Special Chapter 4 (Part 1)

12.9K 204 1
                                    

Hay! May mas lulungkot pa ba sa araw na ito? Akala ko pa naman magiging memorable ito para sa amin. Pero mukhang nabaligtad ang lahat.

"Mom! What do you prefer? This beige maxi dress or this red one?" Tipsy asked as she pointed her fingers on the dresses laid on my bed.

"I think I can't come, baby. I am not feeling well," I replied.

Sino ba naman kasi ang gaganahan na umalis ng bahay kung naiinis ka? Kalmado lang ako ng lagay na ito dahil kaharap ko si Tipsy. Pero talagang nag-iinit ang dugo ko ngayon.

"But mom! This day is so special for you and daddy!" she protested.

Ayun na nga ang punto ko eh. Espesyal itong araw na ito. Pero dahil dakilang negosyante ang asawa ko, pinagwalang bahala niya lang ito, dahil mas mahalaga ang negosyo.

"Baby, ano naman ang gagawin ko roon? Wala naman ang daddy mong ugok doon? Matutulog na lang ako."

Tyler is in a business trip in London. He was supposed to stay there for two weeks, then suddenly, na-delay siya ng 3 days. At sa kasamaang palad hindi siya makakauwi ngayong anniversary namin.

We are supposed to celebrate our 7th wedding anniversary today with our family. I just thought of cancelling it, but I can't. Since everybody was prepared I just can't be biased. Ituloy na lang tutal handa na ang lahat.

But, just as this morning, tinamad na ako. Who would not be, right? Anniversary niyo ang ise-celebrate pero ang asawa mo wala. Kumusta naman 'yon?

"Mom, what's ugok?"

I laughed with my daughter's question. Next time, I'll be more cautious with my words. I might say bad things.

"That's equal to smart, baby. But, don't use that word to anyone. I'm just the one who invented it," I reasoned out.

"Okay. But, are you really not sure that you're not coming? Grandma and lola might be waiting for you."

"I'll just call them later, baby. Anyway, papunta na si tita Kessia, aayusan kana niya. Tutulog lang ako."

After my conversation with Tipsy, I really took a nap. And when I woke up I heard my phone ringing endlessly.

"Bakit?" pabalbal kong tanong nang makita kong si Tyler ang natawag.

"Ang hot mo, baby." Rinig na rinig ko ang pagngisi niya sa kabilang linya kaya naman mas lalong nag-init ang dugo. Kapal din talaga ng mukha ng isang ito eh.

"Oo! At mararamdaman mo ang hell kapag umuwi ka!" sigaw ko sa kanya. Buwisit na 'to!

"Hahaha! Parang ayoko na tuloy umuwi."

Grabe lang! Nagagawa niya pa talagang tumawa sa ganitong sitwasyon. Seriously?

"Gago ka! Sinasabi ko sa 'yo, kung kailangan kong itaob ang London makita ka lang, gagawin ko!"

"Joke lang naman, baby. Anyway, have you prepared yourself?"

Mokong na 'to! Inaasahan niya talaga na pupunta ako roon. Para ano? Para saktan ang sarili ko dahil wala naman siya. Para ipamukha sa sarili ko na masyado siyang magaling at inuna niya pa ang negosyo kaysa sa asawa niya. Wow!

"And you expect me to be there? Wow Tyler! Ano palang gagawin ko roon, ha? Tutunganga dahil wala ka naman? Anniversary natin ngayon, for goodness sake! Tapos ano? Nandyan ka sa London para sa negosyo mo? Napaka-sweet mo Tyler! Sobra!"

"Sorry na, baby. Babawi naman ako."

"Wala akong pakialam sa 'yo! Pakasasa ka sa pera mo! Bye!"

I ended the call instantly. Buwisit! Nanggigigil talaga ako. 'Yung tipong kapag uuwi na siya, sa halip na salubugin ko siya ng yakap ay magiging mura at sermon. Nakakainis eh! Manhid!

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon