When they got that real relationship. And all I got is just a new book. -Ms Cari
________________
All is well. Since the day that Tyler transferred the full ownership of the cakeshop into Daisy's name, I became more relaxed.
I thought I gave my family my full attention when it comes to their needs, but I was wrong. I realized that I haven't been that good enough. 'Ni minsan ay hindi ko man lang napadalhan ng lunch box ang mga anak ko. At iyon ay isang pagkakamali para sa akin.
Blessing in disguise na rin ang pagkalipat ng cakeshop kay Daisy dahil naging mas tutok ako sa mga bata. I make sure na lahat ng kinakain nila ay ako ang may gawa. At laking tuwa naman nila dahil doon.
Half day lang naman akong napasok sa restaurant. I am just checking some stuffs. Tyler assigned his youngest sister Chelsea to handle everything. Hindi naman ito nagrereklamo.
Now, I'm preparing myself. I just want to visit my husband. Ilang araw na rin kasi siyang stress dahil hindi raw nila nai-close ang isang deal sa isang European investor.
Matapos akong mag-ayos ay naghabilin na lang ako kila Cora na iparada ang lulutuin ko para sa hapunan.
Sandali lang ang biyahe ko. Mabilis kong narating ang opisina ni Tyler. Kasalukuyan daw siyang nasa conference meeting sabi ni Bea.
"Hey, baby." Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot sa likod ko si Tyler at mahigpit akong niyakap.
"Hi! Kumusta ang meeting?"
"Ayon. Nasermonan ko silang lahat," pag-amin nito. "Ang laki ng nawala sa amin."
"Dad naman. Baka naman ginawa nila ang best nila."
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at umupo sa tabi ko. "Sa tingin ko ay hindi. Nagpakampante sila."
"Eh paano 'yan ngayon?"
"Inaayos ko. Magse-set ako ng isa pang meeting. Sana lang ay pumayag sila."
"What can I do? May maitutulong ba ako?" usisa ko at kinuha ko ang kamay niyang nakapatong sa hita niya.
"Just stay with me. I need my strength."
"Sure, dad," I answered and kissed his cheeks.
Parehas lang kaming tahimik sa puwesto namin nang biglang tumunog ang telepono niya.
"Si Daddy," sabi nito pagkakita ng pangalan ng natawag. "Hello, dad."
Hindi ko marinig ang sinasabi ng daddy niya. Kita ko lang ang pagkakunot ng noo ni Tyler. Siguro ay tungkol pa rin 'yon sa investor.
"He is on an educational tour," kunot noong sagot ni Tyler. Si Drew siguro ang pinag-uusapan nila. "Saan?"
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang tumayo si Tyler habang nakasigaw.
"Bakit? Ano'ng sabi ni daddy?" kinakabahang tanong ko.
Hindi ko maintindihan pero bigla ako tinubuan ng kaba. Halos mamawis din ang kamay ko.
Sumenyas lang sa akin si Tyler na huwag muna akong magsalita. Kahit na gusto kong magtanong ay nakinig ako.
"Fuck! Aalis na kami, dad. Sumunod na lang kayo."
Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko. Hindi ko malaman kung magtatanong ba ako o mananatili na lang tikom ang bibig. Shit! Iba ang pakiramdam ko.
"Let's go," yakag ni Tyler at hinila ako patayo.
Hanggang sa makarating kami sa kotse ay wala akong imik. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. Maging kamay ni Tyler ay ramdam ko kanina ang panginginig. Shit! I wanted to ask what's happening.
BINABASA MO ANG
The Sold Wife (Completed)
RomanceTyler Drew Contreras is the man behind all her pains. She was sold to this man, not knowing why. She never argued nor refused. She just agreed and believed that somehow, Tyler would tell him the reason behind their marriage. She waited for too long...