Can things really get more complicated?
Noong sinabi ni Drew na mayroon sakit sa puso ang mommy niya ay biglang nag-iba ang aura ni Tyler. Hindi ko maintindihan kung pagtataka, panghihinayang o awa. Basta ang sigurado ko, mag-iiba ang turing niya rito. At 'yun ang kinakatakot ko.
Napatingin ulit ako sa orasan. Bakit ako kinakabahan ng ganito? Tatlong oras na siyang wala simula nang ihatid niya si Drew sa mommy nito. Ngunit, hanggang ngayon ay wala pa siya.
Muli kong sinubukan na tawagan siya pero puro ring lang 'yon at hindi nasasagot. Halos mapasabunot ako dahil pang forty-four times ko nang naririnig ang, The subscriber cannot be reach. Please, again later. Letse 'yan!
"Nasaan kana ba, Tyler!" gigil kong sabi.
Alas otso na pero hindi pa ako nakain dahil sa paghihintay sa kanya. Ano ba naman 'yung magtext siya, kung matatagalan siya. Hindi 'yung mukha akong tanga na naghihintay sa kanya.
Maibabato ko na sana ang phone ko nang bigla akong nakatanggap ng message sa kanya.
I'll be late, baby. Kumain kana. I love you.
'Yun na 'yon? Matapos niya akong paghintayin ng tatlong oras, 'yun lang ang sasabihin niya? Bwisit!
Kung hindi lang talaga ako buntis, itutulog ko na lang ito eh. Kaya lang, baka magalit ang baby ko.
Kumuha ako ng plato at naglagay ng paella na ginawa ko kanina. Buti na lang at masarap akong magluto dahil hindi ako nawawalan ng gana.
Nang matapos akong kumain ay naglinis na lang ako ng katawan bago nagpalit ng dami. Cotton shorts ang sinuot ko at tshirt ni Tyler.
Humilata na ako sa kama. Ang hirap din pa lang maging taong bahay. I mean, wala na akong pinagkakaabalahan. Oo nga't marunong akong magluto, pero alangan naman magluto ako sa ganitong oras. Wala man lang akong laptop. Magpapabili nga ako kay Tyler ng laptop at ilang cooking books para may magawa ako.
Bakit ko ba iniisip ang kumag na 'yon? Ang sarap niyang pasabugin!
Nakatulog na ako, ngunit naalimpungatan ako nang kumalam ang tiyan ko. Binuksan ko ang lamp shade at bumangon na sa kama.
Hinagilap ko ang phone ko at nanlaki ang mata ko nang makitang alas tres na nang madaling araw.
Nanggigigil akong nag-type ng text para sa magaling kong asawa.
May balak kapa ba'ng umuwi? Umaga na Mr. Contreras, at may pasok kapa bukas. Pinapaalala ko lang.
Nakakainis! Saang lupalop ba siya ng mundo nagpunta? Kailangan ba na umagahin siya?
Bumaba ako sa kusina at naghanap ng makakain. Maliban sa cupcakes ay mga prutas na lang ang nandoon. Kumuha na lang ako ng dalawang peras at isang mansanan. Binalatan ko 'yon at hinawa ng pahaba. Kumuha rin ako ng chocolate syrup at nilagay 'yon sa isang bowl.
Kinuha ko ang prutas na ginawa ko at ang chocolate syrup bago ako nagpunta sa salas. Doon ko 'yon kinain habang naghihintay kay Tyler. Ngunit, naubos at naubos ko na ang pagkain ko ay wala pa kahit anino ni Tyler.
Padabog akong pumanhik sa kwarto para i-check ang phone ko. Walang text o tawag na dumating sa akin.
Natulog na lang ulit ako. Kung ayaw niyang umuwi, eh 'di h'wag! Wala akong pakialam.
Sunod-sunod na pagring ng phone ko ang gumising sa akin. At napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan doon ni Mama. Bakit naman sobrang aga ng pagtawag niya?
"Hello, ma," bati ko rito.
"Hello, Taliyah. Balak sana namin na pumunta d'yan ng papa mo ngayon. Puwede ba?" tanong nito.
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
RomanceTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...