Naalimpungatan ako dahil sa ingay na nangagaling sa labas. Wala sa sariling lumabas ako ng aking silid at dumiretso palabas ng gate. Nakita ko kaagad ang mga kasambahay nila tiya na sumisilip sa labas at ng makita nila ako ay napatayo ang mga ito ng matuwid. Ibubuka ko na sana ang aking bibig ng makarinig kami ng sigaw at boses iyon ni tiya."Ay! Ibaba mo yang baril mo Clarencio!" Nawindang ako sa narinig. Baril? May baril si, Tiyo?
"Babarilin ko talaga ang mga ulo nito pag hindi pa sila umalis!"
"Sir, please calm down." Narinig ko ang kalmadong sabi ng pamilyar na boses.
"Maayos ko naman kayong pinaalis kanina ah!" Bakas sa boses ni tiyo ang galit. "Kung hindi kayo madala sa maayos na usapan itong baril ko na lang ang kausapin niyo." Narinig ko ang singhapan ng mga kasambahay.
"Tangina mo talaga, Clarencio! Ang gwagwapo niyan tapos babarilin mo lang!" Natauhan ako bigla at naalarma. Mabilis akong lumabas at tinungo ang gate. Pagkalabas ko ng gate ay nanlaki ang aking mga mata ng makitang nakatutok ang baril ni tiyo sa magpipinsang San Gabriel. Tatakbo na sana ako ng makita ang papalapit na dalawang sasakyan. Huminto ang mga ito at bumaba galing dito ang limang lalaki. Mas nanlaki ang aking mga mata ng makilala kung sino ang mga lalaking iyon. Parang sinasakal ako at hindi makahinga ng makita ang isang lalaking maowturidad na naglalakad at deristo ang tingin sa kaguluhan. Dinamba ng kaba ang aking dibdib at nanlalabo ang aking paningin.
"Ha! At nagtawag pa talaga kayo ng mga kakampi."
"Clarencio naman! Ibaba mo na yang baril mo!"
"Saka na, kapag umalis na itong mga tanginang ito." At kinasa ni tiyo ang baril. Nanlaki naman ang aking mga mata at napasigaw.
"No! Tiyo!" Napalingon silang lahat sa akin at nakita ko kung paano nanlaki ang kanilang mga mata.
"I-ibaba niyo po iyan, Tiyo. P-please po." Nagsusumamo kong saad. Lalapit na sana ako ng marinig ko ang boses na nagpakabog ng aking dibdib. Nagtagpo ang mga mata namin ni, Lincoln. Wala akong makitang emosyon sa kanyang mga mata kundi galit at pagkalamig. Madilim ang awrang bumalot dito.
Napansin kong sinuyod ako nito ng tingin, tumigil ito sa aking dibdib at napalunok ito bago napapikit. Napahilot ito sa kanyang sintido bago kinuyom ang mga kamao. Humugot ito ng malalim na hininga bago tumitig sa aking mga mata at nagsalita.
"All of you." Napakalamig at nakakatakot nitong sabi. Nakita ko kung paano tumuwid ng tayo ang mga nakababata nitong mga pinsan. Kahit ako ay natakot sa klase ng boses nito.
"Get in the car right now and close your fucking eyes." Mabilis na sumunod ang magpipinsan at nagtutulakan pa papasok ng mga sasakyan nila. Malungkot ko silang tinanaw. Hindi maipagkakailang miss na miss ko na sila.
Ibinalik ko ang tingin kay, Lincoln. Napakagat labi na lang ako ng makitang umiigting ang panga nito na sinusuyod ako ng tingin. Titingnan ko na sana ang sarili ko ng magulat ako ng may humawak sa aking mga braso at hinila ako patalikod.
"Tiya!" Gulat kong sabi.
"Ako ang aatakihin nito sa puso, Venna!" Nabahala ako at hinimas ang likod ni, Tiya.
"A-ayos ka lang po ba, Ti-" naputol ang sasabihin ko ng mapadaing ako sa kurot niya.
"At bakit ka lumabas ng walang suot na panloob? Ha!" Nanlaki ang aking mga mata, mabilis kong kinapa at tiningnan ang aking dibdib. Napakagat labi ako at halos magdugo ito dahil sa pagkakadiin.
"W-wala nga po, Tiya." Nakangiwi kong turan. Napasapo si Tiya sa kanyang noo at humugot ng malalim na hininga.
