CHAPTER 14

447 18 2
                                    

             Dedicated to everyone.

Read at your own risk!

Tahimik kong pinagmamasdan ang natutulog na si Leticia habang tahimik na tumutulo ang aking mga luha.
   
Naalala ko ang sarili ko sa kanya. Pero magkaiba kami ng sitwasyon. Nanjan si Lincoln, ang daddy niya para protektahan siya laban sa mga taong gustong manakit sa kanya hindi katulad ko, sarili ko lang ang meron ako upang maprotektahan ang sarili sa sakit na dinanas ko noon sa poder nila tiya.

Hindi lang ako nangako kay grandma Felicia na aalagaan ko si Leticia, nangako din ako sa sarili ko na aalagaan at mamahalin ko siya kasama na ang pagprotekta sa kanya.

Nakarinig ako ng mga yapak patungo sakin at ang mabibigat niyang pagbuntong hininga. Pinunasan ko ang aking mga luha. Nakatitig lang ako kay Leticia ng may humawak sa aking mga kamay at iginiya ako paharap sa kanya. Lumuhod siya sa aking harapan bago pinisil-pisil ang aking mga kamay.

"Baby, why are you crying? hmmn?" napakalambing ng tanong na iyon at nagdala ng kiliti sa kaibuturan ko.

"H-hindi naman kita maintindihan Lincoln." malungkot kong turan bago ngumiti ng malungkot. Natigilan ito sandali bago bumuntong hininga.

"Gusto mo bang mag-aral?" ako naman ngayon ang natigilan. Gusto ko ba? Pero nuon yun, iba na ngayon ang gusto ko. Umiling-iling ako bilang sagot.

"Hindi ko na gustong mag-aral Lincoln. Gusto kong ibigay lahat ng atensyon ko kay Leticia at sa...i-iyo." nahihiya kong saad. Nakita ko ang pinipigilan nitong ngiti.

"Ang gusto ko lang naman ay maintindihan ko kayo kapag nagsasalita kayo ng engles." Umiling ito at tumayo. Nagulat na lang ako ng buhatin ako nito at dinala sa silid niya.

Inihiga niya ako sa kama, akala ko aangkinin na naman niya ako pero tumabi lang ito sakin at pinaunan ang kanyang braso sa aking ulo bago ako niyakap ng mahigpit.

"Alam kong nagaalala ka kay Leticia, baby." tiningala ko ito bago tumango.

"Hindi ko siya naprotektahan Lincoln."

Nanginig yung tinig ko. Huminga ko ng malalim at dinala ang aking kamay sa gwapo niyang mukha bago ko ito hinaplos-haplos.

"Kasalanan ko Lincoln kung bakit siya nasaktan. Kung hindi ko sana siya hinayaang magisa, siguro hindi yun mangyayari." nanikip yung dibdib ko.

"No, wala kang kasalanan baby."

Magsasalita na sana ako ulit ng sakupin nito ang aking mga labi at umibabaw sa akin. Napayakap ang mga braso ko sa kanyang leeg at ang aking mga daliri ay nakasabunot sa kanyang buhok. Nagtagal ang paghahalikan namin ng ilang minuto bago niya pinakawalan ang aking mga labi. Ngumiti ako dito ng matamis kahit na naghahabol ng hininga. Napatitig ito ng matagal sakin, lumunok at napapikit ng mariin bago tumabi sa akin ng higa.

"Lincoln." tawag ko sa kanya, malamig itong tumitig sa akin na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam tuwing ginagawa niya yun.

"Lincoln?" nilambingan ko ang pagkasabi ng kanyang pangalan. Umawang ang kanyang mapupulang labi na gustong-gusto kong hinahalikan

"Hmmm?" paos niyang sagot.

"Lincoln?"

Pinipigilan ko ang matawa. Ang sarap bigkasin ang pangalan niya. Nakita kong napakagat labi ito at namumula ang leeg ngunit nakatitig parin ng malamig sa akin. Napakagat ako ng labi para pigilan ang tawa.

"Lincoln?" paos ngunit malambing kong anas.

"Y-yes baby?" umisog ako ng bahagya para maabot ang kanyang mga labi at hinalikan iyon ng mabilis.

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon