"I never did that ridiculous thing when I was a kid. I knew that he doesn't exist," Tyler commented behind my back.
"You're just a loner kid, dad," I replied.
"Hindi 'no. Sadyang matalino lang ako para hindi maniwala sa kanya."
"So, you think our children are not smart?" I looked at him and asked.
"No. They are smart, they are just easily be fooled."
"And you're saying that I'm fooling them, dad?" I asked with much authority.
"Just kidding, wife. Lagyan na nga natin 'yan ng coins."
Kanina pa siya nakikipagtalo sa akin na h'wag ko na raw sabihin kila Tipsy na may Santa Claus since hindi naman daw talaga 'yon nag-e-exist. Pero ayokong makinig sa kanya.
Kill joy din minsan itong asawa ko eh. Pati si Santa Claus pinag-iinitan. 'Yun nga lang hindi siya mananalo sa akin.
Nilagay namin sa red sock ang mga coins na para kay Tipsy at Drew. Marami din 'yon at siguradong itatabi nila 'yon para may remembrance sila kay Santa.
"Dadating din sa punto na hindi na d'yan maniniwala si Drew."
"Okay lang. Basta naranasan niya, hindi katulad mo."
"Hahaha! Inis ang asawa ko. Pa-kiss na nga lang."
Minsan napapatanong ako, nasaan na kaya 'yung dating Tyler? 'Yung asawa ko na sobrang mainitin ang ulo. 'Yung asawa ko na suplado? Ibang iba na kasi siya ngayon. Sobrang alaga niya at sobrang mapagmahal. Hindi ko lang akalain.
"Baby, sila mama? Saan sila magbabagong taon?"
"Uuwi naman sila sa 28. Dito raw sila magce-celebrate," sagot ko dito habang nilalagyan ko ng melted cheese ang ibabaw ng toasted bread.
"Bakit hindi na lang kasi sila dito mag-celebrate ng Christmas. 'Tsaka sila Kessia."
"Ayaw nga. Si Kessia mas gusto pang matulog. 'Tsaka gusto nila mama na maka-experience naman ng snow."
Hindi na naman siya sumagot at hinayaan na lang ako. Isang oras at kalahati na lang at pasko na. Ito tuloy ako at todo handa para sa Noche Buena.
Natutulog pa ang mga anak ko. Hinayaan ko na muna sila. Gigisingin na lang namin kapag tapos na akong maghanda.
"Ikaw, do you want to experience snow?" maya-maya ay tanong sa akin ni Tyler.
"Okay lang. Hindi na naman kasi mahalaga. Basta kasama ko kayo ng mga bata, okay na sa akin."
"Ako rin naman. Ako na ang mag-aayos niyan. Magbihis kana, 'tsaka ang mga bata para makakain na tayo."
"Sir, kami na po ang mag-aayos dito," presinta ni manang Tes.
"Oo nga. Tara na, dad. Bilis!" hinigit ko na siya paakyat sa hagdan.
Isang red fitted sleeveless dress with white collar ang sinuot kong dress. I pair it with blue gliterred ballerina flats. I also applied light make-up to balance my outfit.
Si Tyler naman ay red polo shirt at black pants ang suot. Sinuot niya rin ang binili kong sapatos sa kanya.
"Tara na doon sa mga bata. Bihisan na natin. 45 minutes na lang."
"Okay. Let's go."
Una namin pinuntahan si Drew. Gising na ito at nililiguan na ni yaya Marivic.
"Ma'am matatapos na po!" hiyaw nito sa loob ng CR.
"Sige. Ipaparada ko na ang damit niya."
Kinuha ko sa closet nito ang kulay pulang polo shirt. Mini version ito ng damit ni Tyler. Ang pinagkaiba nga lang ay pedal short ang katerno nito.
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
RomanceTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...