Nagising ako na wala na sa tabi ko si Tyler. Inaantok man ako ay pinilit ko pa rin bumangon. Sandali akong naghilamos at pinuyod ko ang buhok ko bago ako bumaba sa salas.
Wala siya roon, kahit sa kusina ay wala rin siya. Lumabas na rin ako pero wala rin siya roon. Bumalik ako sa kwarto namin para tawagan siya, pero narinig ko ang kaluskos mula sa kabilang kwarto.
Agad akong nagtungo roon at nakita ko si Tyler na nakatayo malapit sa crib ng magiging anak namin. Lumapit ako sa kanya at halatang nagulat ito nang yakapin ko siya mula sa likod.
"Bakit ka nandito?" usisa ko sa kanya.
"Wala lang. Excited lang ako na lumabas na ang anak natin," sagot nito.
Siguro nga masyado ko na siyang kilala kaya alam ko kung kailan siya may problema at kung kailan siya may itinatago sa akin.
"Anong problema?" tanong ko at umikot ako para yakapin siya paharap.
"Wala. Excited lang ako, ikaw ba?"
"Tyler naman eh. Asawa mo ako oh! Isali mo naman ako d'yan sa iniisip mo. Nakakapagtampo ka eh," pagsusumamo ko.
Hindi ko alam pero natatakot ako. Nito kasing nagdaan na araw, lagi kaming masaya. Natatakot ako, dahil hindi naman gan'on ang buhay. Alam kong may problema at problema kaming haharapin.
"Ako nga ang dapat nagtatampo sa 'yo eh. May utang kapa kaya sa akin na round two."
Nakumpirma kong may problema nga siya dahil pilit niyang iniiba ang usapan. Upakan ko kaya ang isang ito, para magsabi ng totoo.
"Nakakainis ka! Wala kabang tiwala sa akin?"
"Siyempre mayro'n."
"Ayun naman pala eh. Bakit ayaw mo akong isali sa problema mo?"
"Wala naman kasing problema eh," sabi nito at niyakap ako.
"Wala! Ewan ko sa 'yo," pagtatampo ko.
"Moodswing. Wala naman kasing problema eh. Mukha ba akong may problema ha?" usisa nito.
"Eh! Bilis na! Umamin kana kasi!" pagmamaktol ko.
Nakakainis itong asawa ko eh. Paligoy ligoy, halata naman may iniisip.
"Tinatakot mo ako, alam mo ba 'yon?" sabi ko habang nakanguso. Mariin naman itong tumingin sa akin at hinuli ang mga mata ko habang nakakulong ang pisngi ko sa dalawa niyang kamay.
"Basta, gusto ko lang magtiwala ka sa akin. Hindi naman tayo parating ganito eh. Darating pa rin ang pagsubok sa atin. Ang gusto ko, sa akin ka makikinig at hindi sa kung kani-kanino. Kung may gusto kang malaman, sa akin mo itanong. Kung may iniisip ka, sa akin mo sabihin. Ayoko na maglihiman tayo. Okay ba 'yon?"
"Bakit ako kinakabahan sa sinasabi mo? May mangyayari ba, ha?"
"Wala. Gusto ko lang maging handa tayo, if ever. Sa akin ka lang makikinig, okay?" he asked.
"Yes, I promise, cross my heart."
Hindi ko alam kung saan siya nahugot at sobrang lalim ng mga pinagsasasabi niya. Ngunit, kahit ganoon ay naiintindihan ko naman.
"Let's have breakfast. Anong gusto mo? Magluluto ako," I asked him while he's hugging me.
"Puwedeng ikaw na lang. Round two," he whispered in my ear and gave shiver in my spine.
"Aahh!" I screamed when he suddenly carried me.
"Sa kama tayo mag-uumagahan," sabi nito at madali akong dinala sa kama namin.
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
RomanceTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...