Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Iminulat ko ang aking mga mata pero ipinikit ko kaagad ito ng masilaw sa liwanag. Ramdam ko ang pananakit ng aking katawan lalo na ang aking kaselanan. Tatayo na sana ako pero agad ring napaupo dahil sa hapdi. Nang masiguro kong kaya ko na ay tumayo na ako at dumiretso sa banyo ng walang damit.
Huminga ko ng malalim bago umupo sa inidoro para umihi. Napahikbi na lang ako dahil sa hapdi na nararamdaman. Pagkatapos kong maghugas ay agad akong bumalik sa kama at doon humiga ulit. Masama ang aking pakiramdam para akong lalagnatin.
Nakatagilid ako sa kama habang nakatanaw sa salaming bintana. Maganda ang araw at asul na asul ang kalangitan. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon. Wala rin akong ganang kumain.
Pinapakiramdaman ko ang aking sarili. Ibinigay ko ang sarili ko sa taong nagmamayari sakin. Ibinigay ko ang sarili ko bilang parausan niya at yun ang trabaho ko ang paligayahin siya sa kama. Pero alam ko sa sarili ko na walang kahit ano mang pagsisisi ang naririto sa kalooban ko. Aminin ko man sa hindi,masaya ako na siya ang lalaking binigyan ko ng pagkababae ko kahit di ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita alam ko sa sarili ko na mapagkakatiwalaan ko siya sa kabila ng pagiging parausan niya.
Nalulungkot akong isipin na may mga taong masaya ngayon dahil wala na ako sa landas nila. Siguro nagbubunyi na ngayon sa saya si Celine dahil wala na ang salot sa buhay nila, pero kung iisipin pabor saakin ang lahat ng ito nakawala na din ako sa pananakit nila tiya at Celine. Hindi naman kasi ako pinagbubuhatan ng kamay ni tiyo pero alam nito ang mga ginagawa sa akin ng magina niya. Pero kahit ganoon may halaga parin sila sa akin lalo na si tiyo dahil kapatid siya ng yumaong ina ko. Kung sana hindi sila namatay siguro wala ako dito sa kalagayan ko ngayon. Siguro hindi ako maghihirap ng dalawampot tatlong taon sa poder nila tiya.
Ngunit nakakasiguro nga ba akong hindi ako maghihirap sa mansyong ito? Sa trabaho ko na isang parausan ay nakakababa na ng dignidad ko bilang babae. Huminga ako ng malalim at ngumiti ng malungkot sa kawalan.
Masakit na di ko man lang nakita ang aking mga magulang. Kung sana buhay lang sila hindi ako mangungulila ng ganito. Sa tuwing iniisip ko na ano kayang pakiramdam ang merong kinalakhang magulang? Sa nakikita ko sa kanila ni Celine at ni tiya ay nakakasiguro akong masaya, dahil kahit masama ang trato ni tiya sakin pagdating naman kay Celine ay nakikita ko ang pagmamahal nito para sa anak at masaya ako para doon. Pinunasan ko ang luhang tumulo na lang bigla. Huminga ako ng malalim at saktong may kumatok sa may pinto.
"Madam?" agad akong tumayo at naghanap ng maisusuot hindi ko na ininda ang hapdi. Nakita ko ang isang panglalaking kasuotan na pangibaba at malaking puting t- shirt, nakatupi ito sa mahabang upuan. Isininuot ko kaagad ang mga ito kahit wala akong suot na pangloob. Hindi naman halata ang tuktok ng aking dibdib dahil makapal naman ang t-shirt. Umabot hanggang hita ko ang t-shirt at ang pangibabang suot ko naman ay kalahati ng mga hita ko.
"Madam?"
"Madam Venna? Gising na po ba kayo?" narinig ko ang boses ni Lilit.
"Tanga! Kung gising yan sasagot
yan!" parang di pamilyar yung boses na naririnig ko sa labas ng pinto."Manahimik ka nga! Mara Maldita hmp!" gigil na sabi ni Lilit. Dagli kong tinungo ang pinto at binuksan ito. Nakataas pa ang kamay ni Patty parang kakatok ito ngunit di natuloy sa pagbukas ko. Nakita ko naman na nakapagitna na si Ailen sa kanila ni Mara at Lilit.
"Ma-magandang umaga sa i-inyo." nahihiya kong sabi bago ngumiti. Ngumiti naman din sila maliban kay Mara na tinaasan ako ng kilay.
"Magandang umaga din sa iyo madam Venna!" masayang bati nila Ailen at Patty si Lilit naman ay lumapit sakin at umikot-ikot at sinusuri ako pataas at baba.
![](https://img.wattpad.com/cover/253318040-288-k980644.jpg)
BINABASA MO ANG
San Gabriel Series #1 Lincoln San Gabriel
RomanceR-18 "Strip now." Mautoridad na utos niya saakin gusto kong umiyak. Hindi naman ganito ang mundong pinangarap ko sa buhay. Hinubad ko lahat ng saplot sa katawan gaya ng utos niya. Naging matalim ang mga mata niyang hinagod nang tingin ang aking kata...