"3 consecutive nights, Tyler. Baka naman gawin mo pang isang linggo. Sabihin mo lang ng maaga at ako na mismo ang magpapagawa ng kwarto sa kompanya mo para hindi kana mahirapan sa pag-uwi. Kung gusto mo, ipag-e-empake na rin kita ng damit," deretsang sabi ko nang makapasok si Tyler ng bahay.
"Baby naman, can we just rest?" Ugali talaga ng isang ito na gamitan ako ng malambing na boses eh. Pero hindi talaga ako tatalaban ngayon.
"I really want to. But, I know I can't sleep without you knowing that I'm already pissed with your attitude."
"Whoa! That's really hot of you wife. Chill naman." Mabilis kong tinanggal ang tsinelas ko at binato sa kanya.
"Hindi ako nakikipagbiruan, Tyler!"
Mabilis naman siyang yumakap sa akin at siniksik ang mukha niya sa leeg ko.
"Ang misis ko naman hindi malambing eh. Sorry na. Last na ito. Bukas maaga na akong uuwi."
Eh siraulo pala ang mokong na ito eh! Hindi na yata naalala na birthday ko bukas. Bwisit!
"Pangit mo!" hiyaw ko sa kanya. "Maligo kana! Ang baho baho mo! Amoy usok!"
Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at iniwan ko na siya roon. Antok na antok na talaga ako. Alas onse na rin kaya. Hay! Kaawa naman ang baby ko, lagi na lang puyat. Hindi na nga ako magugulat kapag lumabas siya na may eyebags eh.
"Baby."
"Baby-hin mo muka mo!" hiyaw ko at tinalikuran siya.
"Sorry na. Alam mo naman busy sa trabaho eh." Muli ako nitong pinaharap sa kanya.
"Niloloko mo ba ako, Mr. Contreras? Trabaho na aabutin ng hating gabi? Grabe naman! Bukas na bukas ipagpapatayo na kita ng monumento para sa pagpapakabayani mo."
"I don't know if it's just me, but I observe something. Ang haba ng mga litanya mo sa akin. Hindi ko rin malaman kung saan mo nakukuha 'yang mga idea na 'yan."
"Ewan ko sa'yo. Matulog na tayo."
"Talika na rito. Payakap naman sa mahal kong reyna. Pampatanggal ng pagod." Hinigit niya ako at niyakap ng mahigpit.
Nasabi ko na ba sa inyo na kaya ko siya laging hinihintay sa gabi ay dahil hindi ako makatulog na wala siya sa tabi ko. Ewan ko ba! Wala naman sa kanya ang kama pero hindi makatulog sa gabi.
Kinabukasan ay nagising ako ng alas dies ng umaga. Hindi na ako nag-abalang magmadali dahil alam kong umalis na rin si Tyler ng 8:00. Nagpaalam naman siya sa akin, sadyang hindi ko lang magawang imulat ang mata ko kanina.
Medyo sumama rin ang loob ko dahil hindi niya talaga naalala ang kaarawan ko. Naiinis man ay wala naman ako magawa. Alangan naman ipaalala ko pa sa kanya 'di ba?
Matapos kong gawin ang morning rituals ko ay dumeretso na ako sa kusina para kumain. Binuksan ko ang refrigerator at nagulat ako dahil may cake roon.
Oh! Exciting! Kinuha ko 'yun at nilagay sa mesa.
Happy birthday, Taliyah
I love you, baby'Yan ang nakasulat sa cake. Hindi naman pala niya nakalimutan. Saan naman kaya niya ito kinuha? Wala naman akong maalala na may dala siya kagabi pagpasok sa bahay.
Isang slice lang ng cake ang nakain ko. Nakakalungkot pala 'yung birthday mo tapos wala ka man lang kasama.
Wala pa ngang nabati sa akin kahit isa eh. Nakakainis lang! Nakakapagtampo tuloy silang lahat.
Sa halip na magmukmok dito sa bahay, aalis na lang ako. Tutal may pera naman ako, edi ite-treat ko na lang ang sarili ko.
Matapos akong kumain ay dumeretso na ako sa kwarto para maligo.
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
RomanceTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...