"Clarencio! Wala na tayong ibang paraan kundi ibigay ang hinihingi niya!" Rinig na rinig ko ang sagutan nila tiya at tiyo dito sa kusina.
"Hindi pwedeng basta na lang ganun Lidia! Wala na tayong alas kung ibibigay natin siya sa tusong San Gabriel na iyon!" San Gabriel? Palagi ko iyon naririnig kapag nagtatalo ang tiya at tiyo.
"Wala na tayong magagawa! Kung sana humanap ka ng ibang paraan edi sana wala tayong problema ngayon! Ikaw ang may kasalanan ng lahat nang ito Clarencio!" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni tiya. Halatang galit na galit ito.
"Bakit ako? Baka nakakalimutan mo Lidia na ikaw ang parating natatalo kaya lumaki ng mabilis ang utang natin sa casino ng lalaking iyon!" Narinig ko ang mga nababasag na kagamitan sa silid nila tiya at tiyo. Nagsimula na akong kabahan dahil alam kong pagbubuntungan na naman ako ng galit ni tiya. Masakit pa yung tinamo kong sugat kay Celine noong nakaraan.
"Baka nakakalimutan mo rin Clarencio na natalo ka sa isang pustahan na nagkakahalaga ng tatlong milyon!" Nanlaki ang mga mata ko. Wala akong pinagaralan ngunit alam ko kung paano magbilang ng numero at batay sa halagang binigkas ni tiya ay napakalaking halaga ang nilulustay nila para lang sa sugal.
"Wala na tayong magagawa pa! Ang ibigay siya bilang pambayad o parehas tayong hihimas ng kinakalawang na rehas!" Sigaw ni tiya. Narinig ko ang pagkalabog ng pinto senyales na pabalya itong sinirado. Narinig ko ang pababang yapak galing sa hagdan.
Tiningnan ko ang nakahandang pagkain sa lamesa. Kumuha ako ng isang pitsel ng tubig at inilagay ito sa gilid ng lamesa kasama ang mga baso. Narinig ko ang mga yabag papasok sa kusina. Napatuwid ako nang tayo ng may tumikhim na isang tao sa harapan ko. Nakita kong nakataas na ang kilay ni tiya sakin.
"Nakahanda na po ang pagkain tiya. Kumain na po kayo ni tiyo." Magalang kong turan at yumuko.
"Mag empaki ka ng mga damit mo. Lahat! Yung walang matitira. Bilisan mo!" Utos ni tiya na ikinakaba ko. Magtatanong na sana ako kung bakit ngunit dumating si tiyo. Kita ko sa mga mata niya ang galit. Sumulyap ito sakin ngunit agad ding nagiwas.
"Ano pang tinatayo-tayo mo djan!? Layas at magimpaki ka na. Tangina kang babae ka!" Napayuko na lang ako at mabilis na pumasok sa kwarto kong bodega. Kagaya ng sinabi nila agad kong inimpaki lahat ng gamit ko at wala akong itinira. Nang matapos ay ipinalibot ko ang aking paningin sa silid. May pakiramdam ako na huling tapak ko na dito sa silid na ito. Agad kong nilisan ang silid at tumungo sa sala nakita kong naghihintay na doon sila tiyo at tiya at seryosong nag-uusap. Nang makita nila ako ay agad silang tumayo at naglakad palabas senenyasan naman ako ni tiyo na sumunod kaya ginawa ko na.
"Sakay." Utos ni tiyo. Wala akong nagawa sa takot dahil may mga kalalakihang may dalang malalaking armas at pawang nakaitim ang mga suot. Pagkaupo ko sa dulo ay kaagad kong niyakap ang bag ko dahil sa kaba. Ano bang balak nila tiya at tiyo sakin?
"Straight to the warehouse." Wala akong maintindihan sa sinabi ng lalaki sa unahan doon katabi ng nagamaneho. Nakita ko na lang na tumango ang nagmamaneho at pinaandar na ang sasakyan. Katabi ko si tiya at sa gilid niya ay si tiyo. Sa likod namin ay may dalawang lalaki. May nakasunod ding itim na sasakyan sa likod ng sinasakyan namin ngayon.
"This is Alvin Boss." Narinig kong sabi ng lalaking nasa unahan at dinidiin ang isang bagay sa tenga nito na umiilaw na kulay pula. Siguro dito ito may kausap.
"We are now heading to the warehouse Boss." Natahimik kami, naghihintay sa susunod na sagot galing sa lalaking nasa unahan. "She's with us Boss." Lumingon ang lalaking may kausap sa akin at tiningnan ako saglit at agad ding nagbawi. "She's fine Boss," nakatuon na ang tingin nito sa unahan. "Noted Boss." Natahimik kaming lahat sa loob ng sasakyan pagkatapos kausapin ng lalaki ang isang tao sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
San Gabriel Series #1 Lincoln San Gabriel
Storie d'amoreR-18 "Strip now." Mautoridad na utos niya saakin gusto kong umiyak. Hindi naman ganito ang mundong pinangarap ko sa buhay. Hinubad ko lahat ng saplot sa katawan gaya ng utos niya. Naging matalim ang mga mata niyang hinagod nang tingin ang aking kata...