CHAPTER 11

517 15 0
                                    

"Mabuti naman iho at nakain mo na ang niluto ni Venna." si nanay Beth na inaayos ang mga pagkain, sila Lilit naman ay nagsasalin ng tubig sa baso ko.

"Oo nga po Sir. Lincoln, nalungkot po si Venna ng hindi niyo nakain ang niluto niyang calderetang kambing para sa inyo ang sarap pa naman nun." segunda ni Lilit.

Kagat labi akong tumingin kay Lincoln na ngayon ay nakatitig na sa akin. Alanganin akong ngumiti. Nakayuko akong kumain. Nakatulog na si Leticia pauwi kanina galing sa opisina ni Lincoln. Hindi ko na ito ginising pa dahil nakakain naman na ito dahil pinabilhan kanina ni Lincoln ng makakain sa tinatawag nitong secretary Allen.

"Tapos na po ako nay salamat sa
hapunan."

Hindi na ako nagpaalam pa kay Lincoln o tumingin man lang. Mabilis akong umalis sa hapag at agad na umakyat. Sinilip ko si Leticia sa katabing kwarto namin ni Lincoln. Hiwalay itong matulog sa amin dahil sabi niya malaki na daw siya. Nagpasya akong pumasok at tumabi dito ng higa. Sinusuklay-suklay ko ang kanyang buhok gamit ang mga daliri ko.

Letecia...

Nagpapasalamat si mommy na dumating ka sa buhay ko, kayo ng ama mo. Hindi ka man galing sa akin pero galing ka naman sa puso ko.

Sa bawat araw na lumilipas ay nahuhulog ang loob ni mommy sayo at sa ama mo na hindi dapat, alam kong dadating yung araw na kailangan ko kayong bitawan. Itong natatamasa kong kasiyahan ngayon ay alam kong panandalian lang.

Naramdamn kong may nakatingin saakin at paglingon ko sa pinto ay nakita ko si Lincoln. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan at nakatitig sa akin.

Inayos ko muna ang pagkakahiga ni Leticia at dahan-dahan ang aking galaw dahil baka magising. Naglakad ako papalapit kay Lincoln at ngumiti. Tinaas ko ang aking mga kamay na para bang nagpapabuhat.

Binuhat niya ako gaya ng gusto ko, ipinalibot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg ganun din ang mga hita ko sa kanyang bewang. Nagsumiksik ako sa pagitan ng kanyang leeg at balikat.

Naglakad siya habang karga ako, narinig ko ang pagsarado ng pintuan na alam kong sa silid ni Leticia. Naglakad ulit siya at narinig ko ulit ang pagbukas sira ng isang pinto.

Umupo siya sa mahabang upuan dito sa silid niya habang karga pa rin ako. Nakakandong na ako sa kanya, dinala ko ang aking mga kamay sa kanyang makinis na mukha at hinaplos ito. Nagkatinginan kaming dalawa hanggang sa magtagpo ang aming mga labi.

Mapusok niya akong hinalikan habang naglulumikot naman ang kanyang mga kamay sa katawan ko. Natagpuan nito ang aking dibdib at pinisil iyon ng malakas kaya napakagat ako sa pangibabang labi niya na ikinaungol niya na para bang nasaktan.

Humiwalay ako sa halik namin at sinuri ang labi niya. Nakita ko ang sugat sa labi niya kaya nakonsenya ako. Siguradong masakit ito at mahapdi.

"Masakit baby?" nakanganga siyang tumango-tango.

"Pasensya na, ikaw kasi bakit mo kasi pinisil ng malakas ang dib..." napatakip ako sa aking bibig. Napakagat labi na lang ako at ayaw ko siyang tingnan sa mga mata. Nahihiya ako. Itinuon ko na lang ang tingin ko sa mga labi niyang may sugat.

"So cute."

Bumuntong hininga ako at ngumiti ng malungkot sa kanya. Napawi naman ang ngisi nito at hinawakan ang mga daliri ko at nilaro-laro.

"What...Anong problema baby?"

Bumuntong hininga ulit ako at mapait na ngumiti.

"Kung nakapagaral lang ako, tiyak na maiintindiha ko kayo ni Leticia."

"Gusto mong mag-aral baby?"

Umiling-iling ako sa tanong niya at ngumiti.

"Kahit naman na gusto kong mag-aral ay wala akong pera at isa pa matanda na ako para tumuntong sa elementarya."

San Gabriel Series #1 Lincoln San GabrielTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon