"Thank you, Lola Lolo. Ingat po kayo rito. Bye Mean, be a good girl. Wag papasakitin ulo nila lola ha? Babalik kami dito soon" sabi ko saka ko hinalikan sa noo si Mean.
Paalis na kami ngayon. Nakalimang araw na din rin kami rito. Naextend na nang naextend.
"Ingat kayo sa biyahe. At ito dalhin niyo ito. Ginawa ko iyan kagabi" sabi saken ni lola sabay abot ng tupperware na may laman na buko salad.
"Ang dami naman ho. Pero salamat po. Lola, isuot niyo po yung binili kong jacket at duster sa inyo ha? Lolo, isuot niyo din po yung sa inyo." huli kong sabi.
"O siya siya. Kayo'y lumarga na, mahirap gabihin sa biyahe."
Mabilis kong niyakap si Lolo at Lola. Di ko alam pero naiiyak ako. Bakit kasi wala akong lolo at lola e.
"Sige ho. Una na ho kami. Ingatan niyo po kalusugan niyo, babalik po kami. At sila mommy pupunta din dito sa summer" sabi ni Tyler.
Sumakay na rin kami ng kotse ni Tyler. Madaling araw pa rito pero umalis na kami. Gagabihin kasi kami kung magpapaaraw pa kami ng alis e.
"Galit kapa rin? Kanina mo pa ko di pinapansin" untag ko kay Tyler na nakakunot ang noo habang nagdadrive.
Ni sulyapan ay di niya ginawa. Nakatuon pa rin ang tingin niya sa kalsada.
"Di ko naman alam na seryoso ka pala nung sinabi mo yun. Sorry." sabi ko at umiwas na ko ng tingin.
Itinuon ko nalang ang mata ko sa kalsada. Di niya rin naman ako pinapansin e. Nakakainis!
Di ko naman talaga alam na seryoso pala siya non. Paano ba naman may dumating na lalaki sa bahay. Sabi niya friend daw siya ni Tyler, which is totoo naman. Habang nasa salas kami nagsalita si Tyler na wag daw akong magtiwala roon dahil manyak raw yun. Akala ko biro lang since andun din yung guy.
Akala ko nung umalis na yung lalaki, okay kami ni Tyler yun pala galit siya. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na totoo pala yung sinabi niya.
"Sabi ko di yun mapagkakatiwalaan, bakit di kapa rin sumunod" halata ang inis sa boses.
"Nagtatawanan kayo non, malay ko ba?" medyo iritado ko nang sagot
Hindi ko naman kasi talaga alam e. Kung alam ko ba bakit hindi ako iiwas.
"Hindi lang yun ang point, Taliyah. Kita mong hindi na nga maalis ang mata sayo nung gago. Lalo na jan sa hita mo. Hindi kapa nakahalata?"
"Sorry ha? Sorry naman" yun nalang ang nasabi ko at sa gilid nalang ako tumingin.
Nakakainis e! Sana pinaalis niya ko dun sa salas. Hindi din naman siya gumawa ng way para umalis ako. Tapos gaganyan siya ngayon.
Mahigit isang oras din na walang umiimik samen ng bigla siyang tumigil sa isang convenience store. At bumalik siya na may dalang haft liter na chocolate ice cream, chocolates, tubig, snacks at doughnot.
"Oh! Wag lang uminit yan ulo mo"
"Uminit ang ulo ko gawa mo!" hiyaw ko sa kanya.
"Alam ko. Ayan na nga diba? Sorry" sabi niya at nagumpisa nang paandarin ang kotse.
Una kong kinuha yung ice cream dahil matutunaw yun. Kinuha ko na rin yung kutsara na binili niya.
"Ice cream lang pala ang katapat" usal niya.
"Oh! Inggit kapa e. Seloso" sabi ko pero hininaan ko dun sa word na seloso.
"Seloso? With that guy? Seriously Taliyah, iniisip mo talaga na nagseselos ako?"
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
RomanceTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...