Nandito ako ngayon at inaayusan ng dalawang babae at isang pusong babae. Nagulat na lang kasi ako kanina ng pinababa ako nila nanay Beth dahil daw may magaayos daw sa akin. Wala na akong nagawa ng hinila nila ako duon sa isang silid na puno ng mga kolerete sa mukha,alam ko ang mga bagay na yun dahil nakikita ko yun noon kay Celine. May mga bistida ding nakasampay duon sa mahabang sampayan kung bistida nga ba iyong matatawag dahil sa mahahaba at napakaganda ng mga iyon.
Pinaligo muna nila ako ng tingnan ko ang oras ay mag aalas sais na kaya mabilis ang mga galaw nila. Pagkatapos ko kasing maligo ay pinaupo nila ako katapat ang malaking salamin. May mga ilaw pa at sa harap ko ay nakalatag ang mga kolerete sa mukha. Muntik na akong mapatakbo ng may itinapat na isang bagay si Glenda sa aking buhok na bumubuga ng mainit na hangin. Nagtawanan silang tatlo at pilit akong pinapaupo. Sabi nung pusong babae na si Brenda ay hindi daw iyon nangangagat at ginagamit daw iyon upang mabilis na matuyo ang basa kong buhok. Nahihiya tuloy akong ngumiti sa kanila.
Tahimik lang akong nakatingin sa salmain habang sila ay abala sa pagaayos sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulog ako ng ilang minuto. Nagising na lang ako ng may marinig akong naguusap si Leticia at si grandma Felicia pala.
"I'm so exited Grandma!"
"I know apo!"
Napatingin sa akin si Leticia, napangiti ito at lumapit sa akin.
"My mommy is so maganda!" humikab muna ako bago ko ito nginitian at binuhat. Napansin kong nakabihis na ito ng pangbatang bistida hanggang dibdib ito at kulay pula na kumikinang na bumabagay sa maputi niyang balat. Nakalugay din ang kanyang makulot na buhok sa likod at nakasuot na din ito ng kumikinang na sapin sa paa na may hindi kataasang takong. Nagmumukha itong manika dahil na rin sa asul na mga mata at matambok na pisngi. Napakagat labi tuloy ako dahil gusto ko na naman iyon kagatin. Buti na lang hindi nag iwan ng bakas ang pagkakakagat ko sa pisngi niya kagabi.
"Madam? Kailangan niyo na pong magbihis!" napatango-tango ako kay Karen na isa sa mga nagayos sa akin. Kusang bumaba sa pagakakakandong sa akin si Leticia. Ni hindi ko kayang tingnan ang sarili ko sa salamin.
Tinulungan nila akong tanggalin ang suot kong robe daw ang tawag sabi ni Brenda. Silang tatlo ang nagtulong-tulong na ayusan ako dahil utos daw ito ni Lincoln. Mababait sila, hindi ko naman nakikita o napapansin na nilalait nila ako dahil hindi ako makaintindi sa mga tinatanong nila sa akin nagpasalamat pa nga daw sila dahil akala nila mapapasabak sila sa englisan na dapat ay sanay naman daw sila dahil sa mga kostumer nilang mayayaman ngunit nakakapagod daw maging sosyal. Natatawa nga si Karen sa kakulitan nila Brenda at Glenda.
"Grandma! May gusto ka po bang kainin?" bigla kong tanong nang makita kong hinihimas nito ang sariling tiyan. Naglakad ako papalapit dito at yumakap bago nagmano. Hinalikan naman ako nito sa pisngi.
"I'm okay apo, go get dress!" natatawa nitong sabi. Hinagod ako nito ng tingin kaya napatingin din ako sa aking sarili at duon ko napagtanto na nakapanloob lang pala ako. Mga babae naman sila pwera lang kay Brenda pero pusong babae naman siya kaya ayos lang. Mabilis akong lumapit sa kanila ni Brenda at Glenda na may mga ngiti sa labi.
Kinuha ni Karen ang isang parang bistida, mahaba, lampas talampakan at sigurado ako na kapag sinuot ko ito ay matatapakan ko. Mahaba din ito pagdating sa aking mga kamay.
"Iyan ba ang susuotin niya?" si grandma.
"Yes po grandma!" sagot ni Karen, tumawa naman si grandma pati si Glenda at Brenda.
"Si Lincoln nga naman. May balal pang gawing lumpia ka apo!" at nagtawanan sila. Nagingiti na lang ako. Alam kong si Lincoln ang pumili ng mahabang bistidang hawak ni Karen.
BINABASA MO ANG
San Gabriel Series #1 Lincoln San Gabriel
RomanceR-18 "Strip now." Mautoridad na utos niya saakin gusto kong umiyak. Hindi naman ganito ang mundong pinangarap ko sa buhay. Hinubad ko lahat ng saplot sa katawan gaya ng utos niya. Naging matalim ang mga mata niyang hinagod nang tingin ang aking kata...