CHAPTER 24

356 17 2
                                    

Magdamag akong umiyak nang umiyak. Sa mga nalaman ko kahapon at sa hindi paguwi ni Lincoln kagabi. Hindi din hinatid si Leticia. Nakauwi naman na sila Lilit galing sa mansyon ng mga magulang ni Lincoln.

Wala rin akong tulog at masama ang aking pakiramdam. Nahihilo ako at gusto kong makita si Lincoln.

Hindi din ako bumaba kaninang umagahan kahit kinakatok na ako nila Ailen. Pumasok na man kanina si nanay Beth at hinatiran ako ng lugaw dahil nalaman nitong masama ang aking pakiramdam. Pinagalitan pa ako nito, kung hindi ba daw ako nagtrabaho kahapon edi sana hindi ako nagkasakit. Sabi ko naman maayos na ako. Ng maisuka ko kasi lahat ng kinain ko ay parang gumaan ang aking pakiramdam. Nawala din ang pagkahilo ko.

Naiiyak nanaman ako. Gusto ko ng makita si Lincoln, gusto ko na siyang yakapin at halikan. Miss na miss ko na siya. Miss na miss na kita Concon.

Kung sana hindi kami lumuwas ng probinsya ay hindi tayo magkakahiwalay. Nahihiya akong harapin siya sa kabila ng kagustuhan kong makita siya.

Iniwan ko siya ng walang pasabi. Wala naman akong magawa noon dahil mabilis ang lahat ng pangyayari. Takot na takot ako ngayon pa lang sa mga pwede niyang malaman sa nakalipas na nakaraan.

Hindi ko siya nakilala pero nakilala siya ng puso ko. Kaya pala pakiramdam ko napakahalaga niya sa akin. Na mabilis ko siyang minahal sa ilang araw naming magkasama.

Matagal na siyang kilala ng batang puso ko.

Matagal ko na siyang mahal.

Kaya pala hindi ako natatakot sa kanya. Kaya pala mabilis akong nahulog sa kanya. Kaya pala mabilis ko siyang minahal dahil una pa lang kilala na siya ng puso ko. Nakaukit na siya sa puso ko.

Concon lang ang alam kung pangalan niya At hindi Lincoln. Ni ang apilyedo niya ay hindi ko alam.

Patawarin mo ako Lincoln, hindii kita nakilala agad. Bumuhos ang mga luha ko. Sana mapatawad mo ako sa nagawa kong kasalanan. Sa pagtago sa secretong ang may kasalanan ay ang sarili kong kadugo.

Napaluhod na lang ako sa sahig at binaon ko ang aking mukha sa kama.

Sana buhay ka ate Layla. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nalaman kong wala ka na. Gustuhin ko man na isiwalat ang totoo ay di ko magawa. Sa kabutihan na ipinakita niyong magkakapatid noon ay hindi ko ito nasuklian. Patawad ate Layla. Patawad.

Ngayon alam ko na. Alam ko na kung bakit ganoon na lang ang galit ng ina ni Lincoln ng malaman nito na magpinsan kami ni Celine. Ang pangalang Rodriguez ang dahilan kung bakit nasangkot sa disgrasya ang anak nilang babae.

Hindi ko alam kung paano nalaman ng pamilyang San Gabriel kung sino ang dahilan ng aksidenting iyon.

Naalala ko pa ang lahat. Kung paano ko tanawin sa malayo si ate Layla habang pinapalibutan ng mga tao. Kung paano siya isinasakay sa ambulansya. Alalang-alala ko pa kung paano nagtagpo ang tingin namin ni Kuya Levighn. Ang kakambal ni Lincoln.

Hindi ko kaagad nalaman. Nahihiya ako sa sarili ko. Nahihiya ako sa pamilya ni Lincoln. Pakiramdam ko ang sama-sama ko. May kasalanan din ako pero anong magagawa ko? Ang umiyak lang noon habang nililisan ang maynila pauwi ng probinsya.

Ang iyak ko lang ang maririnig sa silid namin ni Lincoln. Humihikbi akong inaalala at pinagtatagpi-tagpi ang lahat simula sa nakaraan hanggang ngayon.

Pero ang malaki kong tanong. Alam kaya ni Lincoln na ako ang dating batang dinadalhan niya ng pagkain at bulaklak? Siya lang din ang tumatawag sa aking Isabella noon pa man.

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon