CHAPTER 8

631 16 0
                                    

"Mommy!!!" tili ni Leticia ng makapasok ako sa kusina. Nakaupo na ito at nakapalibot sa kanya sila nila Lilit.

"Mommy come!" tumayo ito sa upuan at itinaas ang mga kamay, nagpapabuhat. Agad akong lumapit dito dahil baka mahulog.

Hinalikan ko ito sa sa buong mukha, napapahagikhik naman ito. Yumakap ito saakin at hinalik-halikan din ako.

"Good mor…. Magandang umaga Mommy!" nakangiti nitong sabi saakin.

"Magandang umaga din baby
Leticia." umupo ako sa kinauupuan nito kanina. Napangiwi pa ako ng pabagsak na umupo si Leticia sa kandungan ko. Siguradong namamaga ang kaselanan ko ngayon. Hindi kasi ako tinigilan ni Lincoln kagabi. Galit na galit talaga siya at kahit sa sahig ay inangkin niya ako. Napakagat labi na lang ako ng maalala ang eksenang iyon.

"Kaganda naman yang batang iyan anak." puri ni nanay Beth.

"Ay oo nga nay kanina pa kami nangigigil dito." segunda naman ni Lilit.

"Magandang umaga nay at sa inyo Lilit." bati ko at bumati naman sila pabalik.

"Baby nag mano ka ba kay nanay Beth mo?" masaya itong tumango-tango.

"Maganda at mabait pa ang batang iyan anak." nagpasalamat naman kaagad si Leticia.

"Kagaya ko nay!" sabi ni Lilit at hinawi ang magulong buhok, narinig kong napaubo sila nila Ailen at Patty kaya napatingin ako sa banda nila nakita kong umirap sa hangin si Mara.

"Ate Lilit, you can borrow po my comb!" natigilan ang lahat pero kalunan ay napahalakhak silang lahat maliban saakin at kay Lilit. Nakangiwi ang mukha ni Lilit at ang dalawang kamay ay nasa dibdib at umakto na para bang nasaktan.

"Mahiya ka na talaga Lilit! Bata na ang nagsabi at nakapansin yang buhok mo!" panenermon ni nanay pero natatawa parin.

"Gusto mo bang suklayin ko ang buhok mo Lilit?" sabi ko ng nakangiti pero tinawanan na naman siya nila ni nanay Beth.

"Kay swerte ko naman kung ganun Venna!" napapalakpak pa ito at hinawi ang buhol-buhol na buhok. Narinig ko ang hagikhik ni Leticia.

"You're so funny ate Lilit, I like you na po!" at humagikhik ulit ito na yumakap saakin.

Masaya akong nakikita si Liticia na tumatawa, na masaya siya ngayon. Hanggang nasa mga bisig ko si Leticia, ipaparamdam ko ang pagmamahal ng isang ina. Hinalikan ko si Leticia sa ulo.

"She like me daw hahaha!" nakitawa na lang din ako. Masaya kaming naguusap-usap. Bibong kausap si Leticia at tuwang-tuwa talaga sila ni nanay Beth. Natigil lang kami ng dumating ang lalaking pumagod saakin kagabi. Namumula akong napaayos ng upo.

"Good morning Daddy!" humalik ito sa labi ni Lincoln at nagpabuhat.

"Good morning baby." tipid nitong sabi at hinalikan sa noo si Leticia pero saakin naman ito nakatingin.

"Good morning too Alvin and Teodore!" ngumiti naman si Alvin habang si Teodore ay kumaway.

Nahagip ng mga mata ko sila Lilit at Patty na nagsisikuhan at parang kinikilig, ng makita nilang nakatitig ako sa kanila ay umayos sila ng tayo pero nakita ko parin ang pagpiligil nila ng kilig. Oo nga pala may gusto si Lilit at Patty sa dalawang tauhan ni Lincoln na si Alvin at Teodore. Ngumiti ako sa kanila at ibinalik ko ang tingin kay Lincoln at Leticia. Nilagpasan ako nila at umupo sa katabi kong upuan.

"Kumain na ba kayo Alvin at Teodore?" mahina kong tanong sa kanila ng nakangiti. Tumingin muna sila kay Lincoln, napalunok pa si Teodore kaya napakunot noo ako.

"Yes. No! Ma…" sabay na sabi nila ni Alvin at Teodore. Narinig ko pa ang hagikhik ni Leticia. Lumingon ako kay Lincoln, nakatitig din pala ito saakin.

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon