Nakatulala akong nakatanaw sa bintana ng kwarto ni Lincoln. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng magkausap kami sa telepono. Iyon yung huling araw na narinig ko ang tinig niya, kasi simula noon hindi na siya umuwi ng mansyon niya. Tinanong ko naman si nanay Beth kung bakit hindi umuuwi si lincoln, ang sabi naman ni nanay may importanteng ginagawa. Hindi naman niya sinabi kung ano basta yun lang ang nakuha kong sagot.
Nagaalala ako sa kanya, marami akong tanong gaya ng, kung saan siya pumunta? Ano ang ginagawa niya? Bakit ang tagal niyang umuwi? Pero wala naman akong karapatan dahil isa lang akong parausan.
Kahit di ko sabihin hinahanap-hanap ko siya. Yung malalamig niyang mata at maowturidad niyang awra.
Nakarinig ako ng katok sa pinto.
"Pasok po!" sigaw ko na sapat lang para marinig ng sino mang nasa labas.
Bumungad sakin si nanay Beth na may dalang meryenda. Napatayo kaagad ako at tinulungan ito sa dala. Maingat kung inilapag ang pagkain sa mesang salamin duon malapit sa salaming pinto. Noong isang araw ko lang nalaman na nabubuksan pala ito. Akala ko salamin lang, pinto pala na gawa sa salamin. May mga upuan sa labas at tanaw mo ang mgandang hardin na tambayan ko.
"Nag-abala ka pa nay Beth, pwede naman pong hindi na." mahina kong sabi dito at umupo sa kama.
Napabuntong hininga si nanay Beth at tumabi ng upo sakin sa kama. Inabot nito ang mga kamay kong nasa hita at hinaplos ni bago ngumiti saakin.
"Anak, mahigpit na ibinilin saakin ni Lincoln na dalawin ka palagi dito sa silid niyo at kahit pa na hindi niya ibinilin ay bibisitahin parin kita kasi alam ko na nalulungkot ka." ngumiti ako ng malungkot kay nanay Beth, hindi ko alam na tumutulo na pala yung mga luha ko.
"Salamat po nay Beth. Nalulungkot lang po ako kasi pakiramdam ko nagiisa ako kasi wala siya." hinagod ni nanay Beth ang likod ko para pakalmahin.
"Kahit wala akong karapatan sa kanya nanay ay gusto ko paring sabihin niya saakin kung saan siya nagpunta para hindi ako nagaalala ng ganito," napahikbi ako. Mabuti pa sa poder nila tiya hindi ako nakakaramdam ng ganitong sakit at pangungulila. Oo, wala akong karapatan sa kanya dahil ipinambayad lang ako. Ako ang nagpapainit ng katawan niya at hindi na iyon lalagpas pa doon.
"Masakit po nanay Beth na wala akong karapatan sa kanya. Ipinambayad lang po ako sa utang ng aking tiyahin at tiyuhin at parausan niya po. Pero kahit ganun mabilis na nahulog yung loob ko sa kanya. Ma-mahal ko na po siya nay." napayakap na ako kay nanay Beth. Hinahagod niya ang likod ko habang pinapatahan. Para akong batang nagsusumbong sa ina, ina na wala ako. Masarap sigurong may mapagsumbungan.
"Anak, pagpasensyahan mo na si Lincoln. Alam ko na nagaalala din iyon sa iyo." napatango-tango ako.
"Maswerte si Lincoln dahil minahal mo siya ng ganoon kabilis anak." kumalas si nanay Beth sa pagkakayakap saakin, sinapo niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luhang umaagos.
"Hintayin mo lang siya, babalik din iyon." napailing ako at hinawakan ang mga kamay ni nay Beth na nasa aking pisngi.
"Pero sabi nila Lilit nay baka matagalan pa si Lincoln gaya noong wala pa ako dito. Na palagi daw itong nawawala at umaabot ng ilang buwan." napaiyak na naman ako. Napapadyak naman si nanay sa inis.
"Si Lilit talaga ang sutil!" napahikbi naman ako.
"Nay wag niyo pong papagalitan si Lilit ah?" ayaw kong mapagalitan si Lilit dahil saakin. Natawa si nanay Beth at niyakap ako.
"Napakabuti mong bata, sana ganyan na lang si Lilit ng hindi naman kumulubot ng husto itong balat ko dahil sa stress." natawa ako ng bahagya. Si nanay talaga, mabait naman si Lilit at bibo pa. Bumuntong hininga si nanay Beth at hinawakan ang dalawa kong kamay.
![](https://img.wattpad.com/cover/253318040-288-k980644.jpg)
BINABASA MO ANG
San Gabriel Series #1 Lincoln San Gabriel
RomanceR-18 "Strip now." Mautoridad na utos niya saakin gusto kong umiyak. Hindi naman ganito ang mundong pinangarap ko sa buhay. Hinubad ko lahat ng saplot sa katawan gaya ng utos niya. Naging matalim ang mga mata niyang hinagod nang tingin ang aking kata...