I imagine having the most caring and most loving husband. I imagine having the cutest and nicest children. I imagine having an almost perfect family. I imagine having the most comfortable and happiest family. Then, all of sudden, I remember that I have them all.
"Baby, malamig na. Pumasok ka na rito." Narinig ko ang boses ni Tyler sa likuran ko.
Kasalukuyan akong nakatayo sa mga veranda ng kwarto namin. Nakatitig ako sa swimming pool namin na sobrang ganda. Maaninag mo roon ang mga bituin na nagniningning sa langit.
"Tulog na 'yung dalawa?" usisa ko sa kanya at pumasok na sa loob ng kwarto.
"Oo," sagot nito habang sinasarado ang pinto. "Si Tipsy ang kulit. Gusto raw niyang pumunta sa mall. Ibibili niya raw si Drew ng bagong bag. Gusto ikaw pa ang kasama."
"Oh! Sige. Sasamahan ko bukas," sagot ko sa kanya at humiga na ako sa kama.
"Sasamahan mo? May lagnat ka, baby. Ako na lang ang sasama." Tumabi na rin ito sa akin matapos patayin ang ilaw.
"Ako na. Ayaw noon na ikaw ang kasama kasi naiinip ka. 'Tsaka alam mo ba kung saan bibili. Hayaan mo na ako."
"Hayaan ka d'yan. Kanina ka pa nilalagnat, Taliyah."
"Kaawa naman si Tipsy, dad. Iiyak 'yon bukas kapag hindi ko 'yon sinamahan," depensa ko.
Nakikinikinita ko na ang pag-iyak ng anak ko. 'Yung tipong gugulong pa 'yon at mangangalabit nang mangangalabit ng damit.
"Baby, may sakit ka nga. H'wag nang matigas ang ulo. Gusto mo ba na sa birthday ni Drew nakahilata ka lang sa kama?" pananakot nito sa akin.
"Hindi. Pero..."
"No more buts, Taliyah. You'll stay here and rest. Ako na ang bahalang sumama kay Tipsy o pasasamahn ko siya kay Daisy."
"Sige. Bahala kang kumbisihen ang anak mo."
"Anak natin, baby."
"Yeah. Matulog na lang tayo." Nagsumiksik ako sa dibdib niya at iginaya ko ang kamay niya sa baywang ko.
"Nilalamig ka ba?" tanong nito. "Gusto mo patayin ko ang aircondition?"
Umiling iling lang ako. Lakas ng loob magtanong. Baka wala pang limang minuto, tagaktak na pawis niya.
"Wait lang, papatayin ko."
"H'wag na. Mamaya lang pagpapawisan ka na. Yakapin mo na lang ako," pamimilit ko.
"Okay lang. Kukunin ko na lang ang electric fan kila manang."
"H'wag na, dad."
"Okay lang, baby. Babalik ako."
Wala na akong nagawa nang umalis siya sa kama at pinatay ang aircon. Maya-maya lang ay bumalik siya na buhat-buhat ang isang stand fan.
"Sa akin ko lang ba itututok o papaikutin ko?"
"Hagip pa rin ako niyan. Itutok mo na lang. Bilisan mo, antok na antok na ako eh."
"Ito na." Agad niyang sinaksak ang electric fan at humiga ulit sa tabi ko.
"Goodnight, Taliyah. Pagaling ka sa bisig ko," sabi nito at hinalikan ang labi ko. "Hot!"
"Yeah! Literal na hot," sagot ko sa kanya. "Goodnight, dad. Mahal kita."
"Mas mahal kita, baby."
Kinabukasan, mas naging maayos na ang pakiramdam ko. Ikaw ba naman ang matulog at magising sa bisig ng asawa mo eh. Ewan ko na lang!
"Kumusta pakiramdam mo? Do we need to ask consult tita Heidi?" he asked.
"No. Okay na ang pakiramdam ko. Gusto ko lang kumain."
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
RomanceTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...