"Umalis na kayo, San Gabriel." Narinig ko ang madiin ngunit kalmado na sa sabi ni, Tiyo. Gusto kong lumingon dahil ramdam ko ang titig niya kahit nakatalikod ako ngunit hiyang-hiya ako at takot na salubungin ang kanyang nagyeyelong mga mata. Dumaan ang ilang minutong katahimikan bago ako buong lakas na lumingon. Napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni, Tiya kumukuha ng lakas dahil nanlalambot ang aking mga tuhod. Mapait akong ngumiti ng makita ang papalayo niyang likod.
Narinig ko ang sunod sunod na pag andar ng mga sasakyan, bumusina pa ang mga ito bago ko narinig ang paglayo nila. Nangilid ang aking mga luha. Pinipigilan kong wag tumulo ang mga ito ngunit naglaglagan parin. Humikbi ako, naramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Tiya sa aking likod na inaalo ako.
"Marunong naman palang makinig ang mga San Gabriel na iyon. Tsk! Kailangan ko pang takutin." Narinig kong sabi ni Tiyo.
"Hindi sila takot sa baril mo, Clarencio at lalo na sayo! Walang kinakatakutan ang pamilyang, San Gabriel!" Inis na sabi ni Tiya at hinila ako papasok ng bahay. Patuloy lang ako sa paghikbi habang tumutulo ang aking mga luha. Agad akong pinaupo ni Tiya pagkapasok sa loob ng bahay nila at niyakap ako. Duon ako umiyak nang umiyak.
"G-gusto ko po siyang takbuhin at yakapin ng mahigpit, Tiya." Mas humigpit ang yakap ni tiya sa akin at ganun din ako. "Miss na miss ko na po siya." Kumalas si Tiya sa pagkakayakap sa akin at sinapo ang aking mukha. Pinunasan niya ang aking pisngi bago ngumiti sa akin.
"Kung miss na miss mo na siya, bakit di mo siya puntahan?" Nakangiting sabi ni, Tiya.
"Subukan mo lang, Venna. Sabog yang ulo ng San Gabriel na iyan." Napayuko ako.
"Kung ikaw ang barilin ko ngayon, Clarencio?" Narinig ko ang tawa ni, Tiyo.
"Kaya mo bang ma byuda ng maaga?"
"Mas gugustuhin kong mabyuda kaysa naman may asawang kriminal!" Napatanga na lang ako sa sinabi ni Tiya, tumayo ito at umakyat ng hagdan paakyat sa ikalawang palapag. Nakatanga din akong nakasunod ng tingin kay Tiyo na umaakyat din para sundan ang asawa. Napabuntong hininga na lang ako at natulala.
Nanghihina akong yumuko at sinapo ang aking dibdib. Narinig ko ang pagtunog ng telephone kaya tumayo ako at pinunasan ang aking mga luha habang naglalakad para sagutin ang tawag. Patuloy ito sa pagtunog kaya binilisan ko ang lakad at ng maabot ko ito ay agad ko itong sinagot.
"Hello?" Bakas sa tinig ko ang panghihina. Wala akong narinig na sagot pero rinig na rinig ko ang mabibigat na paghinga sa kabilang linya.
"Hello po?" Wala paring naging sagot. "Ibababa ko na po." Ibababa ko na sana ang tawag ng may marinig na sagot sa kabilang linya na ikanatigil ko.
"Isabella," Napatakip ako sa aking bibig. Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng pangalang Isabella. Lumuluha akong hinigpitan ang kapit sa telepono.
"Baby," Napahikbi ako ng marinig ang salitang iyon. Umiyak ako nang uMiyak habang nakikinig sa kanyang mabibigat na paghinga. Dumaan ang ilang segundo at wala na akong narinig sa kabilang linya. Napahikbi ako at naglakas loob na magsalita ngunit natigil iyon ng marinig ko ang boses ng isang babae.
"Honey, let's eat!" Ang boses na iyon ay parang karayum na tumutusok sa aking dibdib.
Tumayo ako at humihikbing tinungo ang aking kwarto. Mabilis kong hinanap ang aking cellphone at kaagad na tinawagan ang isang taong isa sa mga naging lakas ko sa mga nakalipas na buwan.
"Philip, sasama na ako sa iyo."
How I wish I could see you one last time before I leave this country.
BINABASA MO ANG
San Gabriel Series #1 Lincoln San Gabriel
RomanceR-18 "Strip now." Mautoridad na utos niya saakin gusto kong umiyak. Hindi naman ganito ang mundong pinangarap ko sa buhay. Hinubad ko lahat ng saplot sa katawan gaya ng utos niya. Naging matalim ang mga mata niyang hinagod nang tingin ang aking kata...