CHAPTER 35

708 17 7
                                        

Nagising ako sa ingay na aking naririnig. Hindi ko halos maimulat ang aking mga mata at pakiramdam ko namamaga ang mga ito. Ramdam ko ang sakit ng aking katawan at halos mawalan ako ng ulirat ng maramdaman ko ang sakit ng aking ulo ng sinubukan kong bumangon. Pakiramdam ko ay may nakapulupot dito na isang bagay.

Dahan-dahan kong ipinalibot ang aking paningin at nakita kong may mga tao sa loob.

"Ikaw nga ba ang ama?"

Narinig ko ang pamilyar na boses.

"Shut the fuck up!"

Sa lakas ng boses na iyon ay mas sumakit ang aking ulo. Hindi ko makilala ang mga pigura nila dahil hindi ko halos maibuka ang aking mga mata pero alam kong boses ni tiyo ang una kong narinig.

"T-tiyo," halos hindi ko maibuka ang aking bibig.

Kakaiba ang aking nararamdaman. Pakiramdam ko kulang ako at talagang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Maliban sa walang kapantay na sakit ng katawan ay pilit ko ring inalala ang mga nangyari.

Nakita kong may mga dugong umagos sa aking mga hita. Dugo?

Bakit may dugo? Bago ako masagasaan ay may dugo nang umaagos sa aking mga hita. Bakit?

Naramdaman ko ang mainit na bagay na tumutulo galing sa aking mga mata. Nasasaktan ako at hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko may nawala sa buhay ko.

"Venna!"

"B-baby."

Patuloy na umagos ang aking mga luha. Bakit may dugo? Sa kaisipang iyon ay mas nakaramdam ako ng kaba at takot.

"Baby," umiling-iling ako at takot na umiyak.

"L-lincoln. Bakit may d-dugo?" Nanginginig kong tanong. Nakita ko ang awa at sakit sa kanyang mga mata. Lumapit siya sakin at hinawakan ang aking kanang kamay. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay. Maingat niya kong niyakap at hinalikan ang aking noo, hindi ko maramdaman ang init ng kanyang mga labi dahil pakiramdam ko may nakapulupot na bagay sa noo at ulo ko.

"I...I'm sorry baby. I'm very sorry. Nangunot ang aking noo ng maramdaman ko ang pagtulo ng mainit na bagay sa aking pisngi at ng magkasalubong ang tingin namin ay nakita ko ang namumula niyang mga mata at kung paano tumulo ang mga luha dito.

Bumilis ang paghinga ko at nakalabing tumitig kay Lincoln.

"L-lincoln, ba-bakit ka umiiyak?" Tumulo ng mas mabilis ang aking mga luha.

Ngumiti ito ng marahan at hinalikan. Kumalma ako ng maramdaman ang init ng kanyang mga labi. Pinunasan niya ang aking mga luha habang nakalapat parin ang kanyang mga labi sa akin.

Nakarinig kami ng tikhim pero hindi natinag si Lincoln. Patudyo-tudyo niyang hinahalikan ang aking mga labi bago siya umupo sa aking tabi. Hinaplos niya ang aking mga pisngi bago humugot ng malalim na hininga.

"P-patawarin mo ako. Forgive me baby." Lumambot ang puso ko ng makita ang namumula niyang mga mata.

"Lincoln," naiiyak na naman ako.

"Shhh! Don't cry baby pls.." Pinunasan nito ang aking mga mata. Humugot ulit ito ng malalim na hininga at kinagat ng mariin ang kanyang mga labi bago tumitig sa akin.

"You...Damn!" Hinihintay ko ang susunod na sasabihin niya pero wala akong narinig. Napayuko na lang ito at ibinaon ang mukha sa aking kamay.

Narinig ko ang pilit na tawa ni tiyo, mapanguyam ito. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Lincoln sa aking mga kamay.

"Mahina ka pala hijo!"

"Calrencio! Tumigil ka!" Boses iyon ni tiya. Mariin iyon at nagbabanta.

"Bakit hindi mo ngayon sabihin ang totoo, takot ka ba? Sa pagkakaalam ko matapang ka?" Mas humigpit ang pagakahawak ng kamay ni Lincoln sa kamay ko. "Matapang nga ba? O yabang lang ang mer-"

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon