CHAPTER 10

561 16 0
                                    

Pagkatapos niya akong angkinin ng ilang beses sa banyo ay nilinisan niya ako at binuhat dahil di na ako makatayo, nanginginig parin kasi ang aking mga tuhod.

Napunit, hindi! Pinunit ni Lincoln ang aking bistida kaya pinasuot niya muna ang isang polo niyang kulay asul. Wala akong damit pangloob, kahit ang panty ko ay hindi nakaligtas. Sabi niya pabibilhan niya na lang daw ako. Ilang oras din kami sa banyo, impit lang ang mga ungol ko dahil baka marinig ni Leticia.

Ipinasok ako ni Lincoln sa isang pinto kung saan niya ipinasok si Leticia. Nakita kong tulog na ito. Ang malaking TV ay patuloy na umaandar at barilan na naman ang nakikita kong pinapanuod nito kaya napasimangot ako.

Inilapag ako ni Lincoln sa kama kung saan mahimbing na natutulog si Leticia. Lumapit si Lincoln duon sa TV at pinatay. Paglingon niya ay sinamaan ko siya ng tingin kaya napalunok ito ng laway.

"Hinayaan mong manuod ang anak mo ng ganyang plabas Lincoln?" seryoso kong tanong. Pumungay ang mga mata nitong tiningnan ako at lalapit na sana ng panlakihan ko siya ng mga mata kaya napahinto ito. Humiga ako at at inusog si Leticia papalapit sa akin. Tumaas ang aking suot na polo kaya alam kong nakikitaan ako, pero hindi ko iyon tinuunan ng pansin. Dahan- dahan kong pinaunan ang isa kong braso kay Leticia para hindi magising. Iniyakap naman nito sa akin ang kanyang mga braso, hinalikan ko ang kanyang noo at ang matambok na pisngi. Itinanday ko ang isang hita ko para mas mayakap pa si Leticia. Pipikit na sana ako ng marinig kong nagsalita si Lincoln.

"Tangina!" napalingon ako dito at nakita kong umiigting ang panga nitong nakatingin sa aking mga hita. Nakita ko ang pagnanasa sa kanyang mga mata.

"Minumura mo ako Lincoln?" galit na tanong ko dito. Nanlaki naman ang mga mata nito ngunit sandali lang. Lalapit na sana ulit ito sa akin ng ipinikit ko ang aking mga mata at mahinang umiyak.

Naramdaman ko na lang ang pagyakap nito sa akin galing sa likod. Katulad ba siya nila ni tiya na minumura ako? Pero dapat sanay na ako?

"Baby." mahina nitong tawag pero mas yumakap ako kay Leticia.

"Fuck! Baby, hindi kita minumura." nahihirapan nitong anas. Hinayaan ko ang sarili kong pakinggan siya.

"I'm j-just! Fuck! H-horny baby!" nagpapaliwanag nga siya pero hindi ko naman maintindihan. Humihikbi na ako at namimigat na ang mga talukap ng aking mata. Nararamdaman ko pa ang init nito sa likod ko, niyakap ko si Leticia at ipinikit ko ang aking mga mata hanggang sa nakatulog ako na mabigat ang dibdib.

"Daddy i want to see them, also Grandpa Levi."

"I want to see my lolo and lolas, if they have white hair in thier heads."

Nakarinig ako ng hagikhikan.

"I want to see all of my tito daddy's if they have girlfriends na. I'm sure my Lola's is still scolding them until now because they are pasaway na naman"

Gising na ang diwa ko pero nakapikit parin ang mga mata ko.

"I want to see all of my tita mommy's especially mommy Adina chasing tito daddy fieross.

Narinig ko ang tawa ni Leticia at Lincoln.

"When are we going to the SG Mansion daddy?"

"Soon baby."

"I miss them so much!"

Iminulat ko ang mga mata ko. Nakita kong nakakandong si Leticia sa Ama at masayang naguusap. Bumangon ako at napansin kong iba na ang suot ko. Nakabistida na akong puti at ramdam ko na rin na nakadamit pangloob na ako. Siguro sa sobrang pagod kaya hindi ko maramdaman na may nag bibihis saakin.

"You're awake now mommy!" napalingon ako kay Leticia na ngayon ay nasa paanan na ng kama. Binuhat ko ito paakyat sa kama at pinahiga. Pinaunan ko siya sa braso ko, iniyakap nito ang matambok nitong braso sa aking katawan.
Tumagilid ako para makaharap dito.

Hinalikan ko ito sa mga labi at pisngi. Humagikhik pa ito. Niyakap ko ito at pumikit ulit. Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa gilid ko. Naamoy ko ang pabango ni Lincoln, yumakap ito galing sa likod ko at hinalikan ako sa pisngi. Tumagal ng ganun ang pwesto namin ng ilang Segundo.

Bumangon si Leticia at tumalon-talon sa kama. Pinaunan ako ni Lincoln sa kanyang matigas na braso. Tumagilid ako paharap sa kanya, kita ko ang kislap sa kanyang mga mata. Ngumiti ako dito at masuyong yumakap.

Tumingala ako at sumalubong sa akin ang kanyang mga labi. Masuyo ako nitong hinalikan at tinugon ko naman ito. Sa ngayon ay marunong na akong humalik dahil magaling si Lincoln. Namula ako sa naisip.

"Sweet." ngising sabi ni Lincoln.

"Yuck!" napatawa kaming dalawa ni Lincoln, nakatabon na ang mga kamay ni Leticia sa kanyang mga mata.

"You eat Mommy's lips daddy!" napahalakhak si Lincoln. Nakangiwi parin ang mukha ni Leticia.

"Mommy's lips is Sweet and soft." ngumisi si Lincoln sakin, namumula akong nagiwas.

"You blush mom!" binigyan ako ni Letisia ng isang ngisi.

Sinubsob ko ang mukha ko sa mabango at matipunong dibdib ni Lincoln. Inilagay ko ang aking mga kamay sa dibdib niya malapit sa kanyang puso at doon ko naramdaman ang malakas na kabog nito katulad ng sakin kapag nasa tabi ko siya o naiisip ko siya. Inusog ko ang ulo ko malapit sa puso niya at pinakinggan ang kabog nito. Naramdaman ko naman ang pagsuklay ng mga daliri nito sa aking mahabang buhok.

"Ang lakas ng kabog, katulad ng
sakin." mahina kong anas. Natigilan si Lincoln sa pagsuklay sa aking buhok kaya tumingala ako dito. Tinitigan ko ang mga mata nito at may nakita akong kakaibang emosyon. Wala na ang malamig nitong awra pumalit ang masayang mga mata.

Kung kaya ko lang pahintuin ang oras ay gagawin ko, kung kaya ko lang angkinin silang dalawa ay ginawa ko na. Pero sa ngayon dapat magpasalamat ako na nararanasan ko ang ganitong kasiyahan sa piling ng mag ama ko. Napatawa ako sa isip ko ang sarap namang sabihing mag ama ko.

Pinapakiramdaman ko ang bawat pintig ng puso naming dalawa. Pareho itong mabilis ang kabog. Palihim akong ngumiti ng malungkot.

Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko na siya. Pero may takot akong nararamdaman, na baka kapag sinabi ko na mahal ko siya ay baka magiba ang pakikitungo niya saakin. Pero mas natatakot ako sa sagot niya, alam ko kung ano lang ako sa kanya at hindi ko yun nakakalimutan.

Isa lang akong parausan. Masakit  man pakinggan, pero ipinagpapasalamat kong naging parausan ako ng lalaking ito. Naging masaya ako sa mga bisig niya na alam kong walang ibang makagagawa kundi siya lang. Yung tunay na kaligayahan ay nahanap ko ng ganun kabilis at minahal ko sila ng ganun din kabilis. Pero alam ko na ang kasiyahang natatamasa ko ngayon ay may kapalit.

Isinantabi ko ang mga inisip dahil  nasasaktan lang ang kalooban ko. Ang dapat na gawin ko ngayon ay iparamdam ang pagmamahal ko para sa kanilang dalawa, hindi ko man masabi pero napakita at naparamdam ko naman.





-------------
----------------------

Thank you everyone!

God bless and Keep safe!

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon