

Ang mas nakakatuwa pa kahit hindi na daw sa boracay basta magkasama kami.

Napagplanuhan namin na sa Bicol nalang kami pumunta. May resthouse daw sila don.

"Hayaan mo na. Masaya nga ako't boto sila sayo" sabi ni Tyler saken.

Ewan ko ba, pero simula nung ipakilala ako sa kanila ni Tyler botong boto sila saken.

"Magtaka ka kung di ako mabait" sabi ko.

"Hangin talaga e!" natatawang sabi niya habang inaayos ang mga iiwan niyang trabaho sa opisina.

"Pagkatapos mo jan, tulog na tayo." dagdag niya at tumango nalang ako.

Ang dami naman kasi e! Isang linggo kasi kami don kaya ito halos dalhin na namin ang bahay namin.

"Tyler, suot mo 'to bilis! Ang cute!" hiyaw ko sabay taas ng isang boxer shorts na may design na hello kitty.

Tiningnan niya ko ng masama at parang kakainin na niya ko.

"Niloloko mo ba ko, Taliyah?" may halong pagbabanta yun pero natatawa talaga ako.

"Seryoso ako! Tingnan mo kasi! Sayang naman ang regalo sayo ni Daisy kung di mo ito isusuot" panunuya ko.

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon