Naalimpungatan ako dahil sa isang mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Idinilat ko ang aking mga mata at nakita kong nakayakap ang mga braso ni Lincoln sakin.
Nanlaki ang aking mga mata kasi hindi ko naman siya naabutan sa umaga tuwing inaangkin niya ako. Palagi siyang wala sa tabi ko tuwing nagigising ako pero iba ngayon. Nandito siya at yakap ako.
Bumangon ako ngunit humigpit ang yakap sa akin ni Lincoln. Napangiti ako at bumalik sa pagkakahiga at humarap sa kanya. Mas inilapit niya ako sa kanya at niyakap ng mahigpit. Maswerte ako na nakikita ko ng ganito kalapit ang kanyang gwapong mukha. Alam kong maraming babae ang nangangarap na makatabi at mayakap ng ganito si Lincoln. At masaya akong nakikita at nakakalapit ako sa kanya ng ganito kalapit at hindi ako magsasawang titigan ang kanyang gwapong mukha.
"Good morning baby." napakurap-kurap ako gising na pala siya, hinalikan niya ako ng mabilis sa labi at noo. Nakikita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata.
"Magandang umaga Lin..."
"Baby, call…tawagin mo akong baby."
"Magandang umaga b-baby."
Napangiti siya at hinalikan ako ng marahan sa labi, pumaibabaw ito at naglulumikot ang mga kamay sa aking katawan. Nahanap niya ang dibdib ko at pinisil-pisil iyon. Bago pa ako sakupin ng init ng katawan ay pinigilan ko na ito.
"Ma-masakit pa baby."
Sumbong ko, napatawa naman itong isiniksik ang mukha sa leeg ko habang nasa ibabaw ko parin.
Nasa ganun kaming posisyon ng may maalala ako.
Mahal na kita Lincoln. Mahal na mahal.
Namula ako sa naalala hindi ko alam kung anong naging tugon niya dahil nilamon na ako ng antok kagabi.
Naputol ang pagiisip ko tungkol kagabi ng may kumatok sa labas ng pinto kaya naitulak ko ng bahagya si Lincoln sa pagaakalang si Leticia ang nasa labas.
"Sir. Lincoln at Madam Venna, nakahanda na po ang agahan. Naghihintay na din po si Leticia sa baba."
Si Ailen ang nasa labas. Pagkarinig ko ng mga yapak papalayo sa pinto ay agad akong bumangon. Nag protesta pa si Lincoln ngunit wala na itong nagawa pa ng tuluyan na akong tumayo.
Pumasok kaagad ako sa banyo at agad na naglinis ng katawan nang pumasok si Lincoln. Wala na akong nagawa pa ng dumapo ang mga kamay nito sa kaselanan ko at inangkin na naman ako nito ng mabilis.
Pagkatapos naming gumawa ng milagro sa loob ng banyo ay binuhat niya ako at siya na mismo ang nagbihis sa akin. Panay ang lunok nito at ang mahihinang bulong.
Magkahawak kamay kaming bumaba pagkatapos magbihis ni Lincoln. Hindi na ako nagsuklay at aksaya pa ng oras. Baka naiinip na si Leticia.
Pagkarating namin sa hapagkainan ay nakita kong nakanguso na si Leticia at ang mga matatambok na braso ay naka ikis sa bandang dibdib. Napahagikhik ako, nangigigil na naman ako at gusto ko na namang pugpugin ng halik ang pisngi niya.
Kumalas ako sa pagkakahawak kay Lincoln narinig ko pa ang daing nito. Kasalanan niya kung bakit nakanguso ang anak niya ngayon kung hindi niya sana ako inangkin sa banyo sana hindi kami natagalan.
"Magandang umaga baby Leticia!"
Masiglang bati ko dito ngunit mas humaba pa ang nguso nito. Napangiti ako at binuhat ito. Hindi naman siya nagsalita at niyakap ako.
"Hindi mo babatiin ng magandang umaga si Mommy?" nakalabi kong tanong.
"Good morning mommy!" napabuntong hininga ito at nagangat ng tingin sa akin hinalikan ako nito sa labi. "Sorry mommy kasi naiinis ako kasi pinaghihintay natin ang pagkain at pinasundo ko kayo kay ate Ailen ng dalwang beses ngunit wala naman daw sumasagot. Sabi ni ate Lilit baka nagawa kayo ng baby sister ko! Ayaw ko ng baby sister!"
Sinamaan ko ng tingin si Lincoln ng tumawa ito ng malakas. Nang makita niya akong masama ang tingin sa kanya ay umayos ito ng tayo at lumamig ang awra. Ibinalik ko ang tingin kay Leticia na ngayon ay nakanguso parin.
"Pasensya ka na baby, ka-kasi ahm.. ano."
Wala akong maapuhap na salita. Nahagip ng mga mata ko si Lincoln na nagpipigil ng tawa.
"Ayaw ko ng babeng kapatid mommy! Another pasaway na naman!"
Nanlaki ang aking mga mata? Ano? Kapatid? Dumagundong ang halakhak ni Lincoln na ikinapula ng mukha ko.
"I want baby brother daddy ah! So I can teach him how to court a woman!" mas napahalakhak pa si Lincoln.
"Okay, daddy will make sure of that!"
Sabay ngisi ni Lincoln sakin. Bakit naakit ako sa ngisi niya. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang hindi na nakanguso si Leticia. Nakangiti na ito at panay ang tanong sa Ama wala naman akong maintindihan kaya inabala ko ang sariling ipinagsandok sila ng pagkain.
"No work today daddy?"
"I have a lot of appointments today but daddy canceled all of his appointments just to be with you and mommy."
"Really? Thank you daddy I love you!"
Nilagyan ko ng tubig ang baso ni Leticia.
"I love you too baby."
Narinig ko ang hagikhik ni Leticia at napansin kong nakatitig sa akin si Lincoln, nginitian ko naman ito.
"You are very obvious daddy!"
Napaiwas ng tingin sa akin si Lincoln, nakita ko pa ang multong ngiti nito sa mga labi.
Sinusubuan ko si Leticia habang panay ang tanong sa daddy niya. Isinasali naman ako nila sa paguusap minsan pero panay ang pag i-engles nila kaya wala akong maintindihan.
"Let's go to the mall first daddy okay? I have something to buy!"
"Okay, if that's what you want!"
Pagkatapos naming kumain ay hinila ako ni Leticia paakyat at pumasok kami sa silid niya. Gusto lang pala nitong bihisan ko siya dahil lalabas daw kami ngayon kasama ang daddy niya.
"Bihis ka na din mommy!" tinulak pa ako nito palabas sa silid niya. Napailing na lang ako.
Pagkapasok ko sa kwarto ni Lincoln ay nakita ko siyang may kausap sa Cellphone niya. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya nakitang pumasok ako.
"Next week is your birthday mom." nanatili akong nakatayo sa tabi ng pinto at hinihintay na matapos sila ng kausap niya sa kabilang linya. "I will. Okay we will come." nailayo ni Lincoln ang celphone sa sa kanyang tenga. "Mom don't shout. It's a surprise." humarap si Lincoln sa akin ng nakangiti habang may kausap parin.
"Yes. I love you too. Bye." isinilid nito ang Cellphone sa bulsa at naglakad papunta sakin.
Niyakap ako nito ng mahigpit kaya napakunot ang noo ko. Niyakap ko din ito kahit nagtataka ako sa inaakto niya.
"Lincoln?" mahinang tanong ko.
"May problema ba?" naramdaman ko ang pagiling-iling nito. Bumuntong hininga ako at hinagod ang kanyang likod.
Siya na ang nagbihis sa akin pagkatapos ng ilang sandaling magkayakap kami. Masarap ang bawat yakap na ibinibigay niya sa araw-araw na magkasama kami at pakiramdam ko ligtas ako sa mga bisig niya.
"Daddy! Mommy! Let's go na po! Later na gawa ng baby brother ko!"
Malakas na katok ang narinig namin kasabay ng malakas na sigaw ni Leticia. Napahalakhak na lang kami ni Lincoln sa sinabi ni Leticia at magkahawak kamay na lumabas ng silid pero bago iyon ay nilasap muna namin ang sarap ng halik na naibibigay ng isat-isa.
---------------
---------------------------Thank you everyone!
God bless and keep safe!
BINABASA MO ANG
San Gabriel Series #1 Lincoln San Gabriel
Roman d'amourR-18 "Strip now." Mautoridad na utos niya saakin gusto kong umiyak. Hindi naman ganito ang mundong pinangarap ko sa buhay. Hinubad ko lahat ng saplot sa katawan gaya ng utos niya. Naging matalim ang mga mata niyang hinagod nang tingin ang aking kata...