TSW: Chapter 48

15.2K 239 9
                                    

(Back to Taliyah's Point Of View)

---

Since childhood I know the feeling of being hurt. Not being loved, not being cared of, and being left behind. Since then, I made a promise. A promise that I would never leave someone. I would never make someone feel what I had felt. But, life is really a roller coaster. In just a snap of a finger, everything can be changed.

I thought, it was really possible not to leave someone. But, it isn't, because it is completely possible.

Maybe because, I have hurt so many times. Many times that I already lost counting. I have been so protective with myself. I got afraid of pain I might felt. So, I thought, that the easiest way to escape is to leave.

I was purely wrong. Lagi kasing ganoon ang tema ng buhay ko eh. Kapag nasaktan ako, aalis ako. Kumbaga, it's been my mentally. Whenever my husband hurt me, what would I do next is to escape or to hide.

Ganoon ang sistema ko. Mali pala! Paano ang lagi kong naiisip ay masasaktan niya ako. Siguro, dahil ilang beses na akong nasaktan ay naging aware na ako sa lahat. Hindi ko namalayan na gumagawa na pala ako ng pader sa paligid ko, laban sa lahat ng tao sa paligid. At maging asawa ko ay hindi 'yon matitibag.

Masakit pala, kapag iniwan. Noon naman kasi hindi ko gaanong dinaramdam. Pero iba ngayon eh, sobrang sakit. Hindi ko kasi matanggap sa sarili ko na kaya siya umalis ay dahil tinulak ko siya palayo. Dahil tatanga-tanga ako para hindi siya pagkatiwalaan.

Halos maglilimang oras na ako rito sa labas ng bahay pero wala pa rin akong maaninag na Tyler na papalapit. Umalis na nga kaya siya?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa isang monoblock. Muli pa akong sumilip sa kalsada para tingnan kung may kotse, pero wala.

Papasok na sana ako sa bahay nang may biglang bumusina sa likuran ko. Mabilis akong humarap doon, at nadismaya nang malaman kong hindi pala 'yon kotse ni Tyler.

Si Jake ang lumabas ng kotse. Kahit ilang ay ngumiti ako sa kanya at pinapasok siya sa loob ng bahay.

"Alam mo naman ang asawa mo, boss. Kahit napakaimportante ng ginagawa ko ay napa-drive ako papunta rito."

Natawa naman ako dahil doon. He really cares. Kahit 'yung taong walang kinalalaman sa amin ay inabala niya.

"Pasensya na, Jake."

"Okay lang, 'no. Baka kahit nakasakay ako sa eroplano ay malapatalon ako kung tatawag si Tyler."

"Grabe naman ang loyalty mo sa asawa ko," komento ko.

Wala naman ibang nasabi o naikukwento sa akin si Tyler tungkol kay Jake, pero mukhang sobrang close nila sa isa't isa.

"Kahit sino gagawin ang gagawin ko para kay Tyler. Hindi lang halata, pero si Tyler ang pinakamabait na taong nakilala ko."

"Ang drama mo. Kumain ka naba? May ulam pa sa kusina, initin ko na lang," sabi ko sa kanya.

"Hindi, h'wag na. Kumain na rin naman ako. Magpapahinga na lang ako."

"Sige. Malinis naman ang kwarto roon sa kanan. Electric fan nga lang ang nandoon."

"Okay lang. Malamig naman ang simoy dito eh. So, pahinga kana rin. Ano'ng oras na rin eh."

"Sige. Akyat na ako."

Nagpaalam na ako sa kanya at tinungo ang kwarto ko. Balak ko pa sana siyang makausap ng matagal. Kaya lang, inaantok na rin ako.

Makakapag-usap naman siguro kami bukas. Bandang tanghali naman ang dating Jess, maging ang nurse na pinapapunta rito ni kuya.

Nahiga na ako sa kama. Sandali ko munang tiningnan ang phone ko para mag-alarm, ngunit gusto nang tumalon ng puso nang makita ko ang mensahe ni Tyler.

The Sold Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon