CHAPTER 4

833 20 0
                                    

Nandito ako ngayon sa hardin. Pinagmamasdan ang mga bulaklak na namumukadkad at sumasabay sa simoy ng hangin.

Ngayon ko lang naranasan ang ganito, yung nahahanap ko ang kapayapaan kahit ako lang magisa. Walang sakit, walang lungkot at pangungulila.

"Madam Venna!" nakarinig ako ng sigaw at nang lingunin ko ito ay nakita kong tumatakbo si Lilit patungo sa akin, may dalang payong, mainit nga naman.

"Hay! Madam!" hingal na hingal ito.

"Ano yun Lilit?" nakangiti kong tanong dito.

"Madam Venna pinapatawag po kayo ni nanay Beth!" maayos na ang paghinga nito.

"Ganun ba? Sige, tara na?" ngumisi ito at tumango-tango. Lalakad na sana kami ng may maalala ako, matagal ko nang gustong sabihin ito.

"Teka lang Lilit," huminto naman ito habang nakapayong para hindi kami mainitan.

"Ano yun Madam Venna?"

"Ahm, pwede bang wag niyo na akong tawaging Madam, Venna na lang hindi naman kasi ako ang amo niyo tsaka naiilang din ako." nahihiya kong saad. Natigilan naman ito bago napangisi.

"Hay nako! Ang sarap maging kayo madam este V-venna! Maganda na at mabait pa." at pinalo ang isa kong braso. Napatawa na lang ako.

"Maganda ka din naman Lilit." namula ito pero kalaunay napahalakhak.

"Ngayon mo lang napansin?" at hinawi ang buhol-buhol nitong buhok.

"Matagal ko ng alam Venna kahit nasa sinapupunan pa lang ako ni inay!" napangiti na lang ako. Bibo si Lilit katulad nila Ailen at Patty.

"Ganda ko talaga pinuri ng anghel. Tara na Venna!" nakangiti kaming dalawa habang papunta sa intrada ng mansyon.

"Oh iha! Nanjan kana pala, pinatawag kita kasi baka gusto mong tulungan ako sa pagluluto." napatalon ako sa saya at lumapit kay nanay Beth.

"Gusto ko nanay! Gusto kong magluto!" napatawa naman si nanay Beth pati ang mga ipinakilala nitong nakatuka sa pagluluto. Narinig ko rin ang pagtawa ni Lilit.

"Oh siya, ang lulutuin natin ay calderetang kambing. Paborito iyon ni Lincoln." napangiti ako. Yun pala ang gusto niyang pagkain.

"Masarap iyon nanay! Magluto na po tayo! Ipagluluto ko si L-Lincoln nay Beth,"

"Aw! Swerte naman ni Sir. Lincoln ipagluluto ng anghel!" namula ako sa sinabi ni Lilit. Napatawa naman si nanay Beth at saka yung iba.

"Sige, mas maganda siguradong magugustuhan iyon ni Lincoln." napangiti ako habang iniisip kung magugustuhan nga ba niya.

Nagsimula na kaming magluto ni nanay Beth ako lang pala dahil tinuturuan lang ako ni nanay. Nahiwa ko na't lahat ng mga kakailanganin, nagkasugat pa ako pero malilit lang naman, matigas kasi yung mga sangkap at kumakawala minsan kapag hinihiwa ko na.

"Nanay tapos ko nang ilagay ang lahat at malambot na ang mga gulay at karne, ano pong susunod?" pinunasan ko ang aking pawis.

"Luto na yan anak sakto din na magtatanghalian na." nakahinga ako ng maluwag dahil mainit na din. Napangiti ako ng tikman ni nanay Beth ang luto ko.

"Ang sarap mong magluto anak, siguradong magugustuhan ito ni Lincoln. Maanghang pero sapat lang, magaling!" namula ako sa papuri ni nanay Beth.

"Salamat po nay!" sabay ngiti ko.

"Nagugutom ako sa bango Venna. Siguradong mababaliw ng todo si Sir. Lincoln sayo!" mas namula ako sa sinabi ni Lilit. Napailing naman si nanay Beth.

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon