CHAPTER 22

359 15 3
                                    

"I dont want you for my son!" nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa aking dibdib.

"Mom!" napaigtad ako sa madiing sigaw ni Lincoln. Lumapit ito sa akin at hinapit ako sa aking bewang.

"What?"

"What are you saying mom?"

"Hindi ko siya gusto para sayo Lincoln!" nanghina ako bigla sa narinig. Napaangat ang tingin ko kay Lincoln at nakita ko ang galit nitong awra. Napalingon ulit ako sa mommy ni Lincoln. Malamig itong nakatingin sa akin bago mabigat na bumuntong hininga.

"Hindi kita gusto para sa anak ko, ija."

"P-po?" balisa kong hinawakan ang aking mga daliri. Nagsimula ng uminit ang gilid ng aking mga mata.

"Kailangan ko pa bang ulitin? Hindi kita gust..."

"Stop it mom!" pinutol ni Lincoln ang sasabihin ng kanyang ina.

Humigpit ang mga kamay nito sa aking bewang, hinawakan ko ito at tiningala siya. Nagtagpo ang aming mga tingin. Umiling ako dito habang nagtutubig ang aking mga mata.

Napapikit na lang ako ng haplosin nito ang aking pisngi bago hinalikan sa labi at noo. Niyakap ako nito at doon bumuhos ang aking mga luha. Ramdam ko ang panginginig nito sa galit kaya naman hinagod ko ang kanyang likod para pakalmahin.

"Let's talk Lincoln!" rinig kong sabi ng kanyang ina. Ako na ang humiwalay kay Lincoln at nginitian ito. Pinunasan nito ang aking mga luha.

"Im sorry baby. Maguusap lang kami ni mommy." pinaupo ako nito sa
pang-isahang upuan.

Nag angat ako ng tingin sa ina ni Lincoln. Hawak ito ng asawa. Tiningnan muna ako nito ng malamig bago maowturidad na naglakad palabas ng silid. Hinalikan muna ako ni Lincoln sa noo bago sumunod sa mga magulang. Naiwan akong nanghihina at napatulala sa pintong nilabasan nila.

"Ija?" napalingon ako sa tumawag sa akin. Siya yung morenang babae na kamukha ni Alira.

"A-ano po yun m-ma'am?" ngumiti ito sa akin bago umupo doon sa mahabang upuan katulad ng inuupuan ko. Ng ipinalibot ko ang aking tingin ay nahiya at nailang ako bigla. May mga seryoso ang tingin pero meron namang ibang nakangiti sa akin katulad na lang ng morenang babaeng kausap ko ngayon.

"Are you okay ija? Do you want water?" natigilan ako bigla at malungkot na umiling.

"P-pasensya na po, hindi po ako makaintindi ng ingles." nagulat ang iba at ang iba naman ay napaayos ng upo. Sandaling natahimik ang lahat bago binasag ng isang tao ang katahimikan. Naiilang ako sa sitwasyon ko ngayon.

"A-ahm...May gusto ka bang kainin ija?" napalingon naman ako duon sa maputing babae na nakakandong sa lalaking kamukha ni Havoc. Sa nakikita ko mag-asawa ito.

"Salamat po ma'am. Kumain na po kami ni L-lincoln duon sa labas." tumango ito bago ngumiti.

"Pag pasensyahan mo na ang nagyari kanina ija! Ano nga yung pangalan mo?" tanong noong kamukha ni kuya Gray.

"Venna Isabella po pero Venna na lang po." magalang kong sabi. Tumango lang din ito bago ngumisi sa akin kaya nakita ko na naman si kuya Gray sa kanya.

Kinakausap naman nila ako. Kahit papaano naibasan yung kaba ko. Hindi ko alam kung anong mali noong sinagot ko ang tanong ng ina ni Lincoln. Ng malaman nitong pinsan ko si Celine ay parang bigla na lang may umihip na masamang hangin.

Third persons Pov

"Stay away from that woman Lincoln!" mariing sabi ng ina ni Lincoln. Gulat si Lincoln sa inaakto ng ina.

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon