TSW: Chapter 46

11.9K 200 8
                                    

It's already 12:00 midnight when I woke up. Tanging si kuya Iñigo at si Jess na lang ang nasa ospital para bantayan ako.

Pinauwi na ni kuya si Kessia. Samantalang sila mama naman ay umuwi sa bahay ni kuya Cley para doon na magpahinga. Sila daddy naman ay umuwi na rin.

"Alam mo, bwisit na bwisit na ako sa asawa mo," pagbasag ni Jess sa katahimikan. "Wala na siyang ginawa! Ano tunganga na lang siya. Tapos ano? Kapag napahamak na ang mag-ina niya ay 'tsaka lang siya kikilos?" Galit na galit siya. Kahit nga kamay niya ay hindi niya mapigilang mapakuyom.

"Sa tingin ko kailangan mo munang umalis, Taliyah. Kahit doon ka muna sa condo namin," suhestyon ni kuya.

"Oo nga, best. Aba! Ay nakakatakot na mag-isa ka lang sa inyo. Mamaya doon kapa abutin."

Nanatili lang akong tahimik. Alam ko naman ang sinasabi nila. Sang-ayon din naman ako. Siguro nga lang, ayoko na manatili pa rito. Sa malayong lugar na.

"I'll stay in Quezon," sambit ko.

Hindi ko inaasahan ang naging reaksyon nila. Si Jess ay sobrang laki ng mata dahil hindi makapaniwala sa sinabi ko. Samantalang si kuya naman ay napatayo.

"Best, ang sabi ko lang naman lumayo ka. Pero hindi ko sinabi sa Quezon ka tumira."

"Napakalayo noon, Taliyah. Dito ka na lang sa Manila."

"No. I don't want to stay here. A-ayoko kasi baka dito ako mamatay sa sakit. Hayaan niyo akong iligtas ang anak ko. Tulungan niyo ako," humihikbing bulong ko.

Bigla ko na lang naramdaman ang mahigpit na yakap ni Jess.

"Sino ba'ng nagsabi na hindi kami tutulong? Nabigla lang naman ako. Pero kung 'yan ang gusto mo, suportado kita."

Matapos ang pag-uusap namin ay inaayos na ni kuya Iñigo ang pag-discharge ko. Bawal pa nga sana, pero dahil nga doktor si kuya ay nagawan niya ng paraan.

Kailangan namin magmadali dahil anumang oras ay maaaring sumulpot si Tyler. Hindi sa tinataguan ko siya, pero ayokong manlambot ang puso ko. Utak ang pagaganahin ko ngayon, 'yun ang kailangan ko.

"Are you sure with this?" Maya-maya ay tanong ni kuya Iñigo habang binabagtas namin ang daan papuntang Quezon.

"I have no choice eh. I need to save my baby, even if it takes to be away from her father." Pilit kong tinatatagan ang sarili ko.

"Enebeyen! Drama naman ni ate eh! Pang-comedy lang ang beauty ko, hindi sa iyakin portion."

Napatawa naman ako sa sinabi ni Kessia. She's really something. Sana hindi niya maramdaman ang sakit na ito.

"Best, paniguradong susundan ka ni Tyler," komento ni Jess.

Alam ko naman 'yon. Paniguradong sa oras na malaman niyang umalis ako ay mapapalipad na agad siya para hanapin ako. Buti na nga lang at hindi niya alam ang bahay nila papa sa Quezon.

"Hayaan mo siya. Nakakapagod na rin kasi eh. Baka kailangan namin ng panahon. Ginagawa niya ito para sa akin, at gagawin ko ito para sa anak ko. Magkaiba ang plano namin, wala akong magagawa."

Pinilit ko naman intindihin. Dumadating lang talaga ako sa punto na nahihirapan na akong mag-isap ng dahilan. Alam kong mahal niya ako, kami ng anak niya. Pero iba kasi ang nararamdaman ko. Katulad niya, mahal ko rin ang anak ko. Mali man sa paningin niya o ng ibang tao, ilalayo ko ang anak ko.

Alas syete ng umaga nang makarating kami sa bahay nila mama sa Quezon. May kalakihan ito, at talaga naman antique.

Buti na lang at may care taker dito sila mama dahil hindi napapabayaan ang bahay.

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon