"Momy ito po bagay sayo!" inilahad ni Leticia ang isang itim na bistida na may malaking hiwa sa hita. Maganda ito at kumikintab pero ayaw ko naman na magalit sa akin si Lincoln. Sabi niya kasi kanina na hindi niya gustong nakikita ng iba ang braso, hita at kung ano mang pwedeng makita sa katawan ko. Nainis nga ako kanina kasi nakabihis na ako ng maiksing short pero nagalit ito at sinabihan ako na magbihis bago padabog na lumabas ng kwarto. Kaya naman balot na balot ako kahit napakainit ng panahon. Mabuti na lang malamig dito sa loob ng mall daw ang tawag sabi ni Leticia.
"Papagalitan tayo ni daddy mo niyan baby!" naglalambing kong anas para hindi ito malungkot at madismaya. Ngumuso ito at maiksing tumango.
"Buy na lang tayo pang swiming mommy! Let's go!"
Hinila ako nito sa mga gamit pamababae at huminto kami duon sa mga nakasabit na bra at panty, terno ang lahat ng iyon at magaganda ang mga desinyo at kulay.
"Good morning ma'am!" bumati din ako pabalik duon sa babaeng nakaputing uniporme na may tatak sa gilid na SG na kulay ginto.
"Ito po ang bagong labas namin ngayon ma'am." ngumiti lang ako at hindi alam ang sasabihin ng sumabat si Leticia.
"The white one pls miss!" natawa ang babae at tumingin sa akin na para bang may kinokumperma. Ngumiti na lang ako.
Kinuha ng babae ang panty at bra terno ito at kulay puti. Naglakad na ito at inakay naman ako ni Leticia.
"Let's go to the counter mommy!" nagpahila na lang ako. May inabot si Leticia duon sa babae at ibinalik lang ulit ngunit may kasama ng supot na mamahalin.
"Thank you ma'am! Come again!"
Masiglang sabi ng babaeng kanina pa umaalalay sa amin. Ngumiti na lang ako dito pagkatapos ay lumabas na kami.Ang mga lalaking tauhan ni Lincoln ay maraming dala na pinamili lahat ni Leticia. Sabi ko ako na ang magdadala sa iba ngunit ayaw naman akong payagan kaya si Leticia na lang ang binuhat ko dahil gusto kong maramdaman ang lakas ko. Pakiramdam ko kasi ang gaan ng katawan ko at parang naghihina ako kaya gusto kong maramdaman ang lakas ko.
"Ayos ka lang po pa ba mommy?"
"Hmmn..." mahinang ungol ko at ngumiti kay Leticia.
"I think you are just hungry mommy and I am too!" humagikhik ito kaya tumawa na lang din ako.
Pumasok kami duon sa pinagkainan namin kagabi kasama ang mga pinsan ni Lincoln. Ng pinagbuksan kami ng tauhan ni Lincoln ay tumunog na naman ito kaya nabaling ang tingin ng ibang taong kumakain. Naamoy ko ang kakaibang bango ng ibat-ibang pagkain.
Nagpababa sa pagkakabuhat sakin si Leticia at patakbong pumasok doon sa isang pinto. Susundan ko na sana ito ng mahilo ako bigla kaya napakapit ako sa upuang nasa gilid ko. Napahilot ako sa aking ulo at napapikit. Maayos naman kanina ang pakiramdam ko, siguro napagod lang ako dahil ilang oras din kaming naglakad-lakad ni Leticia.
"Hey! Are you okay?"
Napamulat ako ng makarinig ng tinig. Nakayuko kasi ako kaya sapatos lang ang nakikita ko. Tumingala ako para makita kung sino ang nagmamayari ng tinig na iyon pero nanlaki ang mga mata ko kung gaano kalapit ang mukha ng lalaking ito sa akin.
"A-ahm.." naiilang kong anas. Ngumiti ito, ngiting kayang paluhurin lahat ng mga babae.
"You look famil..." hindi nito natapos ang sasabihin ng may nagsalita sa likod ng lalaki.
"Mommy!" napaayos ako ng tayo ng marinig ang boses ni Leticia. Buhat ito ngayon ni Lucas. Napalingon din sa likod niya ang lalaking kaharap ko kanina.
"Leticia!?" napaigtad ako sa kalakasang boses nito. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Leticia at kung paano niya inabot ang lalaki para mayakap.
BINABASA MO ANG
San Gabriel Series #1 Lincoln San Gabriel
RomanceR-18 "Strip now." Mautoridad na utos niya saakin gusto kong umiyak. Hindi naman ganito ang mundong pinangarap ko sa buhay. Hinubad ko lahat ng saplot sa katawan gaya ng utos niya. Naging matalim ang mga mata niyang hinagod nang tingin ang aking kata...