I am stubborn, hundred percent sure. Ngayon lang hindi. 'Yung tipong kahit naglalaway na ako sa ice cream ay hindi ko magawang kumain.
"What do you want, ate? May bago tayo sa menu, you wanna try?"
Kasalukuyan akong nakapangalumbaba sa office namin ni Daisy. Ang opisina namin ay nasa third floor lang din ng cake shop.
"Nako! Alam mo naman ang kuya mo, bawal kung bawal," sabi ko nang hindi siya nililingon.
Bago nga umalis si Tyler dito sa shop ay nagbilin ulit siya. Ay hindi pala. Nagbanta ulit siya. Sino ba naman ang hindi matatakot at hindi magtitino 'di ba?
"Mukhang talo ka ngayon ni kuya, ah? Wala na ba'ng magawa ang charm mo at saka ang pangongosensya?"
"Nah! Gamit na gamit na nga. Ayan tuloy! Bago pa lang ako mag-iinarte may nasabi na siya."
Obvious naman na gagawin ko lahat para sa sweets. Sadyang mas matalino lang ang asawa ko sa akin. 'Yung tipong magpapaawa pa lang ako ay sasabihin na niya na, kaawa naman daw ang anak namin kung lalabas na may diabetes na. Susme! Sa pagkakaalam ko, hereditary 'yon.
"Kaya naman pala uunti ang tao sa baba eh. May nakapangalumbaba rito eh." Boses pa lang niya ay alam na alam ko na.
"Maiwan na kita, ate. Try mo'ng magmaakawa, baka umepekto," suhestyon ni Daisy.
"I don't here it little sister. Lakasan mo pa," Tyler commented with sarcasm.
"He-he-he! D'yan na nga kayo. Bahala ka kapag nalaman 'yan ni mommy, lagot ka," pagbabanta ni Daisy.
"Ha-ha-ha! Makatawa kapa kaya kapag naipasarado ko ito? Hmm? Let's see."
Natawa naman ako nang irapan siya ng kapatid niya at padabog na lumabas ng opisina. Ngunit, nang oras na humarap sa akin si Tyler ay sumimangot ako.
"How's my beautiful wife?" he asked as he leaned down on my table, facing me.
"Hungry," I answered.
"Where do you want to eat then?"
"Can you cook for me? I want pechay leaves with egg and cheese."
Ang sarap talaga n'on. I remember the time when I don't have anything to eat in my apartment. Naisipan ko na lang magluto ng pechay. It only cost me 15.00, and I have my lunch and dinner solved.
Nakita ko naman ang sobrang kunot na noo ni Tyler. Mukhang nawi-weird-uhan siya sa sinabi ko.
"You should try it. Ang sarap! Lalo na siguro kung may cheese. Tara na bilis! Uwi na tayo!" Mabilis akong tumayo sa swivel chair at hinila siya palabas ng opisina.
Wala na rin naman siyang nagawa. Sabay kaming bumaba ng hagdan habang maingat niya akong inaalalayan.
Sandali lang kaming nagpaalam kay Daisy at umalis na rin kami. Parang ngayon lang yata ako matutuwa sa gulay simula noong magdalang tao ako.
"Mayroon naman sa market, ah? Bakit sa palengke pa? Delikado roon. Hindi rin tayo sure kung ligtas ang mga bilihin doon."
"Anak mayaman," bulong ko.
"Taliyah." Kinilabutan ako sa paraan nang pagkakatawag niya sa pangalan ko. Maawtoridad 'yon at parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"Just stating the fact. Kung hindi ligtas ang mga pagkain doon, malamang sa malamang, patay na lahat ng mahihirap. If I know, mas fresh pa ang ilang gulay doon."
"Pero delikado. Pati ba naman ito pagtatalunan pa rin natin?"
"Definitely! Pati ba naman ang palengke ay issue pa sa'yo? Kung ayaw mo, itigil mo na lang ang kotse sa harapan at ako na ang bibili. Tapos ang usapan."
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
RomanceTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...