CHAPTER 31

374 14 5
                                    

Nagising ako sa isang kwarto na hubo't hubad. Nanlalaki ang aking mga mata at gulat na gulat. Wala akong maapuhap na salita. Tahimik akong lumuluha. Pinapakiramdaman ko ang sarili pero wala namang kakaiba maliban sa nahihilo at nasusuka ako. Niyakap ko ang aking sarili. Hindi naman masakit ang bandang gitna ko kaya masisiguro kong wala akong nagawang kasalanan na labag sa puso at isip ko. Hindi ko siguro kakayanin kapag nalaman kong nakipagtalik ako sa ibang lalaki, si Lincoln lang ang pwedeng magmayari sa akin. Siya lang.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Nanlaki ang mga mata ko ng bumungad sa akin si Philip ng seryoso ang mukha. Napatiimbagang ako ng ngumiti ito ng pilyo sa akin.

“Ph-philip? A-anong,” halos hindi ko makilala ang boses dahil paos ito at puno ng galit.

“Kung anong nangyari?” umupo ito sa bandang paanan ko at hinagod ako ng tingin. “Well, Ahm…We,” hindi nito natapos ang sasabihin ng may pumasok sa silid at walang iba kundi si Celine. Gusto ko siyang talunin sa galit at sabunutan at pagsasampalin. Alam kong siya ang may kagagawan ng lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Siya parin ang masamang Celine na kilala ko.

“May nangyari sa inyo, pinsan.” humalakhak ito pagkatapos. Napaiyak na lang ako habang umiling-iling.

“H-hindi yan totoo Celine! Sinungaling ka! Napakasama mo talaga!” tumawa ito na parang bruha.

“Tanga ka parin hanggang ngayon
Venna!” umiling-iling ako. Wala akong masabi, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

“Stop it Celine!” si philip na pumagitna sa amin. Tumawa si Celine at maarteng umupo duon sa sofa sa gilid ng pintuan.

“Bakit Celine? Ano bang nagawa kong mali at ginagawa mo sa akin ang lahat ng ito?”

“Bakit?” tumalim ang kanyang mga mata
“Kinamumuhian kita Venna! Galit na galit ako sayo simula pagkabata pa lang!” napakunot noo ako at pinunasan ang aking mga luha habang mahigpit na nakakapit sa sapin ng kama na tumatabon sa hubad kong katawan.

“C-celine,” mahina kong tanong. Pagod ang katawan ko at hilong-hilo ako.

“Napapansin ka ng lahat habang ako ay parang galang aso na naghahangad ng atensyon!” napayuko ako. Hindi ko alam na iyon pala ang nararamdaman niya.

“Kinukumpara ko ang sarili ko sa iyo. Mahal ka ng mga tao sa paligid mo kaya sinubukan ko ding maging mabait pero hindi ko kaya dahil sa bawat araw na nakikita kita ay mas umuusbong ang galit ko sayo!” napailing ako. Sinalubong ko ang mga nagaalab sa galit na mga mata ni Celine.

“Ang babaw naman ng rason mo Celine para ilagay ako sa sitwasyong ito!” marahas itong tumayo at mabilis na nilaputan ako. Madiin niyang sinapo ang aking baba.

“Wala kang alam! Wala kang alam sa lahat ng pinagdaanan ko!” pabalya nitong binitawan ang aking baba. “Gabi-gabi binabalikan ako ng masamang nakaraan. Hindi ako makatulog at lahat ng nangyayari sa akin ay isinisisi ko sa iyo!” at sinampal niya ako ng napakalakas na halos mabingi ako.

“Stop it Celine!” inilayo ni Philip sa akin si Celine na ngayon ay nagpupuyos na sa galit. Lumuluha akong tumingin kay Celine. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya.

“C-celine, sabihin mo sa akin. Sabihin mo saan ako nagkamali at bakit mo isinisisi ang lahat ng  nangyari sa nakaraan mo?” nakita ko kung paano bumuhos ang kanyang mga luha. Parang kinurot ang puso ko. Hindi ito ang Celine na kilala ko. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang umiyak.

“Hindi ako makatulog, pakiramdam ko napakarumi ko. Kung sana hindi ko sinubukang maging katulad mo, kung sana hindi kita sinundan ay hindi ako magagahasa!”

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon