CHAPTER 34

513 16 4
                                        

"The operation was successful"

Parang nabunutan ng tinik ang lahat ng marinig ang balita ng doctor. Ang napakatahimik na si Lincoln ay palihim na nakahinga ng maluwag.

Nagpasalamat ang mga kamaganak ni Lincoln sa mga doctor na ngayon ay kausap na ng ina ni Lincoln. Hindi na hinayaan ng ina ni Lincoln na ito ang kumausap sa mga doctor at baka maulit na naman ang mga nangyari kagabi.

Naging mas malamig ang awra ni Lincoln at hindi umiimik lalo na kapag kinakausap. Hindi din ito kumaikain simula ng magising sa isang silid. Nababahala na ang kanyang ina lalo na para sa kalusugan nito.

Umuwi na ng Paris si Layla dahil may fashion show pa itong dadaluhan. Ang ama naman ni Lincoln ay inaayos ang gulo sa kompanya ni Lincoln dahil hanggang ngayon, hindi parin natutukoy kung sino ang magnanakaw sa kompanyang pinaghirapan ng anak.

Ang mga ibang pinsan ni Lincoln ay inaayos parin ang kasong isasampa sa nakabangga kay Venna, si Lincoln na lang ang hinihintay nilang mag desisyon. Gaya ng nababalitaan sa balita, lasing ang nagmamaneho ng sasakyan na anak ng isang politiko. Nag-aagaw buhay din ang babaeng nakabangga kay Venna di lang dahil sa aksidente kundi dahil may sakit itong cancer at gusto ng wakasan ang buhay.

Ipinaalam din ng ama ni Lincoln sa tiyo at tiya ni Venna ang nangyari dito. Ipinasundo sila kaninang madaling araw at mamaya ay dadating ang mga ito. Takot at sakit ang naramdman ng mag-asawa ng makatanggap ng tawag at mabalitaan ang nangyari kay Venna. Hindi Alam ni Celine ang nangyari sa pinsan dahil hindi ito mahagilap at hindi hinayaan ng magpinsang San Gabriel na lumabas sa balita ang mga nangyari.

Inilipat si Venna sa mas pribadong kwarto. Duon nakita ni Lincoln si Venna na kinalbo at maytahi sa bandang kaliwa ng kanyang ulo. Mabibigat ang mga hiningang binitiwan ni Lincoln at maingat na niyakap si Venna.

Tinitigan niya ito at pinugpog ng halik. Hinawakan din nito ang kamay ni Venna na maraming nakatusok. Hinalikan niya ang maputlang kamay nito. Tumulo na lang bigla ang kanyang mga luha ng lumapat ang tingin niya sa tiyan ni Venna. Kusang tumaas ang isang kamay niya at hinaplos ang manipis na tiyan nito.

"I'm sorr, baby. Daddy is sorry." Binaon ni Lincoln ang kanyang mukha sa tiyan ni Venna at niyakap ito. Tahimik na dumaloy ang kanyang mga luha.

Hinayaan ng mga kamaganak na magluksa si Lincoln sa pagkawala ng anak. Palihim na tumulo ang mga luha ng mga nakababatang pinsan ni Lincoln. Titig na titig sila sa ate Venna nila na ngayon ay kalbo na, malayo sa mahaba at napakaitim nitong buhok. Pagod na pagod din ang mukha nito at maraming pasa sa mukha pati sa tenga. Malayong-malayo sa masiyahin at mapagmahal na Venna. Walang kakulay-kulay ang balat nito. Hindi sila sanay na umiiyak ang kuya Lincoln nila, palagi itong malakas at hindi nagpapakita ng kahinaan, malayong-malayo ngayon. Nabubuhay na lang ito para sa babaeng mahal.

Bumukas ang pinto ng silid, pumasok ang ina ni Lincoln na ngayon ay nahahabag sa nakikita. Nilapitan niya ang anak at hinagod ang likod nito.

"Anak,"

Walang maapuhap na salita ang ina ni Lincoln. Hinayaan niyang umiyak ng tahimik ang anak at ng sa ganun ay mabawasan ng kaunti ang bigat na dinadala nito.

Sa pagpapalaki na ginawa niya sa mga anak ay hindi siya nahirapan. Ni hindi niya napapagalitan ang magkambal dahil tahimik at hindi ang mga ito gumagawa ng bagay na ikakagalit niya.

Sa paglipas ng panahon nakilala nito ang babae na nagpalambot ng puso at nagmayari nito. Masasabi niyang napalaki niya ng mabuti ang anak ng may respeto sa babae. Nanghihinayang siya na hindi niya nakilala ang batang Venna noon. Kung sana nakilala niya ito ay madali para sa kanya na ibigay ang kaligayahan ng anak at hindi hahantong sa ganitong sitwasyon. Nasasaktan siya para sa anak. 

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon