TSW: Chapter 3

25.1K 527 18
                                    

TYLER'S POV

"Unbelievable. She all did these?" tanong ni Jake saken.

Best buddy ko from the company.

It's already 3:00 AM. Kanina pa kami dumating sa Pilipinas pero dumaan muna kami sa bar. Dapat pahinga na diba? E sa ayaw ko pang umuwi e.

"Definitely" I answered without intending to look at him.

"Sweet. Kain tayo, masarap ata ang luto ng asawa mo e" sabi niya.

Masarap talagang magluto si Taliyah. Wala kang maipipintas.

"Later. I just take a bath. Doon ka sa kwarto sa kanan" I said and went upstair.

Naligo agad ako. Iba na kasi pakiramdam ko e. Malagkit. Siempre naman. Ang tagal ng flight namin tapos nagbar pa kami. Ayoko kasi munang umuwi dahil alam kong maghahanda si Taliyah. Nabbwisit lang ako kapat masyadong siyang maeffort.

Less than haft hour tapos na ko and pumunta na ko sa baba pero naabutan kong nakatingin si Jake kay Taliyah habang natutulog ito sa coach.

"Don't dare touch her!" maawtoridad kong sabi.

Kaya agad siyang napatingin saken.

"Chill dude. Tinitingnan ko lang naman ang mala anghel na muka ng asawa mo" sagot niya.

"Don't lay your eyes on her. She's mine. Only mine!" I screamed.

Bigla siyang nagtawa sa harapan ko. What's funny? Muka naba akong clown ngayon?

"I thought this was all a game? Why are you acting like a concerned husband?" he asked.

Oo nga. This is just a game. Pero ayoko na may natingin sakanya. Don't get me wrong, di ako nagseselos. It's just that I care for Taliyah, because she's my wife and kapag may nangyari sa kanya ako ang masisisi. At dahil kilala ko si Jake, delikado siya dito.

"Yes. This is just a game. But I know you well. Baka kung anong gawin mo kay Taliyah, sagutin ko pa yan" I said and turned my back toward the dining room.

"Okey. Sabi mo e" he mumbled and I know he's not convinced by what I say.

Ang dami niya talagang niluto. Paano niya ito nagagawa? I mean, kung sa iba hindi magaabala ng ganito. Or they might just order food to be delivered.

"Di mo siya gigisingin?" tanong niya saken habang umuupo.

"Hindi na. Mahimbing na ang tulog e" sagot ko.

Nagumpisa na kaming kumain. At di ko mapigilang di tumawa. Gago si Jake! Parang ngayon lang nakakain ng lutong bahay na pagkain. Priceless ang muka e.

"Pare tantanan mo ko ng ganyang ngiti. Ngayon ka lang ba nakatikim ng masarap na pagkain ha?" I asked while grinning.

Putcha e! Di ko mapigilan. Tapos mangiyak ngiyak pa ang gago.

"Pare pahiram kay Taliyah, tagaluto lang. Shit!! Ang swerte mo!! Ang sarap niyang magluto" sabi niya. "Kung una ko lang siyang nakilala sayo, ako na sana ang bumili sa kanya. Kahit triple pa ang bayad" dagdag niya pa.

"Gago! Kung gusto mo iuwi mo lahat ng niluto niya. Itira mo lang yang caldereta" sabi ko.

Favorite ko ang caldereta kaya yun ang pinapatira ko sa kanya.

"Di mo kailangang sabihin. Yun talaga gagawin ko" sabi niya.

After namin kumain siya na pinagligpit ko. Swerte naman niya kung nagkataon. Meron na siyang uwi na ulam, tapos di siya gagawa.

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon