“Madam Venna, pinapasundo po kayo ni boss Lincoln.” napatayo kaagad ako ng makita ko si Teodore.
“Magandang hapon Teodore! Hindi naman tumawag si Lincoln sa telepono?” napakamot ito sa leeg.“Hindi ko din po alam madam Venna.” tumango na lang ako at pumasok sa kwarto upang magbihis. Sinabihan ko na rin si Teodore na hintayin kami sa baba. Natutulog pa kasi si Leticia.
Sa dami ng mga damit na binili ni Lincoln ay wala akong mapiling isuot. Napasimangot ako at napilitang pumili ulit. Nahagip ng aking mga mata ang isang maikling pangibabang suot. Napangiti ako siguradong hapit na hapit ito sa akin. Pinaresan ko na lang ito ng isang malaking T-shirt.
Nakarinig ako ng katok at bumukas ang pinto. Nagtaka ako dahil nakabihis na si Leticia. Yumakap ito sa mga tuhod ko, hangang tuhod ko lang kasi siya hindi niya masakop ang mga tuhod ko dahil sa liit ng kamay niya. Dahil na rin sa katabaan.
“Baby sinong nagbihis sayo?” ngumiti naman ito bago sumagot.
“Ako lang po.” ako naman ang napangiti.
“Galing naman ng Anak ko.” yumukod ako para mahalikan ito.
Sinusuklay ko ang buhok niya ng mapansin kong nakatitig siya sa damit ko.
“May problema ba sa damit ko anak?”
Pilya itong ngumisi at patakbong pumunta sa damitan namin ni Lincoln. Namili ito sa damitan ko at may hinubot.
Nakita ko ang isang bistidang pula. Sinuri muna ito ni Leticia bago siya tumingin sa aking katawan. Tumango-tango ito at naglakad papunta sa akin.
“I know you are beautiful mommy but please wear this dress for me. That dress will really suit you mom!” napakunot noo ako. Inabot ko ang damit na binigay niya.
“Go change mommy! Magpalit ka na ng damit mommy ko!” tinulak-tulak pa ako nito doon sa kwarto ng damitan namin ni Lincoln. May malaking salamin doon at napakaraming bag, sapatos at mga damit namin ni Lincoln.
Nagpalit ako ng damit yung ibinigay ni Leticia sa akin. Nahirapan pa akong suotin iyon dahil may pasikot-sikot, isa iyong pulang bistida na hanggang hita ko lang ang iksi. Hindi ko na hinubad ang pangibaba kong suot kanina dahil makikitaan ako ng suot pangloob. Tumingin ako sa malaking salamin at nakita kong kita ng bahagya ang balat ng aking dibdib. Kita din ang mga braso ko.
Lumabas na ako. Hinagilap ng mga mata ko si Leticia at nakitang may hinahalungkat ito sa lalagyan namin ng gamit ni Lincoln. Kinatok ko ang pintuan na nilabasan ko ngayon lang para ipaalam sa kanya na tapos na akong nagbihis.
Sinuyod ako nito ng tingin at huminto ito sa mga paa ko. Napatingin din ako sa mga paa ko,naka tsinelas lang pala ako kaya pumasok ulit ako sa loob at may nakita akong nga naka hilerang mga sandals na may mga katamtamang taas ng takong. Sinuot ko na lang ang itim na sandal at hindi naman ako nahirapan sa paglalalad. Sa paglabas ko ay nakita kong may hawak-hawak na mga bagay si Leticia.
Nakita ako nito kaya ngumiti ako. Nginitian naman ako nito pabalik at senenysan na lumapit sa kanya. Ganun nga ang ginawa ko, pinaupo niya ako sa upuan at pinaharap sa salamin. Pumunta ito sa harapan ko at kumandong.
Hinawakan niya ang mukha ko at tumitig sa aking mga labi. Naramdaman ko ang isang bagay na nilalagay niya sa mga labi ko. Ito pala yung binigay ng secretarya ni granda Felicia.
Pagkatapos niyang lagyan ang mga labi ko ay sinuklay niya ang buhok ko at may nilagay na ipit sa gilid na may nakakabit na hindi kalakihang bulaklak. Bumaba siya sa pagkakakandong sa akin at pinatayo ako. Lumayo siya sa akin at tinitigan ako.
"Ikot ka mommy." umikot naman ako at sumabay ang buhok kong mahaba.
"Daddy will definitely scold me later!" humagikhik ito at nagpabuhat sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/253318040-288-k980644.jpg)
BINABASA MO ANG
San Gabriel Series #1 Lincoln San Gabriel
RomanceR-18 "Strip now." Mautoridad na utos niya saakin gusto kong umiyak. Hindi naman ganito ang mundong pinangarap ko sa buhay. Hinubad ko lahat ng saplot sa katawan gaya ng utos niya. Naging matalim ang mga mata niyang hinagod nang tingin ang aking kata...