Alam mo ba iyong nakakaiyamot? Kapag ang asawa mo ang may kasalanan sa'yo, pero letsugas kung magparamdaman na akala mo'y ikaw ang may mali.
Nakakaubos siya ng pasensya sa ginagawa niya sa akin. Ilang araw na kaming ganito, hindi ko na nga nabilang kung ilang linggo na.
"Aalis na ko." 'Yon lang ang narinig ko at mabilis siyang lumabas ng bahay namin.
Bwisit! Sadista talaga ang asawa ko eh. Alam na ngang nasasaktan ako, push na push pa rin sa pag-alis-alis. Kaimbyerna!
Simula noong nagkasagutan kami at sinabi niya sa akin ang pinakadakilang salita na narinig ko, ang I am sorry ay hindi na kami muling nagkibuan.
Laging aalis na ako, nandito na ko, malalate ako nang uwi, hindi ako dito kakain, ang mga naririnig ko mula sa kanya. Gago! Anong akala niya sa akin? Nanay niya? Kulang na nga lang magmano siya sa akin eh.
Katulad ngayon, basta lang nagsabi ng aalis na ako. Eh kung ako pa ang nanay niya, nasapok ko pa siya. Walang modo eh! Sana man lang hinagkan niya ako diba? Oh! Aangal ka? Asawa ako, malamang humingi ako ng halik.
Kesa magdrama ako rito ay aalis na lamang ako. Mag-uusap pa kami ni Daisy tungkol sa pagpapatayo namin ng isang cake house.
Mas maganda nga siguro kong isang cake house na lamang. Since, forte ko ang pastry.
Matapos akong maligo ay agad kong kinuha ang royal blue kong fitted dress. Ipinadala ito sa akin ni Jess. Nasa states kasi sila ng pamilya niya. And noong nakita niya raw itong dress na ito, ako agad ang naisip niya.
At exactly 10:00 AM, nakarating na ako sa isang fine dining restaurant. Doon ko nakita si Daisy na kasalukuyang tumitingin sa menu.
"Kanina kapa?" I asked as I sitted in front of her. Binaba niya naman ang hawak niyang menu para makita ako.
"Ah no. Kakarating ko lang din," she answered.
Ang ganda talaga ng kapatid ni Tyler. Take note, she's really nice too. Nagtataka nga ako kung saan pinaglihi ang kuya niya eh. Kung kapatid niya ba talaga ang ugok na 'yon.
"Ate, next week na ang kasal niyo ah? Sigurado excited na kayo."
Excited? JuiceMe! Kung alam lang niya na hindi kami nag-uusap ng kapatid niya.
"Yeah! Sobrang excited namin. Sa sobrang excited namin, hindi na namin malaman kung paano mag-uusap," sarkatika kong sabi.
Nakakainis kasi eh! Next week na ang kasal namin tapos ganito pa rin kami. Aba'y dinaig pa namin ang mga kinse anyos na kabataan kung magLQ.
"Don't tell me hindi kayo nag-uusap?"
I didn't talk.
"So, magkaaway nga kayo?" hindi makapaniwalang aniya no Daisy at napahawak na lamang sa buhok niya.
"Grabe! I couldn't believe the both of you. Dinaig niyo pa ang mga teenager sa pag-aaway," komento nito. "Anyway, anong nangyari? Bakit?"
Nako! Ang sarap lamang sabihin ng totoo. Ang problema, hindi nga ako sure doon sa totoo.
"Kausapin mo nga ako, ate. Ano ba talagang problema ha?"
"Hmm... Do you know Cassandra Nicole Chui?" I asked.
Alam ko na full name niya. Uh uh uh! Siyempre ginamit ko ang talent ko sa investigation. Dinaig ko pa nga si Mike Enriquez sa pag-iimbestiga eh.
Ang dami kong nalaman sa kanya. Naalala ko noon, sinabi sa akin ng magaling kong asawa na limang taon nang patay si Nicole or Cassandra or Cassy. Basta! Kung ano-ano kasing tinatawag nila roon eh. The truth is, wala pang tatlong taon patay ito.
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
عاطفيةTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...