CHAPTER 13

454 17 0
                                    

           Dedicated to everyone.

Nakarating kami sa isang malaking gusali na sabi ni Leticia ay mall. Hindi naman kasi ako nakakalabas noon sa poder nila tiya. Hanggang pamamalengke lang ako at hindi ako nagtatagal sa labas dahil sakit ng katawan ang aabutin ko sa mga kamay ni tiya.

Sa nakikita ko purong salamin ang ginamit para ipatayo ang gusaling ito. May nakalagay sa taas na SG Mall's.

Pinagbuksan kami ng pinto Alvin. Napahanga na lang ako dahil sa ganda ng paligid. Maraming tao ang pumapasok at lumalabas. May naguusap, nagtatawanan at meron ding magisa lang. Hindi ko naranasan ang ganito sa tanang buhay ko, ngayon lang.

"Let's go."

Napalingon ako sa aking likod, buhat-buhat ni Lincoln si Leticia. Naka bistida siyang dilaw, nilagyan ko ng ipit ang kanyang makulot na buhok at sinuot nito ang sunglasses daw ang tawag sabi niya. Si Lincoln naman ay naka t-shirt lang na puti, itim na pantalon at sapatos na puti. Bakat na bakat ang matitipuno nitong dibdib at braso. Naka sunglasses din ito katulad ni Leticia. Kahit sinong makakakita kay Lincoln ay iisipin  na galing ito sa makapangyarihang pamilya. Sa awra pa lang na bumabalot dito ay mahahalata mo na may sinabi ito sa buhay. Sa napakagwapo nitong mukha ay maaakit nito ang kahit sinong babae at isa na ako duon.

Pagkapasok namin sa intrada ay may nakabantay na mga armadong lalaki. Nanlaki ang kanilang mga mata at umayos ng tayo.

"Good morning Sir. San Gabriel!"

Sabay-sabay nilang turan. Tumango naman ng tipid si Lincoln at tinanggal ang suot sa mata pati si Leticia. Mas hinapit ako nito papalapit sa kanya habang buhat pa rin si Leticia. Sa bawat dinadaanan namin ay may napapatingin sa amin.
 
"Put me down daddy! Put me down!"

Ibinaba ni Lincoln si Leticia at tumakbo papasok duon sa isang tindahan na maraming nakalatag  na mga kwintas at kung ano pa na napapalibutan ng salamin. Mahinang tumakbo si Leticia dahil na din sa bigat ng katawan at hindi mo talaga aakalaing limang taong gulang na ito. Natatakot ako na madapa ito kaya tatakbo na din sana ako para alalayan ito ng hinapit ako ni Lincoln at niyakap.

"Lincoln! Si Leticia baka madapa!" nagaalala kong anas ngunit napatigil ako bigla ng marinig ang marahas nitong paghinga kaya nabahala ako. Senenyasan nito ang nakasunod sa aming dalawang armadong lalaki at mabilis na naglakad ang mga ito papunta sa pinuntahan ni Leticia.

"Fuck! I want to punch those fuckers who's staring at you right now baby." mariin ang pagkakasabi niya at marahas pa rin ang paghinga.

"May problema ba baby?" hinaplos ko ang kanyang likod. Naramdaman ko naman na humugot ito ng malalim na hininga at hinalikan ako sa ulo.

"You can calm me down baby and you are the only one who can do that." tumingin ito sakin at hinalikan ako ng mabilis sa mga labi.

"Good Morning Sir. San Gabriel!"

Napahiwalay kami sa yakap ni Lincoln ng may magsalita sa likoran ko. Isang Lalaki na sa tansya ko ay matanda ng ilang taon kay Lincoln.

"Good Moring Manager Oh."

Nagkamay ang dalawa at napatingin ito sa akin at sinuri ako. "By the way, who is this beautiful lady?" nailang ako sa titig nito. Hindi naman masama ang pagkakatitig niya sadjang nahihiya at naiilang lang ako.

"She is my woman. Baby this.. siya si Manager Oh." napaayos ako ng tayo at ngumiti dito.

"Magandang umaga po manager Oh."
Nahihiya kong bati.

"Good morning too beautiful!"

Nagusap sila ni Lincoln at manager Oh pero hindi mapanatag ang loob ko na hindi ko kasama si Leticia. Kaya nagpaalam ako kay Lincoln na susundan si Leticia. Pumayag naman ito ngunit pinasamahan ako sa isang tauhan niya.

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon