CHAPTER 25

372 13 3
                                    

“Lincoln!” maowturidad na tawag ko pagkapasok ko pa lang sa silid. Agad akong lumapit sa kanya.

“Lincoln!” tawag ko ulit sa kanya. Nakaupo siya sa sofa at may ginagawa sa kanyang Cellphone.

“Hmmm?” hindi siya tumingin sakin ng sagutin ako. Patuloy lang niyang sinusundot-sundot ang kanyang Cellphone.

“Humingi ka ba ng tawad sa mga pinsan mo? Lalong-lalo na kay Trance!” pumameywang ako sa kanyang harapan. Tumingin lang siya sa akin saglit bago bumalik sa kanyang ginagawa. Sa sobrang inis ko ay dinaklot ko ang kanyang Cellphone at itinago sa bulsa ng aking bistida.

Malamig lang siyang tumingin sa akin at sumandal sa hamba ng sofa ganun din ang kanyang mga braso. Nilalaro-laro na naman ng mga daliri niya ang kanyang pangibabang labi. Ayan na naman. Nangaakit!

“Naiinis ako sayo alam mo ba yun?” lumambot ang mukha nito na ikinairap ko.

“Baby.” inirapan ko ulit ito na ikinahilo ko rin.

“Pabalikin mo ang mga pinsan mo dito. Lalong-lalo na si Trance! Ngayon din!” napaawang ang mga labi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Magpabili ka din ng ibat-ibang kulay ng mansanas!” nakatanga lang ito kaya nainis na naman ako.

“Nabaldado ka na din ba? Maliban sa pagiging bingi mo? Pipi?” nanlaki ang mga mata nito ng makitang galit na ako. Umiling-iling ito. Napabuntong hininga ako at nakataas pa rin ang kilay.

“Gawan mo ako ng tuna sandwich yung napakaanghang!” at inginuso ang pinto. Wala ito sa sariling tumayo at naglakad papalabas. Napahagikhik ako. Naglalaway na kaagad ako sa tuna sandwich.

Ilang minuto lang din akong naghintay bago nakabalik si Lincoln. May dala itong tuna sandwich kaya napapalakpak ako. Inilapag niya ito sa kama at umupo sa sofa. Agad kong sinungaban ang tuna sandwich at ng manuot sa aking bibig ang lasa nito ay napapikit ako. Ang sarap!

Nilingon ko si Lincoln. Nakatitig lang ito sa akin. Napangisi ako ng pilyo ng may maisip. Humugot ako ng mamalim na hininga at umusog paatras sa kama. Tinapik-tapik ko ang katabi kong pwesto. Mabilis naman na naglakad si Lincoln papalapit sa akin at ng makahinga siya ay agad akong pumaibabaw sa kanya. Nagulat pa siya sa ginawa ko pero kalaunan ay iniyakap niya na lang kanyang mga braso sa aking bewang.

Ngumiti ako dito ng matamis at dahan-dahan akong yumuko para mahalikan siya sa gilid ng labi niya. Sinunod ko ang kanyang panga pababa sa kanyang leeg. Rumahas ang kanyang paghinga na ikinangisi ko ng malaki.

“Hmmm! Ohhh!” ng marinig ko ang ungol niya ay napasimangot ako. Tumigil ako sa aking ginagawa.

“Baby,” pinukol ko ito ng masamang tingin.

“Mas mahaba pa ang ungol mo kaysa sa sagot mo sa mga tanong ko!” at inirapan ko siya nang mariin. Nanlaki ang mga mata niya at kalaunan ay napangisi. Nainis ako sa ngisi niya. Tingnan lang natin kung makakangisi ka pa sa naiisip ko ngayon.

Umayos ako ng upo sa kanyang ibabaw. Sinigurado kong maabot ng aking pwetan ang kanyang maliit ay hindi pala, ang malaki niyang kaibigan na ngayon ay tumutusok sa aking pwetan. Napangiti ako ng palihim ng makitang pinipigilan nitong umungol. Umarte akong walang pakialam.

Umatras ako para pulido kong matatamaan ang kanyang malaking kaibigan kapag iginiling ko ang aking pwetan.

Dumiin ang mga daliri niya sa magkabilang gilid ko ng igiling ko ng bahagya ang aking balakang. Nanlaki ang mga mata nito at napapakagat sa kanyang mga labi.

Marahan akong gumiling na para bang sumasayaw na nangaakit. Sinalubong ko ang kanyang mapupulang mga mata. Nagbabaga ito sa labis na pagnanasa na mas ikinasaya ng aking kaloob-looban.

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon