CHAPTER 29

333 16 1
                                    

Lumipas ang tatlong araw na palagi na lang akong tulala. Wala akong ginagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Masakit yung puso ko at hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman para kay Lincoln.

Hindi ko maramdaman ang galit para sa kanya kundi lungkot at sakit. Pinipilit kong isiksik sa aking isip na hindi iyon kayang gawin ni Lincoln, ang saktan ako. Pero sino bang niloko ko? Nakita na ng dalawa kong mata, klarong-klaro na wala akong laban duon sa babaeng kahalikan niya at hindi maipagkakaila na gusto ng ina ni Lincoln ang babaeng iyon para sa kanyang anak.

Ang lungkot ko ngayon. Ang pangungulila na meron ako para kay Lincoln ay napalitan ng sakit.

Nakaramdam ako bigla ng gutom kaya bumaba ako. Kailangan kong kumain dahil nakakaramdam na ako ng pagkahilo at panghihina. Pagkababa ko ay dumiretso ako sa kusina ng may maulingan akong boses. Nangagaling iyon sa malapit sa banyo ng kusina. Dahan-dahan akong lumapit.

“Mukhang di na natin kailangan ituloy ang isa nating plano ma'am.” narinig ko ang tawa ng taong may kausap.

“Nakita ko nga sa balita ma'am. Pinagpyeyestahan na siya ng mga tao.” kinabahan ako bigla. “Ano ba namang laban niya sa isang modelong iyon.” narinig ko ulit ang mga tawa niya. “Kawawa nga naman!” lalapit pa sana ako ng may humawak sa aking balikat.

“Ailen!” napasapo ako sa aking dibdib. Napangiwi naman ito sa nakita kong reaksyon. “Pasensya na Madam.” nginitian ko lang siya. Bumuntong hininga si Ailen at may pagaalinlangan na tumitig sa akin.

“May problema ba Ailen?” nakita ko sa kanyang mga mata ang pagaalala. Nakita ko na lang na hinihila ako ni Ailen. Huminto kami sa sala at may kinulikot siya sa TV at ng bumukas ito ay nanghina ako literal.

Si Lincoln kasama ang babae sa isang dagat, magkayakap sila. Sa pangalawang litrato naman ay kumakain sila habang nakakandong ang babae sa kanya at sinusubuan siya.

Napakapit ako ng mahigpit sa aking kinauupuan. Sa pangatlong litrato naman ay naglalakad sila palabas ng kompanya ni Lincoln habang magkahawak kamay at ang panghuling litrato ay ngayong araw lang nakunan base sa nakalagay sa TV papalabas sila ng isang hospital. Nakalagay duon na buntis ang dalaga at ang ama ay si Lincoln.

Napasinghap ako bago napatulala. Bumuhos ang aking mga luha. Ang tatlong araw na iyon ay ginugol ni Lincoln sa babae kaya ba hindi niya ako matawagan? Kaya ba hindi man lang niya ako mabisita kahit sandali lang. Ano ba talaga ako sayo Lincoln.

Napatawa ako, bakit ko nga naman nakalimutan kong ano lang ako sa buhay niya. Isa lang naman akong parausan.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Ailen sa Likod ko. Habang nakayuko at umiiyak ay narinig ko ang singhap ni Ailen.

“Madam.” halata sa boses ni Ailen ang awa at pagaalala. Tiningala ko siya at nakita kong nakatutok ang mga mata niya sa TV kaya tumingin na rin ako na pinagsisihan ko rin.

Nakita ko ang litrato namin ni Lincoln at ang litrato niya ng babae. Nanghina ako ng mabasa ang nasa baba nito.

Panakip butas lang pala ako kung ganun.

Napahagolhul na lang ako. Naramdaman ko ang pagyakap ni Ailen sa akin. Humihingi siya ng tawad sa akin pero wala naman siyang ginawang masama. Iyak ako ng iyak. “Panakip butas lang pala ako Ailen.” bumilis ang paghinga ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. “Madam.” awa ang naririnig ko sa kanyang boses. Umiling-iling ako. “Ayos lang ako Ailen. Salamat sayo.” humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Nagpaalam na ako sa kanya na aakyat na sa taas, inalalayan niya naman ako.

Pagkasara ko pa lang ng pinto ng silid namin ni Lincoln ay napasandal kaagad ako sa nakasaradong pinto. Iniyak ko lahat. Lahat ng sakit at kalungkutan. Panakip butas lang pala ako at bakit hindi ko alam na may mahal palang iba si Lincoln.

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon