Special Chapter 8

11.9K 230 22
                                    

"W-wait! What's happening here?" tanong ko sa isang empleyado namin sa restaurant.

Kakapasok ko pa lang ay mga nabasag na plato at baso na ang naabutan ko. Kita kong halos maiyak na si Dian habang kalmado naman nakikipag-usap si Mich.

"Ito!" sigaw ng lalaking customer namin sabay duro sa noo ni Dian. Agad naman na napaharang si Mich rito. "Tatanga-tanga! Natapunan niya lang naman ang coat ko! Napakamahal nito! Na kahit pagsama-samahin pa ang isang taong sahod niya ay hindi ito matutumbasan."

Kitang-kita ang galit sa lalaki habang si Dian ay tuluyan nang naiyak.

"Sir, I think that what happened was just an accident. My employee didn't mean it," sabi ko sa pinamagalang na pamamaraan.

"Aksidente? Eh kung aksidente ko rin itapon sa mukha niya ang mainit na sisig na ito?"

"S-sir, hindi ko po sinasadya talaga. Hindi ko naman po kasi alam na tatayo kayo at biglang haharap sa likod niyo habang nandoon ako."

"Aba't! Sasagot kapa? Alam mo ba na napakaimportante ng kliyenteng pupuntahan ko? Tangina! Kahit mahal ang coat na ito ay binili ko para magmukha akong disente!"

"Sir, my deepest apology. Kung gusto niyo po ay ako na ang bahala sa coat niyo. H'wag na lang po kayong mag-eskandalo dahil napakarami pong nakain."

"Gago kaba!" sigaw nito.

"Sir, please. I'm begging you. Kung hindi po kayo titigil ay mapipilitan po kaming palabasin kayo ngayon," sabi ni Mich.

"Here's my card. Tell me the amount of money you need," usal ko at ibinigay rito ang calling card ko pero mabilis niya iyong tinabig.

"Ay gago ka naman talaga!" sigaw nito at walang ano-ano akong sinampal.

Halos maalog ang buong kong ulo dahil sa ginawa nito. Hindi ako nakakilos at nanatiling nakatabingi ang ulo ko. Sabay-sabay kong narinig ang sigaw ng mga empleyado ko.

Narinig ko rin ang sapilitan na paghila ng mga guard sa lalaking iyon. Pero kasabay noon ay ang hapding naramdaman ko nang may tumulong dugo sa labi.

"Ma'am!" agad na kumaripas ang mga empleyado ko para asikasuhin ako. Ang ilan ay tinulungan ako papunta sa opisina ko kahit na kaya ko naman maglakad.

Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang iyak ni Dian sa tabi ko. Patuloy lang siya sa paghingi ng pasensya samantalang ako ay umiiling lang.

"Sorry, Ma'am Taliyah. Hindi ko sinasadya. H'wag niyo po akong sisantehin."

"Bakit kitang tatanggalin? Aksidente 'yong nangyari. Sadyang bastos ang lalaking 'yon."

"Pero Ma'am nasaktan kayo dahil sa akin." Humagulgol ulit ito.

"Ayun nga lang. H'wag niyo lang itong ipapaalam sa asawa ko dahil pare-parehas tayong malilintikan."

Iniisip ko pa lang na malalaman ni Tyler na nasampal ako ay nanginginig na ako sa takot at kaba. Paniguradong bubulusok ang galit niya at walang alinlangan niyang hahanapin ang lalaking 'yon.

Buti na lang at hindi na gaanong halata ang sugat sa gilid ng labi ko. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako dahil walang pasa. Dahil sa oras na makita 'yon ni Tyler ay lagot na talaga ako.

"Good evening." Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa boses ni Tyler. Muli kong tiningnan ang labi ko at wala ka naman mapapansin na kakaiba. "Where's my wife?" tanong nito.

Apat na oras na ang nakalipas simula noong insidente. Hindi na naman bumalik 'yong lalaki at naging maayos na rin ang takbo ng restaurant. Si Dian lang ay wala pa rin sa sarili at halatang natatakot pa rin. Sino ba naman ang hindi?

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon