(Warning! SPG po! SPG! Inuulit ko! SPG!)
It's already 12:47 but there's no sign of Tyler. Umaga pa siya umalis pero hanggang ngayon wala pa rin. Gusto kong mainis, pero ano ba ang magagawa ko?
Muli ko siyang tinawagan at wala pang tatlong ring ay sinagot niya na 'yon.
"Sorry, baby. Pauwi na ako. Magpahinga kana," sagot agad nito sa akin.
"Okay. Mag-ingat ka." Matapos ko 'yon sabihin ay pinatay ko na ang tawag ko.
Hindi ko na alam kung ano pa'ng pakikitungo ang dapat kong gawin. Nasira ang lakad namin dahil sa pag-alis niya.
Grabe naman sakit ng tiyan 'yon, inabot ng kahating araw. If I know, pakana na naman 'yon ni Cassandra.
Nang marinig ko ang sasakyan sa labas ay nagkumot na ako at nagpanggap na tulog.
Ilang minuto lang ay naramdaman ko na ang pagpasok ni Tyler. Binuksan niya ang ilaw kaya naman pinikit ko ng mas mabuti ang mata ko.
"Sorry, Taliyah. I love you."
Naramdaman kong nagpunta siya sa CR para siguro maligo. Pinakiramdaman ko siya hanggang sa matapos siyang maligo.
Saktong labas niya ng CR ay siya rin tunog ng cellphone niya.
"Hello?" sagot niya rito. "Yes, I already got home. H'wag mo na lang siya pakainin ng mga junkfoods at iwasan mong magpakita sa kanya ng mga sweets."
Malamang si Cassandra ang kausap niya. Magkasama na sila kanina, hanggang dito ba naman?
"Okay. Matulog ka na rin." Sweet-an mo pa, Tyler! Iparinig mo pa sa akin!
"Goodnight."
Nahiga na siya sa kama at yumakap sa akin. Sandali akong kumilos para h'wag niyang isipin na gising ako.
Hanggang kailan ba kami ganito? 'Yung tipong uuwi siya ng madaling araw galing sa anak niya. At ako naman, maghihintay lang sa kanya. Sana nga hindi ako mapagod sa kahihintay.
Kahit late na akong nakatulog ay maaga pa rin akong nagising. Humiwalay na ako kay Tyler para magluto ng umagahan.
Simpleng corned beef lang ang niluto ko. Nagbalat na lang ako ng ilang prutas para 'yon ang kainin ko.
Natatakot naman ako na lumabas ang anak ko na walang sustansya sa katawan at kulay dilaw dahil sa cheese.
Nang matapos ako sa pagluluto ay pinuntahan ko na si Tyler sa kwarto na mahimbing na natutulog.
"Tyler," pagtawag ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya.
Alas otso na rin kasi, ayoko naman na ma-late siya pasok niya.
"Tyler, gising na. Male-late ka sa trabaho mo," muli kong paggising sa kanya pero tanging pag-ungol lang ang narinig ko sa kanya.
"Nakahain na sa baba. Sumunod ka na lang." 'Yun na lang ang nasabi ko at bumaba na ulit ako.
Nagtimpla ako ng gatas ko at nilantakan ang mga prutas na hinanda ko. Parang ngayon lang naging masarap ang prutas, kalimitan kasi boring sila.
Malapit na akong matapos nang marinig ko ang yabag ng paa ni Tyler pababa sa hagdan. Isang lalaking nakaputing pajama ang bumungad sa akin. Parang mas masarap siya?
I shook my head off. Letseng utak 'yan! Ang dumi-dumi!
"Kain na," yakag ko na lang.
Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago siya umupo sa tapat ko.
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
RomantizmTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...