Pagkadating namin ni tay Arlando sa tapat ng mansyon ni Lincoln ay agad akong binundol ng kaba. Tinanghali na kami sa byahe.
"Maraming salamat po, Tay." Naiiyak kong sabi. Ngumiti naman ito at tinapik ako sa pisngi.
"Magiingat ka palagi wag kang mahiyang tawagan ang numerong ito kapag kailangan mo ng tulong."
Tiningnan ko ang papel na may nakasulat na numero. Tinago ko ito sa aking bulsa. Huminga ako ng malalim at ngumiti kay tay Arlando.
"Salamat tay, magiingat po kayo." Yumakap ako dito bago lumabas ng kanyang taxi. Pag tingin ko sa mansyon ni Lincoln ay kakaibang pakiamdam ang lumukob sa aking dibdib. Kinakabahan ako na nangungulila.
Kumatok ako sa malaking gate ng mansyon. Nilakasan ko at napadaing ako sa sakit. Natamaan ko kasi ang may parte na may bakal. Ang init pa at pinagpawisan kaagad ako. Kumatok ulit ako ng malakas at hindi ko na ininda ang kamay kong namumula. Naghintay ako ng ilang minuto at wala talagang nagbubukas. Basa na ang damit na hiniram ko kay Philip. Hindi pa naman ako nangangamoy, mabango kasi ang damit ni Philip at naaamoy ko ang kanyang pabango.
Naghanap ako ng may kalakihang bato at ipinukpok iyon sa may parte na bakal ng gate para mas malakas. Nilakasan ko ang bawat pagpukpok ko ng bato. Hiningal ako sa ginawa kaya tumigil muna ako at naghihintay ng magbubukas ng pinto. Pero lumipas ang ilang oras wala talagang nagbubukas. Nahihilo na ako dahil sa init at namumula na ang maputi kong balat. Napaiyak na lang ako at naghanap ng masisilungan. Pumwesto ako duon sa gilid na hindi naaabot ng sinag ng araw. Umupo ako duon at niyakap ang sarili.
Puyat na puyat ako at walang tulog sa byahe dahil sa kaba na nararamdaman. Pagod na pagod ako at wala akong magawa sa sitwasyon ko ngayon kundi ang umiyak nang umiyak.
Pakiramdam ko wala akong kakampi, magisa at walang malapitan. Mas niyakap ko ang sarili at yumuko. Hinyaan ko na lamunin ako ng antok.
"Gisingin mo na."
"Hindi. Ikaw na!"
"Madilim na at siguradong nangangalay na ang babae. Gisingin niyo na.."
Naalimpungatan ako sa ingay. Itataas ko na sana ang aking ulo ng sumakit ang leeg ko ng igalaw ko ito. Hinaplos ko ito at menasahe ng bahagya. Nangangalay na din ang aking mga tuhod at masakit ang aking likod.
"Nagigising na siya!"
"Oo nga! Lapitan mo!"
Inangat ko ang akig tingin at napansin kong may apat na babae na nakatingin sa akin. Ipinalibot ko ang aking tingin at nakita kong dumidilim na. Inalala ko ang lahat at ng maalala ko ang mga nangyari kanina ay bigla na lang akong napatayo. Muntik pa akong matumba ng sumidhi ang sakit sa likod at pwetan ko.
Mabilis akong lumapit sa gate at tiningnan ito. Mukhang wala talagang nagbukas ng gate. Malungkot akong yumuko at napaiyak na lang.
"Lapitan niyo na." Napatigil ako bigla dahil sa narinig. Marahan akong lumingon sa apat na babae. Nagulat pa ako ng makitang nakatingin sila sa akin.
Nakatitig sila sa akin at halata ang awa sa mga mata. Pinunasan ko ang aking mga luha at ngumiti. Alanganin namang ngumiti ang mga ito bago lumapit.
"Ahm, diyan ka ba nakatira?"
Napalingon ako sa gate bago tumingin ulit sa babae. Alanganin akong tumango, nanlaki naman ang kanilang mga mata. Nagkatinginan silang apat. Pamilyar ang mga mukha nila sa akin, parang nakita ko na sila. Pinipilit kong alalahanin ang mga mukha nila.
"I-ikaw yun! Oo, ikaw nga!"
Napakunot noo ako. Napatingin ako doon sa isa pang babae na binatukan ang nagsalitang babae kanina. Mabait ang kanyang mukha at pamilyar talaga silang apat sa akin. Nakita ko na sila hindi ko lang matandaan kung saan.
BINABASA MO ANG
San Gabriel Series #1 Lincoln San Gabriel
Roman d'amourR-18 "Strip now." Mautoridad na utos niya saakin gusto kong umiyak. Hindi naman ganito ang mundong pinangarap ko sa buhay. Hinubad ko lahat ng saplot sa katawan gaya ng utos niya. Naging matalim ang mga mata niyang hinagod nang tingin ang aking kata...