Agad akong lumabas ng bahay pero wala roong tao. Shit! Pinagtitripan ata ako e. May pacupcake cupcake pa. Bibigwasan ko kung sino man yun.
Pabalik na sana ako sa loob ng bahay ng may makita akong envelop harapan ng gate namin. Agad ko naman yung kinuha saka ako pumasok sa loob.
Umupo muna ako sa coach at binuksan yun.
Mga pictures ang nandun. Pictures ni Tyler kasama ang isang babae. Magkahalikan sila sa isang bar. Meron din picture na papasok sila ng isang hotel.
Biglang sumikip ang dibdib ko. Paano niya ito nagagawa? This girl is different from the other girl we've seen in mall. Madami kaya siyang babae?
Meron din yung kasamang sulat, at agad ko yung binuklat.
[Pinapakita ko na sayo kung anong tunay na ugali ng asawa mo. Nasa sayo na kung papaniwalaan mo ko o hindi
-π]
Pi? Saan ko ba ito nakita? Pamilyar e. Sino ba siya? At bakit andami niyang alam kay Tyler.
Kasama ko si Tyler at base sa mga nakikita ko, nagbabago naman siya. Lumuhod pa nga siya sa harapan ko diba? So, anong dahilan para lokohin niya ko.
Baka naman meron lang talagang balak sumira samen. Or maybe, itong mga pictures na ito ay noon pa.
Itinabi ko muna lahat ng iyon sa cabinet ko dun sa maid's room. At naglinis na ulit ako.
Matapos non, nagluto na ko ng hapunan namin.
Wala man lang siyang grocery. Puro beer lang ang laman ng refrigerator namin. Kailangan kong maggrocery pero wala siyang kasama rito.
Kinuha ko nalang yung canned goods na nasa cabinet namin. Ayoko man itong lutuin, I have no choice. Sardinas lang kasi ito, at ito nalang ang available sa cabinet namin namin. Hindi sa maarte ako, nakain naman ako neto kaya lang di nakain ng sardinas si Tyler.
Inihiwalay ko yung isda dun sa sabaw. Yung isda lang naman kasi ang kailangan ko e. Dinurog ko yun gamit ang kutsara.
Kumuha ako ng flour sa cabinet namin at saka ko nilagay yung durog na isda at nilagyan ko ng isang egg, dahil yun nalang ang nandito sa ref. Hinalo ko yun at saka ko siya finry.
Di ko alam kung magugustuhan niya, pero bahala na.
Nagtimpla nalang ako ng juce at saka ko prinepare ang niluto ko at ilang fruits, incase na di niya kainin yung ulam.
Pumasok ako sa kwarto at nakita ko siyang hawak ang phone niya at halatang problemado.
“Gising kana pala. Baka gusto mo ng kumain, nakaready na” sabi ko.
Di ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Kung matutuwa ba ko dahil nageffort siya na bumalik ako sa kanya o malungkot dahil baka kailangan niya lang ako bilang asawa.
Lumabas na ko ng kwarto at bumaba na. Nagumpisa na kong kumain. Namiss ko din yun mga ganitong pagkain, yung simple lang. Narinig ko ang yabag ng paa niya pababa ng hagdan.
“Ito lang yung nakita ko na available na canned goods jan sa cabinet natin, kung ayaw mo magpadeliver ka nalang” suhestiyon ko sa kanya.
“No. I’ll eat whatever you cook” he replied and took his sit.
Nabigla ako don. Ngayon lang niya yun gagawin. Kakain siya ng sardinas? Grabe! Samantalang nung huling beses akong nagluto non, ibinato niya yung bowl sa labas ng bahay namin. Sobrang galit nag alit siya dahil malansa daw.
“Are you sure?” di mapakaniwalang tanong ko.
“Yes. Kahit ano pang ulam yan, basta luto mo” sagot niya.
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
Storie d'amoreTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...