CHAPTER 26

356 14 2
                                    

Read at your own risk!

Kinakabahan akong sumakay nakasakay ng private elevator daw sabi nila ni Havoc. Hinatid nila akong lima kasama si Lovely.

Hindi parin kasi naimik si Lincoln sa akin. Nagtatampo pa.

Tumunog ito hudyat na nakarating na ako. Lumabas na ako at bumungad kaagad sa akin ang napakalaking opisina ni Lincoln.

Sinipat ko ang aking sarili. Nakasuot ako ng isang bistida at sa loob nito ay pinasuot ako ni Lovely ng isang Lingerie daw ang tawag. Napapangiwi pa ako ng suotin ko ito. Nahahalayan ako pero sabi naman ni Lovely ayos lang dahil si Lincoln lang naman daw ang makakakita.

Huminga ako ng malalim bago deritsong naglakad sa harapan ni Lincoln. Tumigil ako sa harapan niya. Nakapagitan sa amin ang dalawang upuan at ang mesa niyang puno ng mga papel.

Nagulat ito ng makitang nakatayo ako sa kanyang harapan. “Bab..Isabella. What are you doing here?” bumalik ito sa malamig na awra. Kunot na kunot ang kanyang noo at napaawang ang kanyang bibig ng makita kung gaano kapula ang aking mga labi. Napakagat ako dito na ikinasandig niya sa kanyang umiikot na upuan.

Huminga ako ng malalim bago sinimulan ang napag-praktisan namin ni Lovely.

Gaya ng turo ni Lovely ay hinimas ko ang aking balakang pataas sa aking dibdib hanggang umabot ito sa aking leeg. Napaawang ang bibig ni Lincoln at nanlalaki ang mga mata. Napangisi ako sa aking isip.

Tumingala ako at sinimulang hinubad ang aking bistida. Nakatali kasi ito sa aking leeg at kapag tinanggal ko iyon ay diretso iyong mahuhubad. Dahan-dahan ang aking galaw habang ang mga kamay ko ay naglulumikot sa aking likod para tanggalin ang tali ng aking bistida.

“I-isabella! What are… Oh shit!”
nanlalaki ang mga nito at napatayo. Nahulog lang naman ang bistida ko at bumungad sa kanya ang pangloob ko na suot. Ang lingerie na ipinasuot sa akin ni Lovely.

Kinagat ko ang aking mga labi at tumitig dito. Nakita ko ang pagaalab ng kanyang mga mata sa pagnanasa. Ipinungay ko ang aking mga mata at kinagat ng mapangakit ang aking pulang-pula na labi.

"I am going to give you a one hot private show."

Laglag ang panga nito at napapabuka 'sira ang kanyang bibig. Inilugay ko ang aking buhok at maglalakad na sana papalapit sa kanya ng tumayo ito bigla.

"What the actual fuck! Sinong nagturo sayo ng mga salitang yan? Kanino mo yan natutunan Isabella Madrigal!" natuod ako sa aking kinatatayuan. Napayuko na lang ako dahil sa hiya at takot. Alam kong galit ito dahil tinawag niya ako sa kompleto kong panaglan.

"Answer me?" kung ibubuking ko ang mga pinsan niya malamang pagagalitan niya ang mga ito. Di ko naman kasi alam kung anong ibig sabihin ng mga mga katagang binigkas ko kanina.

"Do you hear me Isabela madrigal!?" napaigtad na lang ako at nag angat ng tingin. Galit pa rin ito kaya di ko mapigilang maluha, agad akong napayuko.

"T-tinuro l-lang naman yun sa a-akin,di ko din maintindihan kasi ingles at mahaba." napatulo na ang aking mga luha.

"Sabi nila Havoc magugustuhan mo ang..." napatakip ako sa aking bibig. Ng tingnan ko si Lincoln ay umiigting na ang kanyang panga at handa ng manakmal. Bakit kasi nadulas ako!

"Nagsingungaling siguro sila sakin kasi n-nagalit ka. Pero ayaw kong magalit ka sa kanila Lincoln. T-tinulungan lang naman nila ako kasi naiiyak ako palagi kasi di mo ako pinapansin. Sumasakit yung puso ko." hindi ko binawi ang sinabi ko kanina dahil alam na alam nito kung nagsisingungaling ba ako o hindi. Napiyok pa ako habang pinupunasan ang mga luha.

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon