Nagyaya na akong umuwi dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Ihahatid na sana kami ni Lucas at kuya Nyzer ng sabihin ko na may mga tauhan naman na pinasama sa amin si Lincoln kaya wala na silang nagawa pa. Pagkadating namin ay agad ko nang pinatulog si Leticia dahil napahaba ang kwentuhan namin kanina. Pagkatapos ko kasi mag banyo ay naabutan ko silang nagtatawanan. Marami silang tanong, nagpapasalamat naman ako na hindi nila na tanong kung bakit kami nagkakilala ni Lincoln.
Pinipilit ko ang sarili na matulog ngunit palaging bumabalik sa isip ko ang mga narinig ko kanina sa banyo. Ang paguusap ni Celine at nang kaibigan niya. Bumuntong hininga ako ng manikip ang aking dibdib.
Pera lang ba talaga ang mahala para kay Celine?
Kahit naman na masama sila sa akin ay hindi pa rin ako nawawalan ng pagasa na umasa na may natitira pa ding kabutihan sa puso niya. Hindi man nila ako pinakitaan ng kabutihan o pinaramdam man lang na mahalaga ako ay hindi ko sila itinakwil bilang pamilya ko.
Simula pagkabata namin nakukuha niya ang lahat ng gustuhin niya. Nagagawa niya ang mga bagay na hindi naman dapat ginagawa ng isang bata. Naalala ko tuloy kung paano nasagasaan ng rumargasang sasakyan ang matalik kong kaibigan noon.
“Celine! Tama na! Nasasaktan na si ate Layla!” patuloy na tinulak-tulak ni Celine ang batang babae na si Layla kahit nasasaktan na ito. Ang batang si Layla naman ay matapang na nakikipagtalo ng tingin kay Celine kahit sa loob-loob niya ay natatakot na ito.
“You are bad Celine! That's why i don't want you for my baby brother!” napakuyom ang batang si Celine at galit na tumili.
“Ahhhhhh!!!” tili nito at mayamaya pa ay narinig nila ang tunog ng isang mabilis na sasakyan. Nanlaki ang mga mata ng batang si Venna na pinsan ng batang si Celine ng matanto kung anong balak ni Celine.
Ngumisi ang batang si Celine sa batang si Layla.
“Wh-what are you doing!” nauutal na tanong ng batang si Layla.
Unting-unti na ding tinutulak ni Celine si Layla ng may kalakasan. Ng malapit na talaga ang mabilis na sasakyan ay buong lakas na itinulak ng batang si Celine ang batang si Layla at narinig na lang ng batang si Venna ang pagkalabog.
Ilang minutong katahimikan bago napatakip sa bibig niya si Venna. Nakita niya kung paano bumaliktad ang itim na sasakyan at kung paano lumipad ang kanyang butihing kaibigan. Naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan ngunit ng bumalik ang kanyang ulirat ay walang pagalinlangan na tinakbo niya ang kanyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
San Gabriel Series #1 Lincoln San Gabriel
RomanceR-18 "Strip now." Mautoridad na utos niya saakin gusto kong umiyak. Hindi naman ganito ang mundong pinangarap ko sa buhay. Hinubad ko lahat ng saplot sa katawan gaya ng utos niya. Naging matalim ang mga mata niyang hinagod nang tingin ang aking kata...