Binibihisan ko ngayon si Leticia dahil gusto niyang pumunta sa opisina ng daddy niya. Hindi naman ako makatanggi dahil gusto din ni nanay Beth na ako ang maghatid ng pagkain na niluto ko dahil mas magugustuhan ito ni Lincoln.
Nang hihinayang parin ako ngayon dahil hindi niya man lang natikman yung niluto ko noong nakaraan. Sana magustuhan niya itong niluto ko ngayon para sa kanya.
Magkakulay kami ng damit ni Leticia. Naka puting bistida si Letecia at nilugay ko ang kanyang makulot na buhok. Ako naman ay nakaputi ding bistida at nilugay ko na rin ang mahaba kong buhok.
Sinusuklay ko ang mahaba kong buhok ng mahagip ng mga mata ko ang ibinigay ng secretarya ni Grandma noong bumisita kami noong nakaraan. Sabi niya pampapula daw ito ng labi. Mabait ito at katulad ni Lilit na bibo.
Nagaalangan ako kung gagamitin ko ba ito o hindi? Pero naalala ko ang sinabi nito na magugustuhan ni Lincoln ang ganitong mapulang labi ko. Naalala kong may ganito din si Celine. Kinuha ko ito at tinitigan. Baka hindi bagay saakin, sabi ko sa sarili.
Nagbaba ako ng tingin ng may yumakap sa tuhod ko. Nakita ko si Leticia na nakangiti saakin, nakita niya ang hawak kong pampapula ng labi na ang tawag ay lipstick sabi ng secretarya ni grandma.
"Lipstick?" nahihiya akong tumango kay Leticia. Inakay ako nito paupo sa upuan at kinuha niya ang Lipstick na hawak ko. Nanlaki ang mga mata ko ng lagyan niya ng lipstick ang mga labi ko, kahit ang pisngi ko ay pinahiran niya din. Lumayo ito saakin at tiningnan akong mabuti.
"Ganda mo mommy!" pumalakpak pa ito na tuwang-tuwa talaga. Iniharap niya ako sa salamin at doon ko nakita ang sarili ko.
Napakapula ng mga labi ko, ang mga pisngi ko naman ay nagkaroon ng kulay na noon ay maputla. Sinuklay ko ulit ang buhok ko. Bumagay naman sa akin.
Hinila na ako palabas ni Leticia, gusto na talaga nitong makita ang daddy. Pagkababa namain ay nakita kong naghihintay na pala si nanay Beth may dala itong lalagyan ng pagkain.
"Ang ganda mo naman iha!" nahihiya akong nagpasalamat kay nanay Beth. Nasulyapan ko si Lilit na nakangiti saakin, nginitian ko ito pabalik.
Pagkalabas namin ng mansyon ay nakita ko si Mark na naghihintay sa labas nakatayo sa gilid ng isang sasakyan.
"Mark magingat ka sa
pagmamaneho." bilin ni nanay Beth kay Mark tumango naman ito kay nanay Beth at pinagbuksan kami sa likod ng sasakyan.Masaya kaming nagpaalam kay nanay Beth. Maingay ang byahe dahil maraming tanong si Leticia kay Mark na sinasagot naman nito.
"Nandito na po tayo Madam." bumaba ito ng sasakyan at umikot para pagbuksan kami.
"Bye kuya Mark! Take care po!" masayang paalam ni Leticia kay Mark. Masaya naman si Mark na kumaway saamin.
"Magiingat ka Mark." bilin ko din dito. Nahihiya naman itong tumango.
Hinatid kasi kami ni Mark sa Loob ng malaking gusali na may malaking letrang nakasulat na kulay ginto na 'SG GROUP OF COMPANIES'. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob. Nagpahila lang ako kay Leticia at huminto kami sa dalawang babae na halatang nagtratrabaho dito batay sa kanilang kasuotan.
"Magandang umaga sa inyo." magalang kong sabi. Nagkatinginan muna silang dalawa bago ngumiti sa akin. Binuhat ko si Leticia dahil hindi niya makita ang nasa taas dahil may nakaharang na nagsisilbing mesa ng dalawang babae, hanggang dibdib ko ang taas nito. Inilapag ko muna ang mga pagkaing dala ko sa gilid.
"What can I do for you maam?" napakagat ako ng labi dahil wala akong maintindihan at sa bigat na rin ni Leticia.
"What floor is my daddy's office po?" nagulat ang dalawang babae.
BINABASA MO ANG
San Gabriel Series #1 Lincoln San Gabriel
RomanceR-18 "Strip now." Mautoridad na utos niya saakin gusto kong umiyak. Hindi naman ganito ang mundong pinangarap ko sa buhay. Hinubad ko lahat ng saplot sa katawan gaya ng utos niya. Naging matalim ang mga mata niyang hinagod nang tingin ang aking kata...