"Where are you? Mamaya pupuntahan na ako ni Tyler."
Grabe 'yan! Nagka-boyfriend lang hindi na marunong tumingin sa orasan. Ang usapan namin ala una nasa mall na, eh halos kalahating oras na ako dito wala pa siya.
"Sorry, best. Magpa-park na ako. Wait lang, sorry." Halata ang pagmamadali nito.
"Okay okay. Nandito lang ako sa tapat ng department store. Careful." Pagkasabi ko noon ay in-end ko na ang call.
Birthday bukas ni Tyler kaya naman bibili ako ng regalo. Sinabi ko sa kanya na mamimili lang ako para sa pagkain na dadalhin namin kila mommy, dahil doon kami maghahanda. Alas tres ang alis niya sa kompanya kaya nagmamadali na ako ngayon.
"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, nagkasalubong ulit tayo," napatingin ako sa harap ko at nakita ko roon si Cassandra.
Dinaanan ko lang siya at hindi pinansin. Nagmamadali na nga ako, lalo pa akong maaabala.
"Kinakausap kita!" hiyaw nito at hinala ako.
"H'wag kang palengkera, Cassandra. Wala akong panahon para makipaggaguhan sa 'yo."
"The spirit! Nasa side mo kasi si Tyler. Ang lakas ng loob mo."
"Alangan naman. Eh sino kaba sa asawa ko, ha? Ikaw lang naman ang babaeng naanakan niya 'di ba? Tanga!" sagot ko rito at marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin.
"How dare you?! Mang-aagaw ka!" sigaw niya kaya nakuha namin ang atensyon ng lahat. Bwisit!
"Dalawang taon, Cassandra! Hindi ka nagpakita, hindi ka nagparamdam. Sa mismong lamay ng kapatid mo wala ka. Tapos sisisihin mo ako? Kung matalino kang tao, hindi mo siya iiwan. Kaya wala kang karapatan na maghabol sa asawa ko. Wala!" sigaw ko at nakatanggap ako ng sampal mula sa kanya.
Naramdaman ko ang sandaling pagkamanhid noon.
"Wala kang alam!"
"Wala ka rin alam sa akin! Sa amin ni Tyler! Dahil noong iniwan mo siya, tinanggal mo na ang karapatan mo sa kanya! H'wag kang boba!"
Isang sampal na naman sana ang matatanggap ko nang biglang sumulpot si Jess at initsa si Cassandra na nakapagpaluwang ng bibig ko.
"Don't dare! Napakalakas ng loob mo na sampalin si Taliyah, samantalang ikaw ang epal. Matapos mong mawala ng dalawang taon, babalik ka rito at ilalabas ang anak niyo ni Tyler. Wow naman! Desperada kang tunay, ano? Ikaw pa ang nag-eskandalo? Subukan mo ulit gawin 'yan sa kaibigan ko! Sisipain kita palabas ng bansa."
Matapos n'on ay hinigit na niya ako palabas ng mall. Hindi ako nagsasalita pero ramdam ko ang kaba sa dibdib ko.
Maingat akong umupo sa passenger seat at mabilis naman na sumakay sa driver seat si Jess.
"Hindi ko talaga alam ang gagawin sa 'yo! Sinampal ka na't lahat, wala ka pang ginawa? Naeskandalo kana hindi kapa gumanti. Aba! Taliyah! Paano na lang kung kabit pa 'yon. Lumaban ka naman!" sigaw nito sa akin.
"Kaya kong lumaban, Jess. You know I can," mahinahon kong sabi rito.
"Then what's that? Natulala ka? Natameme?"
"May sakit siya."
"W-what?"
"May sakit siya puso."
"And?"
"Hindi mo ba ako narinig? May sakit siya, Jess. May pinagdadaanan 'yung tao. Nanggigigil din ako! Naiinis! Kung ako nga lang, baka nasuntok ko pa siya. Galit ako dahil sa ginagawa niya. Pero naaawa rin ako. Dahil alam kong may parte ng pagkatao niya ang nagbago dahil sa akin. Dahil sa pagkamatay ng kapatid niya na ako may kasalanan."
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
RomansaTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...