CHAPTER 23

341 17 3
                                    

Matamlay akong nagising kinaumagahan. Kagabi kasi maaga kaming umuwi ni Lincoln. Kami lang dalawa dahil nagpaiwan si Leticia. Pagdating namin sa mansyon ni Lincoln ay sinalubong kami ni nanay Beth. Hindi din sila nakauwi nila Ailen.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay bumaba na ako. Baka hinatid na si Leticia. Mabilis ako nakababa at dumiretso sa hapagkainan. Nadatnan ko si nanay Beth na inaayos ang lamesa. Isang plato lang ang nanduon.

“Gising ka na pala ija.” ngumiti ako kay nany Beth.

“Magandang umaga nay.” magalang kong bati.

“Oh siya, maupo ka ng makakain ka na.” naupo nga ako gaya ng sabi ni nanay Beth. Nagsandok ako ng kanin at ulam.

“Nay? Nag-agahan po ba si Lincoln?” natigilan ito bago bumuntong hininga.

“Sa mansyon na lang daw ng mga magulang niya siya kakain. Siguro susunduin niya si Leticia.” napatango na lang ako. Hindi pa pala si Leticia nakakauwi.

Nagpaalam sa akin si nanay Beth na magdidilig ng mga halaman kaya ako na lang magisa sa hapagkainan. Mabigat akong bumuntong hininga. Ang lungkot naman kapag ikaw lang magisa ang kumakain. Sanay naman ako noon pero ngayon iba na. Sinanay ako na may nakapaligid sa akin.

Paniguradong maraming lilinisin sila Lilit sa mansyon ng mga magulang ni Lincoln. Hindi ko na tinapos ang aking pagkain dahil nawalan ako ng gana. Niligpit ko ang aking pinagkainan at hinugasan. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto namin ni Lincoln.

Malungkot akong humiga sa sa kama. Nagtataka ako kagabi kung bakit hindi ko nakita si Grandma at si ate Coleen. Hindi ko na natanong kay Lincoln dahil halatang may bumabagabag dito kagabi. Hindi kami magkatabing natulog at ng tingnan ko ang  isang silid na maraming libro at papel ay nakita ko siyang seryosong nagbabasa ng mga bundol-bundol na mga papel. Bumalik na lang ako sa silid namin at duon  tahimik akong umiyak dahil hindi mawaglit sa isip ko ang mga sinabi ng ina ni Lincoln.

Nagpasya akong maglinis ng kwarto namin ni Lincoln kaysa sumakit ang ulo ko kakaisip sa mga negatibong bagay.

Bumaba ako para kumaha ng mga gamit pang linis tinulungan naman ako ni nanay beth at binigyan ako nito ng umaandar na bagay panglinis daw ng sofa. Iyong kutsong upuan. Pero hindi ko na dinala dahil takot ako sa ingay at hindi din ako marunong. Sumisipsip daw iyon ng alikabok pero humindi parin ako. Nagpasya akong unahing linisin ang sulok ng silid namin ni Lincoln. Pinagpawisan kaagad ako dahil sa laki ng silid. Sinunod kong pinalitan ang mga kobre kama, pinagpagan ko lang ako sofa.

Dumiretso kaagad ako sa labahan at nilabhan ang mga maruruming kumot. Iniwanan ko muna ang  kwarto na marumi. mabilis kong kinuso ang mga mabibigat na kumot. Kahit ang mga kurtina ay dinala ko na rin at nilabhan. Mabilis ako sa mga ganitong gawain. Dalawang oras lang siguro ako naglaba at pahirapan ko itong binilad sa araw. Ng tingnan mo ang aking mga kamay ay puno ito ng mga sugat. Napangiwi na lang ako ang tapang kasi ng sabong ginamit ko.

Mabilis akong umakyat sa kwarto namin ni Lincoln. Sinimulan ko itong linisin ulit. Pinunasan ko ang sahig, punas doon punas dito. Pawis na pawis ako.

Tumayo ako at napahawak sa magkabilang bewang. Hingal na hingal ako. May isa pa akong hindi nalilinisan, ang ilalim ng kama. Sumuong ako sa ilalim ng kama may mga nakita akong mga kahon. Isa-isa ko iyon hinila palabas. Dalawang kahon iyon.

Binuhat ko ang mga iyon at inilapag sa kama. Bubuksan ko na sana ang mga ito ng bigla na lang binundol ng kaba ang dibdib ko. Napakunot noo ako. Anong laman ng mga ito?

Binuksan ko ang isang kahon. Puro iyon mga papel, sinubukan kong basahin ang ilan pero wala akong maintindihan dahil nakasulat ito sa ingles. Nagkalat sa kama ang mga papel. Ang isang kahon naman ang binuksan ko.

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon