PROLOGUE

1.3K 25 0
                                    

"Hoy! Gising babae! Hindi kita pinatira dito sa pamamahay ko para mag buhay prinsesa!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga. Nakita kong nakapamaywang na si tiya sa harapan ko.

"Oras na ng trabaho at bakit nakahilata ka pa dyan? Siya, ipagluto mo ang prinsesa namin dahil may bisita siyang dadating mamaya." Napaigtad ako nang sipain nito ang paanan ko bago lumabas ng bodega, na kwarto ko ngayon.

Dahan-dahan akong tumayo dahil masakit ang aking katawan buhat nang pagkakatulak ni Celine sakin kahapon at sa pambubogbog na natamo ko kay tiya dahil natalo ito ng madjong at ako ang pinagbubuntungan nito nang galit.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ay agad na akong bumaba. Naghanda ako ng makakain ni Celine. Binilisan ko ng kaunti ang aking galaw para dahil marami pa akong lalabhan.

Pagkatapos ko ay pumasok ako sa kwarto nila tiya para kunin ang mga maruruming damit nila para malabhan. Nalabhan ko naman na kahapon ang mga damit ni Celine kaya di ko na kailangan pang pumasok sa silid nito at paniguradong tulog pa ito hanggang ngayon. Lasing kasi itong umuwi kagabi sakay ng pulang sasakyan.

Nagsimula na akong maglaba. Hindi ko maiwasang isipin ang aking mga magulang. Hindi siguro ganito kahirap. Hindi ko kasi sila nakita simula ng maluwal ako sa mundong ito. Ang sabi ni tiyo maaga silang binawi dahil sa isang aksidente. Ang alam ko lang na detalye ay ang nanay ko at si tiyo ay magkapatid.

Nabitin ang mga babanlawan ko na sanang mga damit dahil tapos ko na itong sabunin nang may pumaradang mga sasakyan sa labas gate at bumusina. Wala naman silang katulong ni tiya maliban sakin, mapait akong ngumiti sa kawalan. Pinunasan ko muna ang aking basang kamay bago nagpunta sa gate at binuksan ito. Pumasok naman kaagad ang mga bisita at pinarada ang mga sasakyan nang basta lang at agad na lumabas.

Lumabas ang tatlong babae galing sa itim na sasakyan. Magaganda at mayayaman, halata naman sa kanilang mga suot. Sa pulang sasakyan, lumabas naman ang tatlong lalaki at isang babae. Ito yung sasakyang naghatid kagabi kay Celine.

"Magandang umaga po." Yumuko ako sa harap nila, rinig ko ang pangungutyang tawa ng mga babae habang napapasipol naman ang mga lalaki.

"Magandang umaga din sayo binibini." Bati pabalik sa akin ng  lalaki. Humakbang ito papalapit sakin at hinawakan ang aking kanang kamay bago dinala sa labi at hinalikan. Nanlaki naman ang aking mga mata at agad na binawi ito at humakbang paatras. Narinig ko ulit ang mga tawa nila. Naninikip na ang aking dibdib at gusto ng kumawala ng aking mga luha.

"So innocent." Tawang-tawa na sabi nung lalaking humalik sa kamay ko.

"H-hindi mo dapat ginagawa ang ganun, Ser." mahinang sabi ko kahit nauutal.

"But I want, Babe." Lumapit ito sakin at hinalikan ako sa pisngi kaya naman nasampal ko ito ng malakas sa gulat. Kusang tumulo ang aking mga luha pero nagulat na lang ako ng may sumampal sa akin at sinabunutan ako.

"Ce-celine, wala naman akong ginawang masama..." Napakahigpit ng pagkakasabunot ng kamay nito sa aking buhok, ramdam ko ang pananakit ng aking anit. Napaluhod na din ako pero panay parin ang sabunot at sampal nito sakin.

"T-tama na Ce-Celine! Maawa ka pakiusap! Masakit!" Iyak lang ako nang iyak habang nagmamakaawa.

"Napakalandi mong babae ka! Makakarating ito kay Mommy!" Binitawan na ako ni Celine ng umawat na ang mga kaibigan nito.

"W-wala naman akong k-kasalanan, Celine. " Humihikbi kong sabi habang pinupunasan ang tuhod kong may sugat at umaagos ang dugo galing dito.

"It's Gray who inetiate the kiss. Tss!" Tinulungan ako ng babaeng may berdeng buhok. Ngumiti ako sa kanya, nakita kong natigilan ito kaya ngumiti ulit ako.

"Sa-salamat po, A-ate." Napasinok ako habang sinasabi iyon. Tumango lang ito bilang sagot.

"At sino ka naman?" Napaigtad ako ng sumigaw si Celine.

"I dont know too. Try to ask google." Napatawa naman ang iba. Nakita kong nangigigil na sa galit si Celine.

"Bitch!" Napayuko ako ng sinamaan ako ng tingin ni Celine.

"Sino ba ang babaeng ito, Gray?" Napaangat ako ng tingin sa babaeng tumulong sakin kanina. Napakaganda niya, bagay na bagay ang berde niyang buhok sa makinis niyang balat.

"She's my cousin, Darling." Umamo naman ang mukha ni Celine at ngumiti pero kabaliktaran nito ang ipinapakita ng kanyang mga mata.

"I'm Celine, Gray's Girlfriend." Diniinan nito ang salitang Girlfriend. Ngumisi lang ang babae bago umirap.

"I don't like you." Humalakhak ang pinsan nitong lalaki na siyang humalik sa pisngi ko kanina. Hindi makapaniwala si Celine sa tinuran ng babae, gulat parin ito hanggang ngayon.

Tumikhim si Gray ngunit halatang nagpipigil ito ng tawa. Lumapit ito kay Celine at umakbay. "Babe, she's just joking. Don't mind her."

Tumikhim ang isa sa kaibigan ni Celine at mapilantik na hinawi ang mahabang buhok. Puno ang mukha nito ng mga kolerete na sa pagkakarinig ko minsan kay Celine ay make up ang tawag dito.

"Hindi mo ba kami papapasukin Celine? Ang init na at maalikabok dito." Napairap naman ang babaeng may berdeng buhok.

"Magkaibigan nga, parehong maaarte! Parang coloring book ng pamangkin ko naman ang mga pagmumukha." Napahagikhik naman ang pinsan nitong si Gray. Napaiwas na lang ako ng tingin nang samaan ulit ako ng tingin ni Celine.

"What did you say?" Nakataas ang kilay ng babaeng tinawag na maarte ng babaeng kulay berde ang buhok.

"You look like a clown. Pwede ng pangtakot sa mga daga!" Napahalakhak naman ang lalaking pinsan nitong nag-ngangalang Gray.

"What! You bitch!" Susugod na sana ang babaeng tinawag nitong clown ng humarang na si Gray habang tawang-tawa parin.

"Girls, easy!" Umirap lang ang babae bago

"Let's get inside." Paanyaya ni Celine na kanina pa masamang nakatingin sakin.

Naglakad na papasok ang mga bisita ngunit hindi parin matanggal ang tingin ni Celine sakin. Masasamang tingin ang ipinupukol nito sakin na kahit anong segundo ay susungaban ako nito.

Nakahinga naman kaagad ako ng maluwag ng akbayan ito nang kasintahan na si Gray at inakay na papasok. Umirap muna ito bago tumalikod.

"Bitch!" Napaigtad ako ng may magsalita sa gilid ko, ang babaeng may kulay berdeng buhok. Humarap ako dito.

"M-maraming salamat po, Ate." Nakatitig lang ito sakin. Napakaganda niya pero pansin ko na walang kahit anong pagkakahawig ang lalaking humalik sakin kanina at itong babaeng may kulay berdeng buhok.

"A-ate?" Tawag ko dito ng mailang ako sa titig nito.

"You are so innocent and pure. So this is the reason why he can't forget your angelic face huh." Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nito. Hindi kasi ako nakapagaral. Nakita ko naman iting ngumisi.

"P-pwede po bang tagalog na lang, Ate. Ang totoo niyan h-hindi kasi ako nakakaintindi ng ingles." Napatawa ito at napailing.

"Let's go? Guide me inside." Napayuko na lang ako. Hihingi na sana ako ng paumanhin ng magsalita ulit ito kaya napaangat ako ng tingin.

"Ibig kong sabihin pasok na tayo sa loob." Tumango ako dito at ngumiti.

"Sige po." Sinabayan ko ito sa paglalakad at ng makarating kami sa harapan ng pinto ay agad akong tumigil kaya napatigil din ito.

"Pasok na po kayo ate may tatapusin pa po kasi akong mga labahin. Pasensya na po di ko na kayo masasamahan pa sa loob." Ngumiti ulit ako dito.

"He will end your suffering lady. Just wait." Ngumiti ito sakin, tumango na lang ako kahit wala na man akong maintindihan. Lumakad na ako papuntang likod bahay dahil may tatapusin pa akong labahin. Siguradong sasakit na naman ang katawan ko nito dahil paniguradong magsusumbong si Celine sa mga nangyari kanina.

Napabuntong hininga ako at sinimulan na ang hindi pa natatapos na labahin. Hindi ko ininda ang hapdi ng aking mga sugat. Sinanay ko ang sarili ko sa sakit pero alam kong kahit anong gawin ko mahina parin ako.




Keep safe!God bless!

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon