CHAPTER 18

424 14 0
                                    

Nagising ako dahil pakiramdam ko ay may nagbibihis sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nakita ko si Lincoln na sinusuot ang sandals sa aking mga paa. Napangiti ako ng makitang nakadamit na pala ako. Gustong-gusto talaga niya na siya ang nabibihihis sa akin.

"Lincoln?" paos kong tawag sa kanya. Napatingin naman siya at pumaibabaw sakin. Napatawa ako ng ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Naramdaman ko ang mumunti niyang halik na kumikiliti sa akin.

"Good evening baby. Limang oras kang tulog." nanlaki ang aking mga mata. Ganun katagal? Bigla kong naalala si Leticia.

"Lincoln nasaan si Leticia?" nagaalala kong tanong at pilit siyang pinapatayo.

"Relax baby," hinalikan niya ako sa mga labi. "Magkasama sila ng mga tito daddy's niya." nakahinga ako ng maluwag. Ni hindi ko man lang siya naalala kanina. Masyado akong nagpadala sa init ng katawan, ni hindi ko man lang naalala kung nasaan si Leticia.

"Puntahan na natin si Leticia, Lincoln." humahikhik ito kaya napakunot noo ako. Bumusangot ako at umiwas ng tingin. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Alright." bumangon siya at tumayo sa paanan ko. Nakita ko ang pagpipigil niya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Nakakatakot!" sabi niya sa malamig na tono at humalakhak sabay tumalikod. May kinausap ito sa telepono at narinig ko ang pangalan ni Teodore.

"Make it fast Teodore." at ibinaba niya ang tawag sabay lingon sa akin na may pinipigilang ngiti. Bakit siya nangingiti?

"Lincoln may nakain ka ba?" nanlaki ang kanyang mga mata ngunit sandali lang iyon at agad ring napalitan ng isang pilyong ngiti.

"Meron." napatango-tango ako.

"Ano? Masarap ba?" naglalaway ako at hindi ko alam kung bakit. Humalakhak siya na para bang may nasabi akong mali.

"Yes, baby! Masarap na masarap!" dinilaan pa nito ang mga labi. Siguro masarap talaga.

"Sana ginising mo ako para makatikim din ako baby!" nakalabi kong sabi. Napaupo ito doon sa mahabang upuan. Habang pigil na pigil ang humalakhak.

"Ano bang kinain mo baby? Hmm?" malambing kong tanong at umupo sa gilid ng kama. Naglalaway ako at gusto kong kumain ng kung ano.

Pulang-pula na ito. Nakita ko ang pagbaba ng kanyang tingin sa mga hita ko. Napalunok ito at ibinalik ang tingin sa akin.

"Y-your sweet cherry baby!" malaki ang ngiti nito ng maglakad papunta sa akin. Tumango-tango na lang ulit ako. Wala naman kasi akong maintindihan.

Kahit paglalakad niya ay
maowturidad parin at nagsusumigaw sa kagwapuhan. Ang layo namin ni Lincoln. Ang layo ng agwat ng buhay namin.

"Let's go baby!" hinawakan niya ang aking mga kamay at pinatayo ako. Hinalikan muna niya ako sa mga labi ng ilang minuto bago kami sabay na lumabas ng kwarto ng magkahawak kamay.

Sumakay kami doon sa elevator sa loob lang din ng kanyang opisina. Nahilo na naman ako kaya yumakap ako sa kanya at nagsumuksik sa kanyang leeg. Gusto ko ang bango ni Lincoln. Masarap amoy-amoyin.

Ilang sandali pa ay nakababa na kami at sinalubong ng mga gwardya ni Lincoln na may mga malalaking baril.

Hinapit ako ni Lincoln sa bewang. Iniyakap ko din ang aking mga kamay sa kanyang tiyan. Hindi naman mahirap maglakad.

Sa paglabas namin ay madilim na kaya pala gusto kong kumain dahil maghahapunan na. May tumigil na itim na sasakyan sa aming harapan.

Pinagbuksan ako ni Lincoln ng pinto ng sasakyan. Umusog na lang ako para hindi na siya umikot pa. Napatingin ako sa harapan at nakita si Teodore ang nagmamaneho.

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon