It's sunday today. I woke up early so I could do morning exercise. It's been a long week for us and I almost forgot that I need to exercise my body.
"Where are you going? Ang aga pa," sabi ni Tyler na ngayon ay nakapikit pa rin. Halatang pagod na pagod siya dahil alas onse na yata siya nakauwi kagabi.
"Maglalakad ako sa subdivision," sagot ko dito at pinuyod ko ang buhok.
"Nang ganito kaaga?" Napamulat na ito para tumitig sa akin.
"Afternoon won't do," I answered.
"Wait for me. Sasamahan kita," sabi ni Tyler at tumayo na sa kama.
"H'wag na. Magpahinga ka na lang. D'yan lang naman ako sa tabi-tabi eh."
"No. Just wait for me. Sandali lang ako." Mabilis siyang nagtungo sa CR. Inayos ko na lang ang kama namin habang hinihintay siya.
Wala pang kinse minutos ay tapos na siya. Kinuha ko lang ang tumbler ko at lumabas na kami.
"Bakit laging naglalakad ang mga buntis?" Maya maya ay tanong niya.
"Para mabilis manganak," sagot ko rito.
"Kung manakbo ka kaya?"
"Eh kung bangasan kaya kita?" asik ko rito.
Tanga rin ang isang ito eh. Alam na buntis ako tapos patatakbuhin ako. Kung hindi ba naman matino ang pag-iisip ng asawa ko.
"Where do you want to go after this?" tanong nito habang pabalik na kami sa bahay.
"Simba tayo tapos kumain tayo sa labas. Puwede na rin siguro tayong magpa-check up."
"Wow! Hindi ka handa nang lagay na 'yan, ano?"
"Kagabi ko pa kasi 'yon naiisip. Kaya lang ano'ng oras kana umuwi," sagot ko sa kanya.
Matagal ko na naman talagang balak 'yon eh. Sasabihin ko sana kagabi kaya lang nakatulog na ako sa kahihintay sa kanya.
"Okay okay. Maligo kana kaya tapos magluluto na ako," suhestiyon nito.
Hindi naman siguro ako magkakasakit 'di ba? Hindi naman ako natuyuan ng pawis. Medyo nakapahinga na rin ako at puwede na akong maligo.
Naligo na ako at hinayaan ko na siya sa kusina. Hinaplos ko ang tiyan ko at napangiti ako roon. Hindi ko pa siya gaanong nararamdaman pero alam kong nandito siya.
Nang matapos akong maligo ay kumuha na lang ako ng pink dress na knee length, sleeveless 'yon. Tinernohan ko na lang 'yon ng kulay brown na dollshoes.
Bumaba na ako sa kusina at nakita kong inaayos na ni Tyler ang lamesa. Simpleng pancakes, french toast at eggs lang ang nasa mesa. Pero ewan ko ba at natakam na agad ako.
"Can we eat?" I asked, my eyes focused on the table.
"Takam na takam. Come here," sabi nito at inalalayan ako paupo.
Nilagyan niya ang plato ko ng isang pancake at nilagyan 'yon ng chocolate syrup.
"Tyler," pagtawag ko rito at napalingon naman siya sa akin habang paupo siya sa tabi ko.
"May cheese spread tayo? Like chiz whiz?" tanong ko. Agad na napakunot ang noo niya at alam kong alam na niya ang nasa isip ko. "Please... Isang pancake lang."
"Wala tayong cheese spread," kontra nito sa akin.
"Alam ko mayro'n. Sige na, baby. Matitiis mo ba ang baby natin na hindi niya matikman ang luto mong pancake na may cheese. Nakaka-frustrate 'yon. It may also damage our baby. Baka hindi mo siya maging kasing gwapo o kasing ganda ko."
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
RomanceTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...