"Humahaba na ang buhok mo Anak." Nag angat ako ng tingin kay tiya bago ko siya nginitian. Hinahaplos-haplos niya ang aking buhok. Nakaupo ako dito sa teresa at malayo ang tanaw.
Maglilimang buwan na simula ng makalabas ako sa ospital. Bumabalik-balik ako doon isa sa isang buwan dahil paunti-unting tinatanggal ng mga doctor ang tahi sa aking ulo.
"Uminom ka na ba ng gamot mo?" Tumingala ulit ako kay tiya at tumango. Ngumiti ito at tumabi ng upo sa akin.
Tinitigan ako nito "Miss na miss ko na ang pinsan mo," nalungkot ako bigla sa sinabi ni, Tiya. Hindi na nagpakita pa si Celine kahit sa mga kaibigan nito at maging sa kanila ni Tiya. Mas nalungkot ako ng hindi din alam ng kanyang nobyo kung nasaan si Celine. Nalulungkot ako para sa kanila ni tiyo at tiya.
Umiling si tiya ng makita ang aking mga mata. Hinaplos niya ang aking pisngi bago ngumiti. "Ayos lang ako, alam mo namang malakas ang pinsan mong iyon. Mas nagaalala ako sayo dahil hindi ko makita ang kasiyahan dyan sa mga mata mo." Napawi ang ngiti ko. Humugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa kawalan.
"Hindi pa po ako bayad tiya," umpisa ko. Hinawakan ni tiya ang aking mga kamay at hinimas ito. "Sinisingil pa po ako ng kapalaran ko." Bumuntong hininga ako at lumingon kay tiya.
Umiling ito ng marahan at hinawi ang humahaba ko ng buhok na malapit nang lumampas sa aking leeg.
"Hindi ka nagkautang kailanman, Venna." Seryusong sabi ni tiya. "Ang kaligayahan ay hindi pagkakautang, Anak. May karapatan kang lumigaya. Ikaw ang nasaktan dapat ikaw ang dapat na maningil," nagtubig ang aking mga mata. "Maningil ng oras para paghilumin ang sugat dyan sa puso mo." Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. Niyakap ako ni tiya.
"Masakit parin tiya." Humihikbi kong sabi. Humigpit ang yakap ko kay tiya.
"Miss ko na po siya, miss na miss."
Ngayon lang ulit nagbukas ang usaping ito sa pagitan namin ni tiya. Galit na galit si tiyo hanggang ngayon sa pamilya San Gabriel. Walang komunikasyong nangyari ng lumabas ako ng ospital.
Noong araw na magising ako at nagkausap kami ni Lincoln ay yun na ang huli. Ni ang mga nakababatang pinsan ni Lincoln ay hindi ko nakita maging si Leticia. Hindi pumayag si tiyo na may bumisita pang mga San Gabriel sa akin. Inilipat niya din ako ng ospital nang masigurong ligtas na ako at pwede na akong bumyahe.
Iyak ako nang iyak habang naghihintay na may magpakitang San Gabriel sa akin pero wala. Humingi ako ng oras kay tiyo at umaasang dadating si Lincoln pero bigo ako. Lumisan ako ng maynila na malungkot at puno ng sakit.
"Ma-masakit sa akin na isiping magkakaanak na siya sa babaeng iyon." Mas nilukob ng sakit ang puso ko sa kadahilanang sa ibang babae siya magkakaanak. "Sa babaeng iyon na artista at modelo. Wala po akong laban doon lalo pa at magkakaanak na sila, Tiya." Napahikbi ako.
"Makakabangon pa kaya ako tiya?" Kinalas ni tiya ang pagkakayakap ko sa kanya at pinunasan ang aking mga luha.
"Venna," bumuntong hininga siya bago tumingin sa kawalan. "Ng mabigo ako sa una kong pagibig noon ay akala ko hindi na ako makakaahon pa. Naging tutol ang lahat sa pagiibigan namin ng tunay na ama ni, Celine." Nagaalangan na tumingin sa akin si tiya kaya nginitian ko ito.
"Nagkahiwalay kami ng ama ni Celine dahil na rin sa may mga bagay na hindi dapat ipilit. Sumubok naman kami na ipaglaban yung anong meron kami pero siguro hindi talaga kami pwede." Bumuntong hininga ulit si tiya at ngumiti sa akin. "Sa kalagitnaan ng pagluluksa ko sa una kong pagibig ay nakilala ko ang tiyo mo. Tinangap at minahal niya kami ni Celine na akala ko lulubog ako sa sakit at kalungkutan pero may taong inahon ako at ibinigay yung mga bagay na akala ko hindi ko na mararanasan pa. Ang pagmamahal na ibinigay ng tiyo mo sa akin ay naging lakas ko para makabangon ako." Hinaplos ni tiya ang aking pisngi.
BINABASA MO ANG
San Gabriel Series #1 Lincoln San Gabriel
RomanceR-18 "Strip now." Mautoridad na utos niya saakin gusto kong umiyak. Hindi naman ganito ang mundong pinangarap ko sa buhay. Hinubad ko lahat ng saplot sa katawan gaya ng utos niya. Naging matalim ang mga mata niyang hinagod nang tingin ang aking kata...
