Pagkagising ko pa lang ay dumiretso na ako ng banyo. Niyakap ko ang inidoro at duon isinuka ko ang lahat at hindi ko mapigilang umiyak. Ang sakit ng lalamunan ko at hilong-hilo ako.
Nanghihina akong bumalik sa kama at nahiga. Umiyak ako ng umiyak. Wala ngayon si Lincoln at miss na miss ko na siya. Magdadalawang linggo na siyang hindi umuuwi at sabi ni nanay Beth napakalaking halaga na naman ang nawala sa kompanya ni Lincoln.
Naaawa na ako sa kanya at sa dalawang linggo na iyon ay hindi man lang siya tumawag at nagparamdam sa akin na lubos ko namang naiintindihan. Iniiyak ko na lang ang lahat at dumadagdag pa na wala si Leticia at isinama ito ni Grandma Felicia pabalik ng Norway dahil kaarawan ng kanyang Ama ngayong buwan at kaarawan naman ng kanyang ina sa susunod na buwan kaya ilang buwan din siyang hindi makakauwi dito sa pilipinas. Ang mga nakakabatang pinsan naman ni Lincoln ay abala sa dadating daw nilang exam at naghahanda din sila sa laban ng kanilang paaralan sa laro ng basketball.
Wala akong makausap at ang pinagkakaabalahan ko na lang ay ang kumain ng kumain ng mga maanghang na mga pagkain. Si nanay Beth naman at Lilit ay umuwi ng probinsya noong nakaraang araw. Namatay daw kasi ang kamaaganak nila. Hindi ko alam kung ilang linggo sila duon.
Ang kasama ko na lang dito sa mansyon ay Si Ailen at Mara. Ang iba kasing kasambahay kasama ni Patty ay ipinadala ni nanay Beth sa mansyon ni Grandma Felicia at wala daw duong kasama si ate Coleen na secretarya ni Grandma. Minsan binibisita ako ni ate Coleen at minsan naman ako ang bumibisita duon.
Laylay ang balikat kong tumayo at naligo. Agad akong lumabas ng kwarto at gusto kong kumain na naman ng maanghang na pagkain. Pagkababa ko pa lang nakita ko na si Mara na nakupo sa sofa nagulat pa ako sa nadatnan. May katawag kasi ito.
“Sige ma'am Celine.” napakunot noo ako. Narinig ko ang pangalang Celine kaya lumapit ako sa kanya.
“Mara?” tawag ko dito. Nagulat itong napatayo at peking ngumiti sa akin.
“May sinabi ka bang Celine?” nanlaki ang mga mata nito pero sandali lang. Kumunot ang noo nito at umiling bago umirap sa akin at umalis. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Siguro namali lang ako ng dinig.
Tumungo ako sa kusina at nagluto. Adobong manok ang niluto ko at nilagyan ko ng napakaraming sili. Kumain ako ng magisa lang sa mesa. Hindi ko naman mahagilap sila Ailen at Mara para sana sabay na kaming kumain. Siguro marami din silang ginagawang tarabaho.
Si Lincoln kaya kumain na ba siya?
Kung dalhan ko kaya siya ng pagkain?
Napangiti ako at mabilis na nagbalot ng pagkain sinamahan ko na rin ng prutas. Mabilis akong umkayat sa itaas at nagbihis ng seksing damit. Siguradong magugustuhan ito ni Lincoln. Saktong pagkababa ko ay dumating si Clark kaya nagpahatid na ako sa kanya sa opisina ni Lincoln.
“Magugustuhan kaya ito ng Sir mo Clark?” tanong ko kay Clark.
“Opo naman Madam. Kay swerte ni Sir at ipinagluto siya ng magandang dilag na katulad mo Madam.” napatawa ako. “Bolero ka pala Clark.” sabay kaming natawa.
“Kailan kaya ako ipagluluto ni Patty?” nanlaki ang mga mata ko. “May gusto ka kay Patty?” namamangha kong tanong. Nahihiya naman itong tumango. Napahagikhik ako. Kaso may gusto si Patty kay Alvin.
Nakarating kami sa kompanya ni Lincoln.
Kinakabahan pa ako at namamawis ang aking mga kamay ngunit hindi mapagkakailang labis ang pangungulila ko sa kanya.“Magiingat ka Clark.” nagpasalamat na ako kay Clark kumuway pa ako dito. Sinabi ko sa kanayang mauna na siya at siguradong isasabay naman ako ni Lincoln.
BINABASA MO ANG
San Gabriel Series #1 Lincoln San Gabriel
RomanceR-18 "Strip now." Mautoridad na utos niya saakin gusto kong umiyak. Hindi naman ganito ang mundong pinangarap ko sa buhay. Hinubad ko lahat ng saplot sa katawan gaya ng utos niya. Naging matalim ang mga mata niyang hinagod nang tingin ang aking kata...